Kabanata 1

2424 Words
Nilibot niya ang mga mata sa loob ng silid na magsisilbing kuwarto niya sa loob ng ilang buwan hanggang hindi pa natatapos ang eleksyon. "Captain!" bati nang mga lalaking sundalo na nakasama niya sa Military Academy. "Ilan tayo sa barracks na 'to?" tanong niya matapos ibalik ang saludo sa mga ito. "Dalawang team po. Sa kabila pong team ay si Sir Borris ang namamahala. Protection squad po tayo ni Miss Olivia at sila Sir Borris kay Miss Diana." paliwanag ni Lui. Olivia. Hindi niya ito kilala pero sigurado siya na isa iyon sa mga babaeng nasa litratong binigay sa kaniya. "Olivia?" tanong niya sa kasamahan. Hinagilap niya ang bag na dala at nilagay ang mga damit sa loob ng locker na nasa tabi ng kaniyang kama. "Iyong pamangkin ni Senator. Iyong may kulay ang buhok. Iyon po ang pinakapasaway, Sir. Paniguradong sasakit ang inyong ulo." dagdag naman ni Paris na nagpupunas ng kaniyang boots. Tumaas ang sulok ng labi niya habang iniisip ang payo ng kasamahan. Hindi na siya magtataka sa sinabi nito dahil unang oras pa lang niya, nakaengkwentro na niya ang babaeng iyon. Ni hindi pa nga niya nakikita ang barracks, ay binigyan na agad siya ng sakit ng ulo. "Thank you for the report, Second Lieutenant Gerardo. You may go back to your post." utos niya kay Dylan. "Sir. Yes, sir." anito at umalis sa kaniyang tabi para sundin ang kaniyang superior. Umupo ang sundalo sa kama niyang kapag humiga ay halos kayang sakupin ng buong katawan niya dahil sa kitid noon. Pero sanay siya sa ganoon kaya walang reklamo. Mas mabuti pa iyon kaysa sa naranasan niyang paghiga sa damuhan tuwing may pagsabak sa giyera. Napadaing siya ng mapansing dumudugo ang hita niyang sinipa ni Olivia. That, damn brat. Tinanggal niya ang telang binalot niya rito at pinakatitigan iyon. May kalaliman ang sugat kaya naman siguradong matagal na tagal ang paghilom noon. Bumukas ang pintuan ng barracks at pumasok ang sumisipol na si Paris. Lumapit siya sa kaibigan at halos manglaki ang mga mata ng makita ang tumatakas na dugo rito. "Napaano iyan? Sinong bumaril sa'yo?" tanong nitk at agad na iniabot ang isang alcohol na mula sa drawer niya. Sinalo ito ni Kristoff at agad na binuhusan ang sugat. "Nadaplisan lang. Gagaling din naman. Nasipa lang kaya dumugo." "Sinipa? Sinong naglakas loob na sumipa sa isang kagalang galang na Captain ng Academy? Babae ba iyan?" may patuya niyang sabi. Marahas ang titig na binigay ni Kristoff rito kaya naman umakto itong sinasara ang bibig niya. Nagpatuloy ang binata sa paglinis ng kaniyang sugat. Muli ay binalutan niya ito ng benda. Tumayo na muli siya na parang walang nangyari. Tila namanhid na nga ata siya sa dami ng sugat na natamo niya sa ilang taong pagiging sundalo. Saksak, tama ng baril, pasa, gasgas at kung ano pa man ay naranasan na niya. Marahas na bumukas muli ang pintuan na akala mo ay may bagyong papasok. Nagkatinginan ang dalawa dahil sa pagpasok ni Borris na nakadamit sibilyan at nakapamulsa. "Sir," bati ni Paris rito. Tumango lamang ito at binalingan si Kristoff na nakatayo sa harap niya. Isang taon siyang nauna sa serbisyo kaysa kay Kristoff. "Captain Borris Hernandez. " pagbati ni Kristoff at iniabot ang kamay niya rito. Tumango ito at tinanggap ang kamay nito. "Captain Kristoff Querio." bati din nito pabalik. "Pinapapunta tayong lahat sa bahay ng mga Villafuerte para sa anunsyo ni Senator." dagdag pa ni Borris. Sumunod naman ang dalawa kay Borris. Parang saulado na nito ang bahay at binuksan ang pintuan. Bumungad ang ilang sundalong naroon at nang makita siya ay agad na sumaludo. "Sir," sabay sabay na sabi nila. "As you were." sabi niya sa mga ito. Nagsibalikan ang mga ito sa ginagawa. Napuno nang nakakabinging katahimikan ng pumasok si Senator. "Magandang gabi, gentlemen." bati ng Senador. Kasunod nito ay ang mga anak na babae na nasa likuran niya at umaalalay sa kaniya. "Captain Querio!" bati ng senador