HINDI na ako dumiretso sa bahay. Nagpunta kaagad ako sa presinto para itanong kung naandoon ba si Mama. Bakit siya dadamputin ng mga pulis? Wala namang ginawa si Mama, ah? Anong kaso ang isasampa sa kanya ng mga Del Valle at bakit sila pa ang magkakaso ganoong si Hudson naman ang may ginawang mali? Hinahapo ako at medyo basa ng ulan nang makarating sa presinto. Agad akong lumapit sa information upang itanong ang tungkol kay Mama. “Walang nakakulong na ganyan dito—” Naputol ang sasabihin ng kausap ko nang may lumapit sa kanya at may ibinulong. Nagkatinginan sila bago muling ibalik ng lalaki ang tingin sa akin. “Hindi pala pwedeng dalawin si Cecilia Fontanez.” Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bakit. Noong una ang sabi niya ay walang nakakulong na ganoon dito tapos matapos s