Nagusap muna kami sa labas bago siya pumasok sa kotse. "Hana wala na sakin si Carrie. Ayokong maghiwalay tayo. Asawa kita. Mahal kita. Hindi kita lolokohin." Nakatitig siya sakin kaya alam kong sincere siya. "Do you believe me?" Tumingin siya sakin. Naghihintay siya ng sagot ko. "Oo naniniwala ako!" Ngumiti siya. "Hindi tayo maghihiwalay. Yun lang ang iisipin mo." "Okay!" Masaya kong sabi. "Baka ikaw ang gustong humiwalay sakin. Diba gusto mo si Craig?" "Ano ka ba. Kaibigan ko lang siya." "Talaga!" Hinawakan niya ang kamay ko. "May asawa na ko kaya hindi na ko magkakagusto sa iba." "Pano kung hindi tayo mag asawa. Ganun pa din ba?" Lumamlam yung mga mata nya. Napasandal siya sa kotse niya. Tumingin ako sa kanya. "Greyson kasal man tayo o hindi mahal kita kaya malabo na kong m