MALAMIG na sahig ang una kong naramdaman nang magkaroon ako ulit ng malay. Tahimik ang kapaligiran at may kadiliman. Hindi ko pa maalala ang mga nangyari kanina bago ako mawalan ng alaala pero… Napabangon ako nang mapagtanto ko na kasama ko kanina si Luis hanggang sa mawalan ako ng malay. Iginala ko kaagad ang aking paningin sa buong lugar. Pamilyar ito sa akin dahil ito iyong bahay kubong madalas naming tambayan nina Luis noong mga bata pa kami. Malapit ito sa bahay nila at sa bahay namin. Hindi naman nakatali ang aking kamay at paa. Walang pagdadalawang-isip akong tumayo at habang may chance pa ay binalak kong lumabas. May humila sa buhok ko pabalik sa kinaroroonan ko kanina. Napaupo ako sa sahig kaya’t sumakit ang pang-upo ko dahil sa pagbagsak ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita