Naririnig ko yung mga sinasabi ni Greyson habang nakayakap siya sakin. Ako lang daw yung mahal niya pero hindi niya maiwasan si Carrie. Ano yun dalawa kami sa buhay niya?! Hindi na siya nagsasalita at gumagalaw. Lasing siya kaya nakatulog na agad siya. Ilang minuto pa kong napaisip hanggang hindi ko na din namalayan ng makatulog ako. Maaga ako nagising kinabukasan. Tulog na tulog si Greyson, lasing siya kagabi kaya baka tanghali na siya gigising. Pumunta ako sa balcony. Ang sarap ng simoy ng hangin sa boracay sa umaga. Lumabas ako para mas makalanghap ng sariwang hangin. Pumunta ako sa malapit sa dagat. Nakita ko dun si Craig. "Craig!" Tinawag ko siya ng makita ko. "Good morning!" Bati nya sakin. "Hindi na kita napansin kagabi akala ko umuwi ka na eh!" "Gusto ko na nga sana umuwi kas