"Nanliligaw ako sayo kaya ako nagsibak ng kahoy." Napatingin ako kay Greyson na nakasunod sakin pagpanhik ko sa kwarto. "Ano?" Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. Pero hindi mawala wala sa sistema ko yung magkasama sila ni Carrie sa kwarto. At ngayon naman sasabihin niyang nanliligaw siya. "Bakit hindi mo kay Carrie ibigay yung mga kahoy na yun." "Bakit ko sa kanya ibibigay. Ikaw nga yung nililigawan ko eh." "Pwede ba.... Ayan ka na naman sa mga ganyang salita mo eh tapos mamaya lang makikita na naman kitang nag eenjoy kasama si Carrie." "Ikaw din naman yung nagtutulak sakin sa kanya eh." "Kasalanan ko pa ngayon?!" Asik ko sa kanya. "Hindi... Kasalanan ko na!" Agad niyang bawi. "Hindi naman ako nageenjoy sa kanya eh grabe ka naman." "Tuwang tuwa ka ngang lumabas sa k