Chapter 7//

2134 Words
Chapter seven LANCE POV’S Sinama ni daddy yung karelasyon niya sa bahay, at naiirita ako sa babaeng yun dahil mukhang pati ako target din niya? Halata naman dahil tuwing magkatabi kami ang clingy niya sa akin. Ang tandan a kadiri ang landi pa rin, hindi ko lang masabi kay daddy dahil ako yung maapasama sigurado naman na magdadahilan yung kabit niya kapag nagsumbong ako sa kanya. Hindi naman na kase masyadong makagalaw si papa kaya hindi niya makita yung pinaggagawa ng karelasyon niya. Hindi ko sila matiis, uuwi ako sa Pinas. Yung mga galawan ng babaeng kagaya niya sigurado akong pera lang ang habol. Or else katawan ko. Hindi ko sinabi kay ate na uuwi ako, alam ko naman na hindi siya papayag, sasabihin lang niya na bantayan ko si papa ganito ganyan, whatever I’m not his nurse anyway. Nandoon yung karelasyon niya at diring diri ako tuwing nilalambing niya ako, ang dinadahilan niya ay gusto daw niya maging nanay ko siya? What the hell? Nanay nanghihimas siya ng legs paakyat sa alaga ko? Gago ba siya? Pasalamat na lang siya at marunong ako rumispeto sa matanda. “ I’m home!” sigaw ko sa bahay, walang tao. Ang galing ng timing ko. “ Sir Lance!” “ Yaya, nasaan si ate?” “ Nasa kompanya niyo, palaging busy ate mo.” “ Ganun po ba, anong oras siya uuwi?” “ Minsan gabi na, pabago bago ang uwi niya.” “ Bumalik pala kayo dito.” “ Nakiusap ang daddy niyo na alagaan ang ate mo habang nagpapagamot siya.” Si Yaya Rosing ang katulong namin simula pagkabata hanggang high school, umalis siya ng nagkaroon ng ibang karelasyon si papa at noong pumunta kami sa ibang bansa. Pero ngayon bumalik ulit siya para sa amin. “ Dito ka na ba for good hijo?” “ I don’t think so?” “ Bakit ka pala umuwi?” “ Namimiss ko si ate.” “ Magkapatid nga kayo, hindi pa rin kayo nagbabago, sana hanggang mag asawa kayong dalawa ganyan pa rin ang turingan niyo.” “ Oo naman po.” Ang ganda na ng buhay ko sa New York dumating pa kase step mother ko, okay lang na si papa ang kasama ko kaso yung step mom kong malandi ay hindi ko kayang makasama sa bahay. Baka gapangin ako bigla. Kinikilabutan ako sa naiisip ko. Ayoko rin naman magtrabaho sa kompanya namin, sasakit lang ulo ko, ayoko ng problema, ayoko ng stress. Chill lang dapat. Kaya ang gawain ko noon sa New York, gising, kain, tulog, lakwatsa, inom. Sige isamana na natin ang babae hahaha. Pero atleast wala pa akong nabubuntis, wala rin naman kase akong nagustuhan sa mga naging girlfriend ko na deserve ang putukan sa loob. Mabuti na lang nandito si yaya Rosing at may makakasama ako dito sa bahay habang wala si ate. “ Nagtatrabaho ka na ba?” “ Hindi pa po.” “ Eh ano lang ginagawa mo ngayon? Ang tanda mo na wala ka pa ring trabaho ha Lance?” “ May allowance naman ako buwan buwan.” “ Kahit na, umaasa ka pa rin sa bigay ng papa mo.” “ Kompanya naman namin yun yaya.” “ Maski na, iba pa rin yung trabaho na ikaw mismo ang kikita ng pera, yung pinagpaguran mob a.” “ Ayoko mapagod.” “ Ikaw bata ka!” hinampas hampas ako ni yaya. “ Hahaha joke lang!” “ Hay nako bata ka, hindi ka pa rin talaga nagbabago, pilyo ka pa rin, tignan mo ate mo, subsob sa trabaho, tulungan mo na lang kaya siya sa kompanya niyo habang nandito ka.” “ Maghahanap na lang ako ng asawa.” “ Nako, ikaw, ikaw!” “ Hahaha joke lang ulit.” Ano nga bang plano ko dito? Wala akong maisip na gawin, ayoko talaga pumasok sa kompanya namin. Baka maging girlfriend ko lahat ng staff doon. At dahil wala pa si ate, gagala muna ako. Napaisip ako kung saan pwede pumunta, naalala ko yung dati kong eskwelahan kaya bumisita ako doon. Kahit matagal na akong graduate doon ay nakikilala pa rin nila ako, malamang naman ako ang nag iisang heartthrob sa school noong nag aaral pa ako. Maniwala kayo sa hindi, honor student din ako. Seryoso