Kaya naman ng mga sumunod na araw ay grounded si Olivia. School at bahay lang ang puwede niyang puntahan.
Nagbihis lang si Olivia ng simple. T-shirt, pants at isang black na rubber shoes lang at umalis na siya. Pagkababa niya ay tumungo siya sa kusina para kumuha ng isang slice ng loaf bread at isang yogurt. Sa sobrang late niya nagising 'di na siya nakakain ng breakfast niya.
Nadatnan na niyang nakatayo sina Kristoff at Paris na nag-uusap. Sabay silang napatingin kay Olivia.
"Let's go. I'm late." seryosong sabi niya at sumakay na agad sa sasakyan.
Kagaya ng sinabi ni Kristoff, umarteng walang nangyari si Olivia. It was easy, gusto niya din kasi ang ideyang iyon. She's rejected so many times at tingin niya ay tama na iyon.
Binuksan ni Olivia ang laptop niya habang nasa daan. Hindi pa niya natatapos ang isang report na ipapasa sa klase niya.
Balak niya sanang gawin ito sa condo ni Dani para makapagpatulong pero nangyari ang mga nangyari at hindi na iyon natuloy.
Nagtipa-tipa siya sa laptop. Hindi niya maintindihan pero naglagay siya ng kahit na anong magpapadami noon for the sake na may maipasa lang siya.
She needs to pass her subject para sa susunod na sem, ay last sem na na niya. Napansin siguro ni Kristoff ang hirap na hirap niyang mukha ng tumingin ito sa kaniya.
"Need help?" tanong nito.
Umiling si Olivia.
Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Nakakapanibago ang pakikitungo sa kaniya nito pero naisip din niyang tama lang iyon. Ayaw niyang umaasa si Olivia sa kaniya.
"Kaya ko na..." sagot ng dalaga sa kaniya at nagtipa-tipa pa rin doon.
Tumunog ang cellphone ni Olivia sa tawag ni Clarence. Sinagot niya iyon at nilagay sa speaker mode dahil sa ginagawa.
"Yes?" tanong niya at nagpatuloy pag-ta-type.
"Good morning, too. Where are you? Napadaan ako sa class mo and your seat's vacant. Nag-di-discuss na si Prof. Genato." bungad ni Clarence.
Sinulyapan niya ang relo at napamura. Mas lalo siyang na-pressure roon.
"Oh! Late na ako nagising. I had difficulties in my report. 'Di ba you took this class last sem?" tanong ni Olivia.
Rinig niya ang pagtikhim ni Kristoff sa tabihan niya.
"Uh... Yes. Ano ba yan? Econ?" tanong ni Clarence.
"Yup. Yup. Balita ko pareho lang ang syllabus ni Prof. Genato sa subject na 'to so, I'm thinking that maybe you know this?" tanong niya.
Kinagat ni Olivia ang labi niya at naghintay ng sagot ni Clarence.
Alam niyang medyo nagalit siya sa binata pero kakapalan na niya ang mukhang humingi ng tulong. She's failing this subject and she needs help.
"Sure. I'll help you. Pambawi ko na din sa paghalik sa'yo ng wala mong permiso... So, let's meet." sabi ni Clarence.
Natigilan sa pag-ta-type si Olivia at dali-daling tinagtag sa speaker mode ang tawag. Tumikhim siya at tinapat iyon sa tainga niya.
"Uh, sure. Thank you, Clarence." She ended the call.
Tiningnan niya ang rear view mirror at kita niya ang sulyap ni Paris na nag-da-drive.
Nag-type na ulit siya para maalis ang habang naramdaman niya.
'Nakakahiya! Nadinig nila iyon panigurado' aniya sa kaniyang isip.
"He kissed you? Kailan?" tanong ni Kristoff sa malamig na tono.
Kinabahan siya doon pero hindi siya lumingon. Umarte pa siya na wala lang sa kaniya iyon at nagkibit-balikat.