nang makita si Kristoff na nakatayo at nakatingin sa kanilang pagdating. Tinapik nito ang balikat ni Senador Eduardo Villafuerte sa kaniya. "You've grown into a wonderful soldier. Last time I saw you, papasok ka pa lang sa PMA." nakangising sabi nito. "Yes, Senator. And later on, I'm sure that you'll be our Commander-in-chief." Sagot niya at ngumisi siya pabalik sa senador. "Oh, I hope so, too." sabi ni Senator Villafuerte at nilahad ang mga anak niya. Nasa pinakaliluran ang sinasbing pamangkin ni Senator, si Olivia na halatang gulat sa pagkakakita sa kaniya. He always get this reaction from girls kapag nalaman na sundalo siya na may kataasang rango. Sandali niyang tiningnan ang babae bago naglahad ng kamay sa mga anak ng senador. "This is Diana, my first born then this is Stefania my youngest. This is Olivia, my niece." pagpapakilala nito. Nagkatinginan naman silang dalawa. Naglahad ng kamay ang Captain pero hindi ito pinansin nang dalaga bagkus ay nag-pretend ito na wala siyang nakikita. Dumaloy ang iritasyon ni Kristoff para sa dalaga. Hindi pa siya kailanman naitrato ng kahit na sino ng ganoon. Maging babae o kapwa sundalo ay sikat siya. Mariin ang panga niyang nilagay sa bulsa ang kamay. "Olivia!" saway ng senador sa pamangkin pero hindi niya pinansin maging iyon. Natural ang sungay ng babaeng ito. Sabi niya sa sarili niyang isip. At kung totoo man na siya ang magbabantay rito ay sisiguraduhin niyang puputulin niya ito. "Ayos lamang iyon, Senator." sagot niya sa matanda at binalingan muli si Olivia bago bunalik sa kinatatayuan nina Paris at Borris. Humalakhak naman si Paris sa kaniya. "First time?" tanong niya. Alam na alam kasi nito na noong nasa academy sila, kahit mga babeng nagsusundalo ay aminadong tagahanga niya. Hindi niya nga mabilang ang nag-offer sa kaniya ng engagement ring noon sa kanilang ball. "Shut up kung ayaw mong mag push-up ng marami." galit na sabi niya sa kaibigan. Tumahimik naman ito. "Captain Querio, I want you and your team to be in Olivia's protection squad." sabi niya. "What? Tito!" sigaw niya bilang protesta. Napataas ang kilay niya. Everyone wants to be with him. Tapos ang babaeng ito, ayaw pa? Gusto man niya na magprotesta rin ay hindi niya ginawa. Mas mabuti pa kung si Diana o si Stefania ang babantayan niya. He would be very willing to do his job. "Enough, Olivia. We all know how much trouble you make. We can't afford another issue before the election." sabi ni Diana sa mababang boses. Napairap na lamang si Olivia at umalis doon para umakyat sa hagdanan ng bahay. Napailing siya sa inasal noon. "Brat." he muttered under his breath. Tumawa naman si Paris sa sinabi niya. "Sinabi mo pa. When I was the leader of her squad, palagi niya akong tinatakasan. She's the reincarnation of a devil." "Devil? You know me, Paris. No devil can scare me right now." aniya sa binata. Ngumisi ang lalaki sa sinabi niya at tinapik ang balikat. "That's my buddy." He remarked. Nang makabalik sila sa barracks ay agad nilang na-discuss ng group sa kaniya ang tungkol kay Olivia. Nalaman niya na nasa huling taon na ito ng kolehiyo sa kursong business administration, twenty-one years old na at anak ng nakakatandang kapatid ni Senator Villafuerte. "Dylan, Jack, Lui." pagtawag niya. "Kayo ang area check habang kami ni Paris ang laging sasama sa kaniya. Always bring your guns and be alert. Matagal na kayong protection squad ni Olivia at maraming beses na rin kayong natakasan. And while I'm the leader of this team, hindi ako makakapayag. Are we clear?" tanong niya. "Sir. Yes, Sir." sagot nila. "Dismiss." ani Kristoff. Nagsibalikan naman ang mga ito sa kaniya kaniyang kama at naghanda na para sa pagkain. Hinubad niya ang shirt na suot niya para makapagpalit. Kumuha siya ng itim na tshirt at bago pa man masuot iyon ay may narinig siyang tunog ng takong sa sahig. Nilingon niya iyon at nakitang si Olivia iyon. Nakabusangot