Chapter 8//

2185 Words
Chapter eight AVIANA’S POV’S Nakaharap ako sa salamin ngayon, ano ba ang ayaw sa akin ni Jake? Sexy naman ako, makinis at maganda. Sobra namang loyal niya sa asawa, ako ang first love niya pero bakit hindi man lang niya ako pansinin, parang pinandidirihan pa nga niya ako dahil iwas na iwas siya sa akin. Naalala ko ang kapatid ko, parati siyang may kasamang babae na halos kit ana ang singit sa sobrang iksi ng damit. At ang dibdib halos n*****s na lang ang nakikita, yun ba ang mga type ng mga lalaki? Siguro mas sexy pa kesa sa akin ang asawa niya. Ayoko magpatalo. Namili ako ng damit na maiksi, pwede naman itong pang opisina ko, wala namang sisita sa akin dahil ako naman ang may ari. Pagdating ko sa hotel lahat ng nasasalubong ko ay nakatingin sa akin, except sa lalaking gusto kong makapansin sa akin. Bakit ang busy niya sa harapan, hindi ba niya ako titignan? Kainis na ah. “ Front desk.” Ako na mismo ang lumapit para mapansin pero nakayuko si Jake. “ Ayusin niyo ang trabaho niyo dito, maliwanag?” “ Opo maam.” Wala pa rin, ayaw niya akong tignan. Ang mga kasama niya sa front desk nakatitig pa talaga sa akin, samantalang si Jake, hindi man lang niya iniaangat ang ulo niya. Ginagalit na niya talaga ako. Sa sobrang inis ko ay napagbuntunan ko ng galit yung ibang staff dito sa hotel, alam kong maliit na bagay lang ang nagawa nila pero hindi ko mapigilan ang sarili ko magalit. Kaso nga lang dumating si Lance, nakakagulat dahil hindi ko inasahan na uuwi siya. Natuwa ako dahil nakita ko ulit ang bunso namin, kaso ang galing pa rin niya mang asar kaya binato ko siya ng ballpen. Alam na alam niya ang ugali ko. Hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganito kaso siya yung basehan ko, malay ko ba kung pareho sila ng taste ni Jake. Pinagpalit niya ako ng damit, palagi akong may extrang damit at alam yun ng kapatid ko. Kaso ng umalis siya pinalitan ko rin lang agad ng sexy dress. Uwian na nila Jake, malamang nasa locker room na siya. Gusto ko lang naman mapansin niya ang suot ko kaya pumunta akong locker room, nasalubong ko ang ibang kasamahan niya na pauwi na. Nasaan kaya si Jake? Napakagat labi ako sa tuwa ng makita kong mag isa lang siya sa locker room. “ Nasaan yung isang kasama mo?” pagkukunwari ko na hinahanap yung isa niyang kasama. “ Kakalabas lang po.” Tumingin siya sa akin pero umiwas din agad. “ Jake?” “ Bakit maam?” “ Bakit hindi ka makatingin sa akin?” “ Ah eh.” “ Please wag mo na akogn tawaging maam, sinabi ko naman sayo yan diba?” tumango lang siya. “ Bakit ayaw mo kong tignan?” “ May kailangan ka ba sa akin?” “ Gusto lang naman kita makausap.” “ Tungkol saan?” “ Sa atin.” “ Ava.” Napatingin na siya sa akin pero parang naiilang ang mga mata niya, lumapit ako sa kanya para marinig ng husto ang sasabihin niya. “ Ma-may asawa ako.” “ Alam ko.” “ Kaya yung tungkol sa atin, hindi na yun pwedeng pag usapan.” “ Bakit naman? Ngayon nan ga lang ulit tayo nagkita pagkatapos ng break up natin.” Nasa dulo siya kaya hindi siya makaalis, nakorner ko kase si Jake. “ Matagal na yun, ilang taon na ang lumipas, kasal na ako ng dalawang taon.” “ Wala ka na talagang nararamdaman sa akin?” hindi siya makasagot, hindi nanaman siya tumitingin sa akin. “ May asawa na ako.” “ Oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko.” “ May asawa na kase ako Ava ano ka ba!” “ Bakit hindi mo masagot?” lumapit ako ng husto sa kanya. “ Gusto ko lang naman malaman kung pareho tayo ng nararamdaman.” Napaatras siya dahil nilapitan ko siya kaya napasandal siya sa pader. “ Ano Jake? Bakit ayaw mo kong sagutin!” “ Ilang taon na kase yun, may asawa na ako.” Gusto ko lang naman na ireject niya ako sa harapan ko para magtigil na ako sa kakaisip na may nararamdaman din siya sa akin. Kaya naman, mas lalo ko siyang