ako sap ag aaral ko hanggang college, pero yung mga babae na lumalapit sa akin, sila lang ang hindi ko sineseryoso hahaha. Nakakatuwa bumalik sa dating eskwelahan. Para ko lang kaedad itong mga estudyante. Nakakatuwa dahil ang dami na ring kainan na nakapalibot dito. Pumasok ako sa isnag kainan, hindi naman ako mapili, hindi dahil may kaya kami ay hindi na ako kumakain sa ganitong kainan. Mas gusto ko dito. Umorder ako kaso yung babae sa harapan ko kinakausap yung ulam. Natawa ako ako dahil kanina ko pa siya tinatawag pero hindi siya nagsasalita, para siyang timang ngayon na nakatulala sa mga ulam. Siguro narinig niya ang huli kong tawag sa kanya kaya napatayo siya bigla at binigyan ako ng plato. Mas lalo akong natawa sa kanya. Pero nawala ang ngiti ko ng matitigan ko ang mga mata niya. Ang ganda ng mata niya, parang mata ng mama ko noon. Natulala ako sa kanya dahil sa mga mata niya, pero binaling ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay dahil natataranta siya. Halatang pagod. Ganyan ang mga pagod at maraming iniisip, hindi makaconcentrate sa isang bagay at natataranta, hindi alam ang ginagawa. Nakakatuwa naman siya. Medyo masungit nga lang. Gusto ko pa sana siyang titigan pero marami na siyang ginagawa at may lumapit sa akin na dati kong teacher kaya nakipagkwentuhan ako sa kanya. Hindi ko ramdam yung pagod ko ngayon. Mas napapagod pa ako kapag nakahiga lang, mabuti nga at lumabas ako kahit kakarating ko lang sa byahe. Bago ako umalis ay tumingin akong muli sa babae, ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito, yung tititig ako sa isang tao tapos bigla akong makakaramdam ng goosebumps. Susunduin ko na lang si ate sa trabaho para masurpresa siya. Pagpasok ko sa hotel namin sinalubong agada ko ng mga tauhan namin. Yung iba hindi ako kilala, wala rin naman akong pakealam sa kanila. “ Nasaan si ate?” “ Nasa opisina po niya sir.” “ Saan banda?” “ Sasamahan ko po kayo.” Isang babaeng front desk nanaman ang nagpapaganda sa harapan ko, sanay na ako. Kaso si ate ang gusto kong makita ngayon. Sinamahan ako ng babae sa tapat ng opisina ni ate, sa labas pa lang ng pinto rinig ko na yung sigaw ni ate, halatang may pinapagalitan siya. “ Sir, hanggang dito ko na lang kayo masasamahan.” “ No problem.” Pagpasok ko may naabutan ako na mga staff ng hotel an nasa harapan ni ate at pinapagalitan nga niya, mga lima sila. “ I told you before, your customers are always right! Do not delay what they need!” “ Yes maam.” “ Huwag niyo na uulitin kung ayaw niyong mawalan ng trabaho.” “ Opo maam.” “ Sige na lumabas na kayo.” Banggit ko kaya napalingon silang lahat sa akin. “ Lance?” pagtataka ni ate. “ Wazzup!” I waved at her. Pinalabas na rin niya yung mga staff na pinapagalitan niya kanina, hindi nga niya ako napansin na pumasok sa kakasigaw niya. “ Why are you here?” “ Namiss kita.” “ Huwag mo akong pinagloloko, bakit ka nandito?” “ Did you miss me?” she smiled and hugged me. “ Sobra.” “ Halatang nastress ka, kaya nga ayaw ko magtrabaho dito dahil papangit ako.” “ Ang kapal talaga ng mukha mo noh?” “ Maganda ang mukha ko hindi makapal.” “ Ewan ko sayo, anyway, bakit ka ng aba nandito ha? Imposibleng dahil lang sa namiss mo ko.” Hindi ko naman pwedeng sabihin ang mga nangyayari sa bahay, siguradong susugod siya sa New York at aawayin yung step mom namin. Mag aaway din sila ni papa niyan at yung step mom nanaman namin ang kakampihan niya. “ Nothing, gusto ko lang umuwi.” “ Bumalik ka na, walang mag aalaga kay papa.” “ Nandoon naman yung isa.” “ You mean nandoon yung malanding yon?” “ Yeah, hayaan mo muna ako dito, magbabakasyon lang ako, babalik din naman ako doon.” “ Tsk, naiirita ka noh kaya umuwi ka.” “ Let say yes.” Umupo ako sa sofa, alam naman ni ate na nakakairita yung step