Pagdating namin sa kwarto hindi pa din siya kumakalma, pinagsusuntok niya yung pader at panay pa rin ang mura niya. "Tama na nga!" Asik ko sa kanya. Napaupo ako sa gilid ng kama. Tinignan niya ko ng masama. Lumapit siya sakin. Napatayo ako ng hawakan niya ko sa palapulsuhan ko. "Ano bang meron sa inyo nung Craig na yun ha. Bakit ang lakas ng loob niyang umasta ng ganun. Ginagago nyo ba kong dalawa ha. Bakit pinapakilala ka nyang gf niya?" Pasigaw niyang sabi. Madilim yung mukha niya galit na galit siya. "Ano ba, masakit!" Daing ko ng hawakan niya ko ng mahigpit. "T@ngina naman Hana bakit pumapayag kang ipakilala ka niyang gf niya. Kayo bang dalawa? Bakit parati kang nakatingin sa kanya. May asawa ka na hindi mo ba iniisip yun?" Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi niya. Hinawi ko yung