Matapos ng huling kanta niya ay nagsalita siya. "I know, you all know what I've been through in the past. Marami akong kagaguhan na ginawa noon kaya nasira yung pangalan ko at yung banda namin. Sirang sira ang buhay ko. Maraming tumalikod sa akin. Maraming nagalit. So I want to take this opportunity to say sorry to the people who were hurt by what I did... Lalo na sayo, I'm so sorry! I'll say it again and again. Sorry!" Napalingon ako sa kanya ng sabihin nya yun. Nakatingin siya sakin. Yung mga mata niya kagaya ng dati sa tuwing lumalapit siya sakin at humihingi ng tawad sa ginawa niya. Agad kong iniwas ang paningin sa kanya. Bumaba na sya ng stage. Dumaan siya malapit sa table namin at umupo sa table hindi kalayuan sa pwesto namin. Magkatapat lang pala kami kaya siguro agad niya kong na