MANILA. Paulit-ulit ang salitang iyon sa aking isipan, na hanggang sa paluwas na kami papunta ng Maynila ay iyon pa rin ang iniisip ko. Hindi ko pa ito naibabalita kay Gareth dahil biglaan lang din. Short notice lang kasi ang bigay sa aming school kaya kinailangan kaagad ipadala ang mga participants. Magiging mahaba ang byahe kaya’t maaga kaming umalis ng Claveria. Sobrang excited ko nga at hindi ako nakatulog kagabi. Iniisip ko na kaagad na maaari kaming magkita ni Gareth doon. Kapag nasa Maynila na ako, siguro ay sasabihin ko sa kanya. What if, surpresahin ko na lang siya? Mas lalo lamang akong nae-excite sa mga iniisip ko. Pagka-announce kasi na pupunta kami ng Maynila para sa isang convention ay ipinatawag kaagad kami ng professor namin para makausap. Kinailangan kaagad naming magpa