"The night I got lost, I think? Sa bar?" sagot niya.
Kumunot ang noo ni Kristoff.
"Sa kaniya ka natulog?" tanong pa nito.
Umiling si Olivia.
"Nope. Sa ibang kaibigan, Captain." sagot niya at nag-type na ulit.
'Akala ko ba wala 'tong interest sa akin? Bakit tanong siya ng tanong ngayon?' aniya sa sarili.
"Babae ba o lalaki?" tanong ulit nito na halatang na ang tensyon.
Doon ay napatingin na si Olivia. Ngumuso siya at tinuon ang buong atensyon kay Kristoff.
"Lalaki." sagot niya.
"What?" Ramdam niya ang iritasyon ni Kristoff para sa kaniya.
"Olivia, what the hell are you thinking? If your Dad and uncle knew about this, he's a dead meat." sabi ni Kristoff.
'Then, your brother's a dead meat.' Gustong gusto niya iyong isagot pero nanahimik na lang siya.
Binalik niya ang tingin sa ginagawa dahil nakarating na siya sa school. Niligpit niya ang laptop at nilagay iyon sa kaniyang bag. Pero nang papalabas na ay nagtanong ito.
"Sino ang kasama mo?" tanong pa nito ulit.
Hindi niya iyon pinansin at tumungo na sa pagkikitaan nila ni Clarence. Pero bago pa siya makalayo ay hinila siya nito.
"Ano ba, Kristoff? Can't you just shut this conversation off?" naiirita niyang tanong.
"No. This is my job, Olivia. I can't stay silent about this." sagot nito.
"Basically, not. Day-off mo iyon. And 'di ba sabi ko, ibalik mo ang mga inalis mo?" pag-irap niya.
He wants her to grow up. At iyon ang ginagawa ni Olivia. If Kristoff doesn't feel the same with her, ay ititigil na niya ito.
Kaso hindi niya nakuha ang pangingialam niya sa dalaga. Paano niya magagawa ng maayos ang paglayo kung ganito palagi si Kristoff.
"Just tell me, Olivia." May din na sabi niya.
Tumigil si Olivia para harapin si Kristoff.
"Kristoff, kahit na parte man ito o hindi ng trabaho mo... Wala kang karapatan na pilitin akong sabihin ang tungkol sa anumang aspeto ng pribadong buhay ko."
Huminga siya ng malalim.
Nakatitig lang ng seryoso rin sa kaniya si Kristoff. Nakapamulsa ito at maigting ang panga.
"Come on, Kristoff. Stop being so nosy about my life. Kung ayaw mong makialam ako sa buhay mo... Then, tigilan mo din ang makialam sa buhay ko." sabi niya ng buong tapang.
Tinalikuran niya ito at hinarap ang napatingin na si Clarence na sa 'di kalayuang table.
Umupo siya sa harap nito at tipid na ngumiti. Ngumiti din si Clarence pabalik.
"Uh, hi... I'm sorry sa pagiging istorbo ko. Nahihirapan kasi ako sa Econ, eh."
Binuksan niya ang laptop at pinabasa iyon kay Clarence.
"Sure, no problem." sabi naman ni Clarence.
Binasa niya ang nasa laptop ni Olivia. Nahihirapan siya kaya naman lumipat si Olivia sa kaniyang tabi para hindi na ito mahirapan.
Nagkangitian sila. Totoong tinulungan ni Clarence si Olivia. Nagulat si Olivia sa dami ng alam ni Clarence sa subject na ito. May mga binigay pa iyong title ng libro na puwede ng maging references niya.
Sumandal naman sa puno si Kristoff at pinanood na parang lawin si Olivia at Clarence. Sa tabi niya ay si Paris na nakangiti at panay ang pa-cute sa mga kolehiyala na dumadaan.
Napamura si Paris ng makita ang paglapit ng pamilyar na bulto sa kinauupuan nina Olivia.
"s**t!" bulong nito at titig na titig doon.
