MARAMI kaming pinuntahan ni Gareth. Marami rin akong napamili para kay Mama at maging kay Clarity. Pauwi na kami ngayon ni Gareth nang may tumawag sa kanyang cellphone. Sinagot niya iyon nang naka-loud speaker kaya’t narinig ko ang kanilang pinag-uusapan. “Ali, where are you?” tanong ng nasa kabilang linya. Hindi pamilyar sa akin ang boses kaya’t naisip ko na maaaring hindi ito ang dalawang pinsan ni Gareth na nakilala ko kanina. “Bakit?” Hindi sinagot ni Gareth ang katanungan ng lalaking nasa kabilang linya, bagkus ay tanong din ang sinagot nito. “We have a family dinner tonight. Hindi ka magpapakita?” Kinilabutan ako sa boses na iyon. Pakiramdam ko ay para bang kung anong sinabi niya ay dapat masunod. “Wala rin naman sina Mama—” “You’re in Manila and you’re telling me you’re not go