idiniin sa pader tsaka ko siya hinalikan sa labi. Noong una ay pumapalag pa ang kamay niya pero ng laruin ko ang kanyang dila ay hindi na siya nakapalag pa. Humawak siya sa may pwetan ko habang idinidiin niya ako palapit sa kanya. Namiss ko siya sobra, itong labi niya, itong hawak niya. Lahat lahat sa kanya, gusto kong dumikit lang sa kanya kaso bigla siyang kumalas sa pagkakahalik. “ Mali to.” “ Ha?” “ Sorry, aalis na ako.” “ Jake sandali!” sigaw ko. Iniwan niya ako dito sa locker, hinalikan niya ako malamang naman may nararamdaman pa rin siya sa akin. Hindi ako nagkamali sa hula ko, may gusto pa rin sa akin si Jake. Hindi niya ako masagot kanina kaya naman hinalikan ko siya, ginusto niya rin yun. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng locker, masaya na ako dahil sa nalaman ko, hindi ako gigive up sayo Jake. Mahal kita noon pa. Ang saya ko pagdating ko sa bahay kaso nga lang itong kapatid ko. “ Kamusta date sa locker?” Nawala ang ngiti sa mukha ko ng sabihin yun ni Lance. “ Lance!” sigaw ko sabay haggis sa kanya ng bag ko. “ Anong nakita mo ha?” “ Aba, nanghula lang ako, ibig sabihin may dapat pala akong makita? Sayang.” “ Lance manahimik ka diyan.” “ Oo na ate, ngayon nga lang kita nakitang nagkaganyan, gawain ko rin yan kaso mas malupit pa yung sa akin.” “ Ewan ko sayo.” “ Hahaha.” Tawa siya ng tawa habang naglalakad ako papasok sa kwarto, wala kaya siyang nakita? Hindi pa pala siya umuwi kanina? Ang gago talaga ng kapatid ko. Wala sana siyang nakita. Hays. Kainis! Pagbalik ko sa sala nandoon pa rin si Lance. “ Kelan ka babalik?” “ Sinabi ko naman sayo na wala pa akong balak umuwi.” “ Bumalik ka na next day, ipapabook kita ng flight.” “ Ayaw.” “ Isa Lance.” “ Bakit ba? Hindi naman kita pinapakealaman ah.” Nahiya ako bigla, ang gago ng kapatid ko talaga, siguro naman wala talaga siayng nakita, siguro naman nagsasabi siya ng totoo. “ Wala akong nakita ate, pero may mata ako.” “ Tumigil ka na.” “ Hahaha.” “ Kainis ka ah, huwag ka ng pupunta sa hotel.” “ Magtrabaho na kaya ako doon, diba gusto mo ko magtrabaho?” “ Uuwi ka kay daddy, kailangan mo siyang bantayan.” “ Uuwi ako para kunin mga gamit ko na naiwan, sayang mga damit ko baka ibenta nung babae.” “ Lance, umuwi ka doon at alagaan mo si daddy.” Kainis ah, curious siya sa lovelife ko kaya siya nagkakaganyan ngayon. “ Ayoko.” Hindi na ako nagsalita pa, aasarin lang niya ako at ayoko ng ganun nahihiya ako lalo pa at may asawa na yung lalaking mahal ko. Alam kong mag iiba ang tingin sa akin ng kapatid ko kapag nalaman niya yun, pero hindi ko naman kase mapigilan ang sarili dahil mahal na mahal ko talaga si Jake. Lalo at naghalikan kami kanina, pakiramdam ko talaga mahal rin niya ako. Gusto ko lang naman sumaya dahil nakakastress na itong buhay ko, oo matanda na ako sa paningin ng iba at dapat na daw mag asawa nakakapressure man isipin pero mas gusto ko talagang makasama si Jake, siya ang gusto kong mapangasawa. Hindi na ako nagkwento kay Lance, baka kung ano pa ang isipin niya, isumbong pa niya ako kay papa. Ang kailangan ko lang gawin ay mapunta sa akin si Jake, hindi niya talaga mahal ang babaeng pinakasalan niya, hahalikan ba niya ako ng ganun kung mahal niya ang asawa niya, sigurado na talaga ako na pareho kami ng nararamdaman para sa isat isa. ****** LANCE POV’S Sa totoo lang wala talaga akong nakita sa ginawa ng ate ko sa locker. Naisip ko ng ana baka may sinabi lang siya sa mga staff na nandoon kaya umuwi na lang ako, kaso itong pagbibiro ko sa kanya may nagagawa rin palang tama hahaha. Napaamin tuloy, ibig sabihin lang ng sinabi niya kanina ay may nangyaring kababalaghan sa loob ng locker. Sino kaya yung misteryosong tao na kasama niya sa locker room, hotel na nga yung pinagtatrabahuan nilang pareho hindi pa sila kumuha ng kwarto. Mahina ka