MABAGAL para sa akin ang pagtakbo ng oras at araw simula nang umalis si Gareth para bumalik ng Manila. Sinundo siya ng chopper sa umaga at iyon ang huling pagkikita namin. Ngayon ay wala akong gana sa lahat. “Emotera ang gaga!” Magkasama kaming dalawa ngayon ni Clarity at kanina pa nga ako wala sa sarili. “Dalawang araw na simula nang umalis si Gareth. Ganoon pala iyon, ‘no? Mami-miss mo. Maninibago ka kasi walang nakabuntot sa ‘yo kahit saan ka magpunta. Gusto ko na agad siyang makabalik.” Tumawag naman si Gareth sa akin noong makarating siya sa Maynila. Kaya lang dahil nga abala ata siya at minsan ay wala akong signal, ang hirap para sa amin ang mag-usap. Sa mga araw na wala si Gareth ay nag-focus lang ako sa school ko. Abala rin naman ako dahil sa rami ng mga activities at kapag pum