"You know her?" tanong ni Kristoff.
Ngumisi si Paris at namulsa na din. He knew her of course. That robot girl.
"Of course. Who wouldn't know Bernice Luna?" tanong ni Paris at pinagmasdan ang pag-upo nito sa table ng dalawa.
"She's a distant cousin of mine, Paris. And she seems too young for you."giit ni Kristoff.
"At si Olivia, hindi?" nanghahamak na sabi nito kay Kristoff.
Natigilan si Kristoff doon. Nahalata ni Paris ang iritasyon sa mukha ni Kristoff.
"Joke lang, pre." ani Paris.
Nagtaas agad ng kamay si Paris at dumistansya sa kaibigan.
Mabilis na natapos ni Olivia ang ginagawa dahil sa pagdating ni Bernice Luna. Tumulong din kasi ito sa kaniya. Naging kaklase pala ito ni Clarence sa Econ kaya nagkakilala sila.
Naging magaan ang loob niya kay Bernice. Nagkasundo sundo silang tatlo na magsabay-sabay na sa pag-la-lunch. Pumili sila ng table na malapit sa counter na nagkataon din na table ng mga ka-team ni Clarence.
Panay ang kantyaw nila rito. Napangising aso na lang si Olivia. Boys and their egos. Tingin palagi sa sarili, ay mga bayaning nakapagligtas ng sanlibutan lalo na kapag naging girlfriend ang isa sa magaganda at sikat sa campus.
Tumayo si Clarence para saglit na makipagbiruan sa mga kaibigan. Maingay man ang tawanan ay rinig niya ang pag tawag ni Bernice.
"I heard the rumors," ani Bernice at pinaglaruan ang shake niya.
Nilingon siya ni Olivia.
"Hmm?" tanong niya.
"You two kissed sa isang kilalang bar. There are rumors, too. Na girlfriend-boyfriend na kayo." sabi ni Bernice.
"Yep. We kissed but we're both drunk. We're not in a relationship." sagot ni Olivia.
The news circulated fast, lalo na noong makita na naman silang nag-aaral sa study area at nag-lunch. Kaniya-kaniyang chismis ang mga ito tungkol sa estado ng dalawa sa mga sikat na estudyante. Olivia's silent about it samantalang panay ang tawa at ngiti ni Clarence sa tuwing may magtatanong kaya mas lumalakas ang paniniwala ng mga tao tungkol rito.
Pumasok si Olivia sa sunod na klase. Nakasunod pa rin sa kaniya ang mga bodyguards niya.
Hinihintay niyang umupo sa tabi o sa likod niya si Kristoff ka gaya ng dati pero nagulat na lang siya nang umupo ito, apat na upuan mula sa kaniya.
Bumuntong hininga siya sa distansya nila. Dumating ang isang professor nila. Natapos ang discussion ay hindi sila agad dinismiss nito.
"As you know. We will have our annual field trip. Pupunta tayo sa ilang sikat na company and industries para sa subject ko. I-di-distribute itong waiver at ipakita sa magulang. Pakibalik sa akin with sign nila." utos nito at iniabot sa nasa una para ipasa.
Binasa iyon ni Olivia.
"Sa isang hotel and resort tayo manananatili. By friday, I need that waiver. This field trip will cover your semi-finals and finals. And it will take place next week. Class adjourned." sabi ng professor at umalis na.
Kaniya-kaniya namang plano ang mga kaklase. Nilagay lang ni Olivia ang waiver sa bag. Hindi siya excited. Bukod sa wala siyang kilala, ay sawa na siya sa hotel and resorts. But she need to pass so, she'll go.
Pinayagan siya ni Senator ng makitang para sa subject iyon. Mas mahigpit lang this time ang instructions niya kina Kristoff dahil next week ay filing na ng candidacy para sa pagka-Presidente.
Nang linggo ng gabi, nagliligpit si Olivia ng mga gamit na dadalahin niya sa tatlong araw. Ni-lock niya ang isang summer bag kung nasaan ang sa tingin niya'y kailangan bago natulog.
Three in the morning, handa na siyang umalis. Naabutan niyang naninigarilyo sina Jack at Lui pero agad ding tinapon ng makita siya.
"Okay na tayo... Ma'am?" tanong ni Lui na may ngiti.
Tumango siya at ngumiti. Kinarga nila ang mga gamit sa likuran.
"Okay na po. Hintayin niyo na lang po si Sir Kristoff. Nahuli po kasi ng gising at nag-aayos pa lang." sabi ni Jack.
Nahuli ng gising? Seryoso? Pasalamat talaga at hindi siya kasabay sa bus. Kung ganoon ay paniguradong maiiwan sila. Magdadala sila ng sariling sasakyan para sa kaligtasan niya.
"Bakit nalate ng gising? May pinuntahan ba?" tanong niya.
Curious siya kung o ba ang inatupag ng isang iyon.
"Hindi po namin alam eh. Mainit po ang ulo buong magdamag. Natakot na po kaming tumingin dahil baka sa amin na naman ang buntong sa huli." paliwanag ni Lui.
Tumango siya at tumahimik. Namataan naman niya sa 'di kalayuan ang paparating na si Paris at Kristoff. Sakbat nila ang mga bag na dadalahin nila.
Mabibigat ang tingin ni Kristoff sa kanilang tatlo na nag-uusap. Binalingan nito si Paris.
"You'll drive, as usual. Kayong dalawa... bumalik na kayo sa sasakyan niyo and do your job." utos ni Kristoff.
"Yes, Sir."
Parang mga batang nag-uunahang bumalik sa kabilang sasakyan ang dalawa.
Pinagbuksan ni Kristoff ng pintuan ang dalaga at marahang tumikhim.
"Pasok..." utos niya.
Nakatitig lang si Olivia sa mga mata ni Kristoff. Halatang hindi nakatulog.
"Olivia... Sakay na at mahuhuli tayo." iritableng sabi nito.
Pumasok siya sa kotse at nagmura sa isipan niya dahil sa pagtitig na ginawa niya kay Kristoff. Sumunod si Kristoff at sinara ang pintuan.
"Let's go." aniya.
Umalis sila at tumungo sa direksyon ng unang kompanyang pupuntahan nila. Napansin ni Olivia ang mapupungay na mata ni Kristoff.
"You can sleep. You look sleepy." aniya at nag-iwas agad ng tingin.
"No, thanks. I won't sleep. I'm at work." matigas na sabi nito.
"Wala naman sigurong magtatangka sa buhay ko... Get some sleep at mahaba ang araw na ito." She insisted at nagsuot na ng headset.
Hindi niya napigilang sabihin iyon dahil halatang antok siya at nahihirapang imulat ang mga mata.
His expression's kind of disturbing. Tumingin sa labas ng bintana si Olivia para hindi na makita pa ang guwapong mukha ni Kristoff.
Ilang minuto pa'y napatingin si Olivia ng may kung anong mabigat na bahay sa kaniyang balikat.
Nabato siya sa pwesto ng makita ang gintong buhok ni Kristoff na nakahilig sa kaniya. Tulog na tulog ito at prenteng nakasandal sa kaniya. Siguro sa sobrang antok ay hindi na namalayan na pumatak na ang ulo niya sa katabi.
Napatingin siya kay Paris na sumulyap din sa kaniya sa rear view mirror. Nagkibit balikat ito sa kaniya.
"Hayaan mo na muna, Ma'am. Walang matinong tulog 'yan ng ilang araw." sabi nito.
Hindi nag-react si Olivia. Damang dama niya ang pagod ni Kristoff dahil sa munting hilik nito. Pero takot na takot din siyang madinig nito ang malakas na kabog ng dibdib niya.
Malapit na sila sa unang destinasyon ng nagising si Kristoff. Halatang ang gulat sa binata ng nagising siya sa balikat ni Olivia.
"I'm sorry. You should've woke me up." sabi ni Kristoff at inayos ang buhok niya.
Hindi nagsalita si Olivia. Kabado siya sa nangyari. Iyong ilang oras na ginugol sa biyahe... Halos hindi na siya makahinga para mapigilan ang paggalaw niya at ng hindi nagising ang natutulog na binata sa kaniyang balikat.
Bumaba na lang siya at sinundan ang mga kaklase na ngayon ay i-tour sa loob. Naging mahaba ang araw hanggang sa dinala na sila sa hotel and resort kung saan sila mananatili.
Lumapit si Paris na may dalang mga susi.
"Three rooms ang meron tayo. Sa gitna ang kay Olivia para maprotektahan siya." ani Kristoff at pinakita ang mga susi.
"Kami ni Paris sa isa tapos kayong tatlo sa isa." sabi ni Kristoff.
Nagsitanguan naman ang mga ito at dinala ang kani-kanilang gamit.
Pagkapasok ni Olivia ay nakita ang isa pang kama. Two beds iyon at nang makita niya ang sukat ng kama na tama lang sa isa.
Paano magkakasiya sina Jack, Lui at Dylan doon sa isang kuwarto? Tatlong sundalo na pawang malalaki ang katawan, patutulugin sa dalawahang kama?
Natapos niyang ayusin ang gamit ay tumungo siya sa mga sundalong nag-uusap.
"Jack, Lui, Dylan..." pagtawag niya sa tatlo.
"Kaya ba kayo sa kama niyo? I saw the bed. It's enough for one. " concern na sabi niya.
Tumango naman ng marahan si Dylan na tila nakikiramdam sa sasabihin lalo na't naroon si Kristoff.
"O-Opo, Ma'am? Gagawan na lang po namin iyon ng paraaan mamaya." sagot ni Dylan.
Kumunot ang noo ni Olivia.
"Then, I am thinking na may isa pa namang kama sa kuwarto ko? Maybe, one of you can sleep there?" aniya.
Sabay sabay na naglakihan ang mga mata ng mga ito sa suggestion niya.
"No. I'm sure they can find a way to sleep." sabi ni Kristoff.
"Captain, maliit ang kama para sa kanila. And it happens na may isa pang kama sa kuwarto ko. So, why don't I just share the room para hindi sila magtiis ng tatlong araw." giit ni Olivia.
Totoong nag-aalala siya sa mga sundalo. Palagi siyang binabantayan ng mga ito kaya ngayon ay gusto niyang maayos ang kapakanan nila dahil ni minsan ay 'di sila pumalpak sa trabaho nila.
"Still, no. Mga lalaki sila, Olivia. They can't share a room with you." matigas na desisyon ni Kristoff.
"So, what kung lalaki sila? Come on, Kristoff be reasonable. Have a heart please! Nagiging mabait lang ako rito kagaya ng hinayaan kita na matulog sa balikat ko." sabi niya.
Mas lalong namilog ang mga mata nila sa narinig. Umigting ang panga ni Kristoff sa sinabi ni Olivia.
"Fine." matigas na tanong nito at bumuntong hininga na para bang sumusuko na ito.
Ngumiti si Olivia sa desisyon nito.
"Pumapayag ako sa isang kondisyon, ako ang matutulog sa kuwarto mo. One of them can take my bed." pinal na sabi ni Kristoff.
Nahulog ang panga ni Olivia. Natahimik ang lahat sa sinabi ni Kristoff. Ngumisi si Paris at nagpakawala ng sipol.
Tumikhim si Kristoff at agad pumasok sa kuwarto dapat nila ni Paris at sinarado ang pintuan.
"Oops." nang-aasar na sabi ni Paris na akala mo'y may pinahihiwatig at sumunod na kay Kristoff.
Sa sobrang shock ni Olivia, tumakbo siya papasok sa kuwarto niya at sumandal sa pintuan.
What? They'll share the room?