mother namin, maski siya hindi niya kasundo yun. “ Ikaw bata ka magtrabaho ka na lang kaya dito.” “ Ayoko nga.” “ Sa ayaw at sa gusto mo dalawa tayong magaasikaso ng mga negosyo natin.” “ Ikaw muna, tsaka na ako, pero syempre may allowance pa rin ako.” “ Nako ikaw!” binato niya ako ng ballpen. “ Hahaha.” Napatigil ako sa pagtawa ng matitigan ko ang suot niya, bakit parang nag iba siya ng taste sa damit? Mas lalo atang umiksi suot niya at masyadong kita dibdib. “ Ate nakulangan ba ng tela yung gumawa ng damit mo?” “ Ha? Bakit?” “ Palagi mong nilalait mga dinidate ko na sobrang iiksi ng damit nila at kita mga dibdib pero ikaw tong nagsusuot ng ganun dito.” Nailing siya ng sitahin ko. “ Mainit kase dito.” “ Talaga lang ah.” “ Totoo naman, mainit dito kaya ganito suot ko.” “ May nililigawan ka siguro.” “ Bakit ako manliligaw? Ako ang babae, ako dapat ang ligawan.” “ Ate magsuot ka ng medyo maayos ayos naman.” “ Ganito naman gusto mong mga damit ng babae diba? Bakit ako ayaw mo kong pagsuotin ng ganito.” “ Kase ayokong mabastos ka.” Nanahimik siya ng sabihin ko yun. “ Okay lang yung mga sinusuot mong fit na damit pero yung ganyan, ayoko.” “ Lance, hindi na ako bata.” “ Lalaki ako ate alam ko ugali ng mga kauri ko, at ayoko na gahasain ka nila sa mga utak nila.” “ Ganyan siguro gawain mo.” “ Malamang naman, aminado naman ako na marami akong ginahasa sa imagination ko hahaha.” Binato niya ulit ako ng ballpen. Nakakailang ballpen ka to. Nakakailang lang, kase naman hindi siya nagsusuot ng ganyan kaiksi, sexy ang ate ko pero hindi siya amsyadong nagpapakita ng dibdib. Ah basta, hindi ganyan ang taste niya sa damit. Matagal ko na yan kilala, kaya malamang may pinapagandahan. “ Alam mo ate kung gusto ka ng lalaki hindi katawan ang titignan niya sayo.” “ Ano naman?” “ Ugali.” “ Kung ano ano sinasabi mo.” “ Maswerte yung lalaki na nagugustuhan mo ngayon, nag eeffort ka magpapansin hahaha.” “ Isa Lance!” “ Hahaha, hindi yun matino kapag pinatulan ka niya dahil diyan sa suot mo.” “ Tumigil ka na nga, wala akong gustong lalaki.” “ Deny mo pa, mga manyak na kagaya ko ang maghahabol sayo kapag nakita ka.” Nakatitig ng masama sa akin si ate. “ Ayaw mo pa rin magpalit?” “ Oo na, ikaw na talaga kuya ko.” “ Sige na bunso sumunod ka na sa akin hahaha.” Ganito kami ni ate, kahit na nag aaway minsan may pake naman kami sa isat isa, hindi namin pinababayaan ang isat isa dahil kami lang ang magkakampi. Si daddy hindi namin maasahan dahil ang kaaway namin palagi ay ang karelasyon niya, ang step mother namin na may pagkamanyak din. Naalala ko nanaman, nakakakilabot talaga. Nagpalit si ate, mabuti na lang dahil halos puro lalaki staff nila dito. “ Sabay na tayo umuwi?” “ Hindi pa ako uuwi.” “ Bakita? Tapos na office hour ah, aya wmo ko makabonding? Ang sakit ate.” “ Tumigil ka nga diyan.” “ Anong problema? May hinihintay ka?” hindi siya nakasagot. “ May hinihintay ka nga? Hahaha tinamaan na talaga ang ate ko, kawawa naman yung lalak.” “ Hays, umuwi ka na nga, magkita na lang tayo sa bahay Lance, uuwi rin naman ako.” “ Okay fine,I’m broken huhu.” “ Tumigil ka nga sa kakaganyan mo. Umuwi ka na agad ah, huwag ka na gumala.” “ Ayoko nga.” “ Sabing umuwi agad eh.” “ Oo na ate.” Pwede naman na siya ngayon bakit ayaw pa niyang umuwi? Gusto ko makita kung sino yung pinapagandahan niya kaya nagtago ako sa isang kwarto ng hotel at sinubaybayan si ate. Loko rin yun binalik niya yung suot niya kanina. Pasaway ka rin, may pinagmanahan talaga ako. Sinundan ko siya kung saan man siya pumunta, dumiretso siya sa staff room, sa locker nila. Bakit doon? Ang iniisip ko ng ana mangyayari ay susunduin siya sa parking lot ng isang mayamang lalaki na nakakotse, bakit doon siya pumunta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD