(Hana's POV) Birthday ng co-teacher ko at nagyaya siya sa isang bar na malapit sa school. Ililibre daw niya kami kasama ng iba pa naming kasamahan na teacher. Sumama ako dahil bukod sa bihira na lang akong uminom ay gusto kong kahit papano ay mawala sa isip ko si Greyson. Isang linggo na mula ng magkita kami sa ospital at magmula noon ay hindi na din siya nawala sa isip ko. Minsan hindi ako makapag focus sa pagtuturo ko dahil bigla na lang siyang pumapasok sa isip ko. Kahit ang anak naming si Yana ay siya ang bukambibig, parati niyang sinasabi na gusto niyang pumunta sa ospital para makita yung dentist. Tinitiis ko na lang na makita siyang malungkot dahil hindi ko siya pinagbibigyan. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita siyang ganun at nagi-guilty din ako. Mas gusto ko na yung ganito kays