“SERENA!” Dumagungdong ang boses ni Gareth sa buong bahay nang tawagin niya ang pangalan ko. Nasa sala ako at ginagamot ang mga sugat ko. Kasama ko rin si Aling Susan na tinutunglunga ako. Hinahapong nagpakita si Gareth sa gilid ko pero hindi ko siya tiningnan. Magpapanggap na lang ako na wala siya rito. “What happened?” tanong niya at agad akong dinaluhan. Tiningnan ko si Aling Susan na pakiramdam ko ay siyang tumawag kay Gareth para sabihin ang nangyari sa akin. “Maiwan ko muna kayong dalawa.” Tahimik na umalis si Aling Susan para mapag-isa kaming dalawa ni Gareth. Hindi ko pa rin pinansin si Gareth. Mabuti na lamang at hindi kalakihan ang mga sugat na natamo ko sa gilid ng tuhod ko at sa siko. Lumuhod sa harapan ko si Gareth. “Let me do it—” Nang tangkain niya akong hawakan ay in