ate Ava. Anyway. At dahil mabait ang ate ko at takot atang sita sitahin ko siya ay ililibre daw niya ako ngayon, hindi ako tatanggi dahil nakapagpabook na ako ng flight para bumalik sa New York. Mamimiss ko nanaman na may inaasar sa bahay. Hindi ko naman magawa yun kay daddy at sa step mom ko. Namimili kami ng damit ngayon, pati si ate namimili rin, siya daw magbabayad kaya marami akong kinuha, kailangan kong samantalahin ang kabutihan niya ngayon sa akin. “ Hey, ako nauna.” “ Kami nauna dito.” “ Ako kaya unang humawak.” “ Kami naman talaga ang nauna dito sa damit.” Naririnig ko yung boses ni ate na may kaaway, hays! Heto nanaman tayo mukhang may inaaway nanamang staff ata. Lumapit ako sa kanya pero iba ang nakita kong kasagutan niya, pamilyar itong dalawang babae na nasa harapan ni ate. Ah oo! Naalala ko na, sila yung may ari ng kainan sa tapat ng dati kong eskwelahan. Yung babaeng maganda ang mata, hawig na hawig kay mama ang mga mata niya, napatitig nanaman ako sa kanya. “ Humanap na lang kayo ng iba, ako nauna dito.” Sabi ni ate sa kanila. “ Hindi naman pwede yun, isusukat na nga niya yan pero kinuha mo lang.” sabat nitong babae na kasama nung isa pang babae na maganda yung mata. “ Bitiwan mo na ano ba!” Sa iisang damit nag aagawan sila? Wala na kaseng stock ang mga damit dito, very rare ang mga design sa shop na ito kaya wala kang makikitang kapareho ng damit na nandito. “ Sa amin ito!” “ Ako nauna.” Isa pa itong si ate, ayaw niya magpatalo, ganyan ugali niyan. Marami namang ibang damit na narito bakit iisang damit ang pinag aagawan nila, si ate talaga hindi marunong magbigay. “ Ibigay mo na lang sa kanya.” sabi nung babae na maganda ang mata. “ Ayoko ate, ako nauna kumuha nito para sayo tapos aagawin niya, no way! Mas bagay naman ito sayo.” Sabi naman ng kasama niya, natawa ako dahil sinabi niya yun sa harapan pa ni ate. “ Ibigay mo na nga daw sa akin ito!” “ Ayoko nga!” Lumapit ako sa gitna at kinuha yung damit, ibinigay ko ito sa babaeng maganda ang mata. “ For you.” Abot ko sa kanya. “ Pero kase—” “ Lance!” sigaw ni ate sa akin. “ Sigurado akong mas bagay sayo ito.” kinurot ako ni ate sa tagiliran ng sabihin ko yun sa babae, halatang naiinis siya hahaha, marami ng damit si ate kaya wala lang ito sa kanya. “ Salamat.” “ Tara na ate isukat mo na.” sabi ng kasama niya at sabay silang pumunta sa fitting room. “ What did you do!” sigaw ni ate sa akin. “ Ang ingay mo, nasal abas tayo ano ka ba?” “ Gusto ko yun bakit mo binigay sa iba!” “ Nauna sila, alam kong nauna sila, ayaw mo lang tinatapakan pride mo kaya nakikiagaw ka, nakatingin ka kase sa phone kaya hindi mo nakita na hawak na ng iba yung gusto mo.” Hindi siya nakaimik, sa totoo lang hula ko lang yun para magtigil siya hahaha, ayaw lang talaga magpatalo ni ate kaya siya nagkakaganyan kahit na alam niyang mali siya. “ Maski na, kapag gusto ko nakukuha ko.” “ Nope, bawal yun ate.” “ Lance kaasar ka talaga.” “ Marami ka ng damit ah, ito oh bagay sayo.” Winawala ko yung pagkainis niya kaya inaasar asar ko na lang siya, ako na namili ng damit na bibilhin niya para hindi na siya mangagaw pa. Natutuwa ako sa babaeng pinagbigyan ko ng damit, ewan ko ba lakas ng dating sa akin ng mata niya. “ Ikaw magbayad ng sayo ah.” “ I will say the password.” “ Anong password?” “ Locker.” “ Lance!” “ Hahaha.” “ Papaliparin na kita.” “ Hahaha namumula ka basta marinig mo lang yung salitang locker.” “ Isa, tumigil ka diyan.” Nasa harap na kami ng cashier pero nag aasaran pa rin kami, natutuwa kase ako kay ate tuwing naaasar siya. Effective naman yung ginawa ko dahil nakalimutan na niya yung damit na pinag aagawan nila kanina. Nilingon ko yung dalawnag babae na kaaaway kanina ni ate pero wala na sila dito. She deserve the dress.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD