“PUTANGINA MO! Papatayin kitang gago ka! Ang kapal ng mukha n’yong magpakita sa akin?!”
Umalingawngaw sa isang malaking bar ang boses ni Gareth Allister Benavidez matapos niyang suntukin ang isang lalaki at patumbahin ito sa sahig. Biyernes ng gabi ngayon at naisipan niya kasama ang mga pinsan at mga kaibigan na gumimik.
Kakahiwalay lamang ni Gareth sa kanyang girlfriend na si Miranda nang malaman nitong niloloko siya ng babae at ngayon ay nakita niya ang kanyang ex-girlfriend at ang bagong boyfriend nito.
“Ali, tama na iyan!” Pigil ng mga kaibigan niya. Tumingin ang mga ito sa tatlo pang lalaki na nakaupo pa rin sa couch ng bar at pinapanood lamang magwala ang pinsan.
“Luciel, Yago, at Zeke! Hindi niyo man lang ba pipigilan si Ali? Baka makapatay iyan,” natatakot na sabi naman ng isang babae habang pinapanood si Ali na manugod at halos walang makapigil dito.
“Hayaan n’yo si Ali. Hayaan n’yong mapatay niya iyang lalaki nang mabawasan ang salot sa mundo,” anang Luciel, isa sa mga pinsan ni Ali.
“Ali, stop that!” sigaw ni Miranda, ang ex-girlfriend ni Gareth. Ngunit maging siya ay hindi nagawang maabot ang namumula sa galit na si Gareth.
“Ang kakapal ng mukha n’yong magpakita sa akin pagkatapos nang ginawa niyo sa ‘kin? f*****g piece of s**t!” Sinipa ni Gareth ang lalaki at walang makapigil sa kanya sa ginagawa nito.
Tumili si Miranda at nagtatawag ng bouncer ngunit mukhang maging ang mga bouncer ay hindi magawang mapigilan si Gareth.
Ang mga Benavidez ang may-ari ng bar. Sila ang batas at kung kakalabanin mo sila ay mas maganda huwag ka na lang magpakita sa naturang bar dahil kung hindi, baka langit na ang kagisingan mo.
Halos sumuka na ng dugo ang lalaki dahil sa ginawa ni Gareth at doon lamang nagdesisyon sina Zeke at Yago na tumayo upang pigilan ang pinsan sa ginagawa niyang pambubugbog sa nasabing lalaki na ngayon ay tila wala nang malay.
“Tama na iyan, Ali. Umuwi na tayo,” bulong ni Zeke sa pinsan bago tapikin ang balikat nito. Hindi pa rin sana papaawat si Gareth nang hawakan siya ni Yago sa braso at pigilan sa gagawing pagsugod.
“Ali, dude, calm your t**s. Wala nang malay iyong tao. Don’t waste your time.” Bakas man kay Yago ang engganyo sa panonood sa ginagawa ng pinsan ay mas pinili nilang pigilan na ito. “Isa pa, baka makarating ito kina Tita Brie, ikaw rin.”
Doon lamang natigil si Gareth nang marinig niya ang pangalan ng kanyang ina. Malalim itong huminga bago kumalma.
Tumayo si Luciel na para bang dismayado sa nangyaring pagtigil. “Bakit n’yo pinipigilan si Ali? Where’s the fun—”
“Luciel, shut up!” mahinahon ngunit may riing suway ni Zeke sa pinsan. Ngumuso si Luciel bago ito maupo sa couch at uminom na lamang ulit ng alak.
Hinila na nina Zeke at Yago si Gareth ngunit bago ito umalis ay kinuha ni Gareth ang kanyang wallet at sinabuyan ng pera ang lalaking wala nang malay ngayon.
“Pampa-ospital mo. Sana lang mabuhay ka pa. Mas ikagagalak ko kung hindi.” Tumingin ang mga mata ni Gareth sa babaeng laglag ang panga dahil sa ginawa nito. Ngumisi si Gareth bago magsalita kay Miranda. “Wala kang karapatang lokohin ako. I gave you the f*****g honor to be my girlfriend at ikaw pa ang may ganang manlalaki? You, w***e! Magsama kayong dalawa ng lalaking iyan, pareho naman kayo basura.” Matapos iyon ay tinalikuran na nila ang mga ito at naglakad pabalik ng kanilang kinauupuan.
Kinuha ni Gareth ang ilang gamit niya bago pasadahan ang kanyang magulong buhok ng kamay at tumingin sa mga pinsan.
“Uuwi na ako,” malamig na sabi nito sa mga pinsan bago maglakad palabas ng bar. Napansin niya na may ambulansya na roon at napangisi siya.
Nagpatuloy si Gareth sa paglalakad papunta sa kanyang kotse at pinatunog iyon. Pumasok siya sa loob at para bang walang pakealam sa mga maaaring mahagip ng kanyang sasakyan na pinaharurot iyon.
Madilim na ang kanilang bahay nang makauwi siya. Malamang, anong oras na rin naman kaya natural lamang na tulog na ang kanyang mga magulang at kapatid. Umakyat ito sa pangalawang palapag at kaagad na pumasok sa kwarto.
Naglinis ito ng katawan niya bago matulog.
Kinaumagahan ay nagising si Gareth sa malakas na pagkatok sa kanyang pinto. Iritado niyang iminulat ang kanyang mga mata ngunit hindi siya nagsalita sa kumakatok.
“Ali!” sigaw ng kanyang nakatatandang kapatid na babae na si Briana.
Gareth groans. Naiirita na ginigising siya ng maaga ng kanyang kapatid na babae. Kinuha niya ang isang unan at isinalpak niya iyon sa kanyang ulo upang hindi marinig ang kapatid.
“Go away, Ate! Ang aga mong mambulabog!” sigaw ni Gareth bago bumalik sa pagkakapikit.
“Ali, tawag ka nina Dad! Bumangon na na riyan!” sigaw naman muli ni Briana sa kanya.
Mariing ipinikit ni Gareth ang kanyang mata at iritadong bumangon mula sa pagkakahiga. Naglakad ito patungong pintuan at binuksan ang pinto. Sinalubong siya ng kapatid niyang nakabungisngis sa kanya.
Kaagad na nagsalubong ang kilay niya nang makita ang ekspresyon ng kanyang ate. Iniisip niya na pinagti-tripan lamang siya nito at gusto lamang sirain ang umaga niya.
“You’re pranking me…na naman. Tigilan mo ako, Ate. Hindi ka nakakatuwa.” Isasara na sana ulit ni Gareth ang kanyang pinto nang pigilan siya ng kapatid.
“Hindi, ‘no! Tawag ka talaga ni Daddy. Bilisan mo raw bago pa si Mommy ang mangaral sa ‘yo ngayong umaga. Sabagay, masarap iyon. Pangaral for breakfast.” Malakas na tumawa si Briana bago magsimulang maglakad papaalis. Bumuntong hininga naman si Gareth. Nag-ayos lamang ito at sumunod na rin sa kapatid.
Napapakamot pa sa ulo si Gareth habang pababa ito ng hagdanan dahil hindi maganda ang kanyang gising. Bukod sa medyo masakit ang ulo nito dahil sa pag-iinom kagabi ay binulabog pa siya ng kanyang kapatid.
“Ali,” pagtawag sa kanya ng kanyang ama na si Giovanni Benavidez. Nagbabasa ito ng dyaryo habang nakaupo sa sofa. Kaagad namang lumapit doon si Gareth, nakakunot ang noo.
“May mga pulis na pumunta rito kanina. Gusto nilang hulihin ka. May nagrereklamo raw sa ‘yo dahil may binugbog ka sa bar kagabi. Gusto kang kasuhan ng mga magulang ng lalaking pinadala mo sa ospital. He received a lot of injuries and may fractures pa. What did you do last night?” Isinara ni Gio ang kanyang binabasang dyaryo at tumingin sa anak.
Humikab si Gareth at para bang walang pakealam sa mga sinabi ng ama.
“I just gave him what he deserved, Pa.” Humalukipkip ito.
“Sabi nina Zeke kaya mo raw binugbog ay dahil iyon ang bagong boyfriend ng ex mong kamukha naman ni Ursula.”
Napatingin si Gareth sa kanyang nakatatandang kapatid at nginitian lamang siya nito bago tumawa. Napairap sa hangin si Gareth dahil umagang-umaga ay umiinit ang ulo niya.
“Iyon naman pala. Understandable—”
“Gio!”
Kaagad na tumigil si Gio sa kanyang sinasabi nang marinig niya ang boses ng asawa. Napatingin sina Gareth dito at nakita niya ang kanyang ina na si Bryleigh Benavidez na kakagaling lamang sa kusina.
“Tsk.”
Alam ni Gareth na mas mahirap makipag-usap sa kanyang ina kaysa sa kanyang ama, at alam niya rin na hindi siya kakampihan ng kanyang ama kapag ang ina na niya ang nangangaral sa kanya, dahil maging ang tatay niya ay takot dito.
“Ikaw! Napakakunsintidor mo sa mga anak mo.” Umirap si Bryleigh kay Gio at bumaling sa kanyang anak na lalaki. “Ali, they want you to apologize. Sasagutin natin ang lahat ng gastusin sa opsital and you need to apologize to him personally. Sasamahan ka namin sa opsital mamaya—”
“Why should I apologize, Ma? Mabuti nga at nabuhay pa siya? Buti nga at nakahiga pa siya sa hospital bed ngayon kaysa sa loob ng kabaong,” nakasimagot na sagot ng anak sa kanyang ina. Halatang hindi ito nagustuhan ni Bryleigh.
“I know you’re too prideful to do that, Ali. Kaya nag-isip ako ng Plan B.” Nakuha ni Brie ang atensyon ng anak dahil dito. “Kung hindi ka hihingi ng patawad sa lalaking binugbog mo kagabi ay ipapadala ka namin sa probinsya ng Claveria bilang parusa mo, Gareth Allister, mamili ka,” maawtoridad na sabi ni Bryleigh na para bang walang maaaring kumontra sa kanyang desisyon.
“Oh, I guess, happy trip, Ali?” natatawang sabi ni Briana sa kapatid. Alam na alam nito na hinding-hindi hihingi ng tawad ang kapatid sa lalaki na nabugbog nito.
“Brie, hindi ba parang masyado namang mabigat iyan para kay Ali—”
Masamang tiningnan ni Bryleigh ang kanyang asawa kaya wala nang ibang nagawa si Gio kung hindi ang ngumiti bago magsalita.
“Kailan ba iyan, ipapahanda ko na ang pagbyahe ni Ali.”
Napabuntong hininga si Ali at tumingin sa kanyang ina na naghihintay ng sagot niya.
“Bakit ba kailangan pang palakihin ang gulong ito? Tito Zav and Dad can do something about the police. Pwede nating bigyan ng malaking pera ang pamilya ng lalaking iyon para manahimik na—”
“You don’t abuse the power of the Benavidez family like that, Gareth! Iyon ang pinupunto ko. Hindi dahil kaya mong lusutan ang lahat ng gulong pinapasok niyo ay susulitin n’yo na. Face the consequences or apologize.” Hindi napigilan ni Bryleigh ang magtaas ng boses sa anak dahil sa sinabi nito.
“Ma, darating ang araw, kami rin ang sasalo ng organisasyon. Kami ang papalit sa pwesto nina Dad. What do you want? Maging softie kami sa pagpapalakad ng mafia? Hindi ba dapat talaga namang tinatakot natin ang iba para matakot sila sa atin? We are above them; we are superior. Bakit tayo papaapi—”
“Gareth, huwag mong pagtataasan ng boses ang mama mo!” Kung kanina ay nagbibiro si Gio ngayon ay seryoso na ito.
Bumuntong hiningang muli si Gareth. Mukha namang napagtanto niya na hindi tamang pinagtaasan niya ng boses ang ina.
“Fine,” matipid na sagot nito bago talikuran ang mga magulang. “I’m going to pack my things. Sabihan n’yo ako kung kailan ang alis ko.”
Mas pinili ni Gareth ang umalis ng kanilang bahay at magtungo sa malayong probinsya ng Claveria kaysa ang humingi ng tawad sa lalaking binugbog niya.
Doon niya matutunan ang isang aral na tatatak at magpapabago sa kanyang buhay.