ang mukha ng dalaga. Suot pa din nito ang damit niya kanina noong mahuli niya ang pagtakas nito. "Magandang gabi. Ano ang sasabihin mo?" tanong niya sa dalaga. Seryoso siyang tumitig sa mukha ng dalaga at iniingatan na huwag mapadpad ito sa dibdib na nakasilip ng dalaga. Si Olivia naman ay panay ang hagod sa katawan ng lalaking naka-exposed sa harapan niya. Shit. Bakit ang macho niya? Tanong niya sa sarili. Marami na siyang nakitang katawan ng sundalo rito sa bahay nila pero hindi ganito kaperpekto. Bumagay kasi ang kulay niya sa kulay ginto nitong buhok na minana pa niya sa kaniyang lolo. Tumikhim si Kristoff dahil pansin niya ang paninitig ng babaeng ito sa katawan niya. Hindi niya maiwasang mapangisi. Like what you see? Gusto niya itanong pero hinayaan niya ang sariling manahimik. "I need to go. My friends will throw a party for our organization as it’s my last day before election campaign starts." sabi niya. "Then?" tanong niya. "Do I need to ask you to come with me? Let's go after dinner. Wala ako sa mood para tumakas." maarteng sabi nito at hinawi ang buhok na siyang nagsisilbing pantakip sa kaniyang dibdib. Hindi niya mawari ang suot nito. Imbis na magmukha itong galing sa pamilya ng sikat na politiko at businessman, ay mas lamang na mukha itong babaeng bayaran. Iyan pa naman ang ayaw niya sa babae. Iyong halos ipakita na lahat ng puwedeng ipakita para masabihang maganda. Pinalaki siya sa isang conservative na pamilya kaya malaki ang respeto niya sa kababaihan at ayaw niyang mabastos ito. "You're going out with that outfit? Go on and change." utos niya sa babae. "What are you? My father? Mukhang magkaedad lang naman tayo kaya can you please shut up and just protect me? That's your only job and it doesn't include meddling with my life." sarcastic na sabi ni Olivia. Well, gusto niyang irapan si Olivia. Naiinis na siya sa babaeng ito pero iniisip niya na sibilyan pa rin ito at bilang sundalo, iyon ang kaniyang trabaho. Protektahan ang mga sibilyan. Mahirap na paniwalaang Captain na siya. He's just 28 and he's now a Captain. Ang karamihan sa kanila, sa ganoong edad ay Second Lieutenant pa din. Masuwerte na kung ma-promote ng First Lieutenant gaya ni Paris. "Ma'am, with all due respect. Pinoprotektahan ko lamag kayo." sabi naman niya. "No. I'll wear this." sagot ng babae at tinaas ang kaniya.g hintuturo. "No buts. Or else, tatakasan ko kayo. Gawin mo na lang habang may cooperation pa ako." sabi nito at umalis na. Napabuga siya ng hangin habang tinitingnan ang mga tingin na ginagawad ng mga ito sa likuran ng babae. Naiirita siya kaya tumikhim siya ng malakas para matagatag ang mga mata ng kasamahan rito. Matapos ang dinner ay sinamahan nga nila si Olivia sa isang eksklusibong bar. Pamilyar ito sa kaniya kasi sa tuwing nasa bakasyon siya ay sumasama siya sa ilang kaibigan para mag-party sa mga ganitong uri ng bar. Diniin niya sa tainga ang headset na nakakonekta sa kanilang lima. "Check the area. Lui, keep an eye kay Olivia from a distance. Check all the people around her. Got it?" tanong niya. "Yes, Sir." sagot nito. Naglakad siya dalawang metro ang layo kay Olivia na ngayon ay pumapasok na sa bar. Tinanguan niya si Paris na ganoon rin ang ginawa ngunit nasa kabilang direksyon. Umupo si Olivia sa isang table na puno ng mga kaedad nito. Mas pinili niya na umupo sa bar stool na hindi kalayuan. Kung may mangyayari man, makakatakbo siya agad sa pwesto nito para mailayo siya. "Sir, drinks po?" tanong ng bartender. Umiling siya. Hindi siya nagpunta rito para magsaya, magpunta siya rito dahil narito ang binabantayan niya. Nilubayan din agad siya ng bartender kaya naman tiningnan niya muli si Olivia. Nakita niya ang titig nito sa kaniya habang iniinom ang alak niya. Hindi niya nilubayan ang titig nito. Isa. Dalawa. Tatlo. Nakatatlong baso na siya ng alak. May pang-apat na baso pang inaabot ang isang lalaki sa kaniyang tabi kaya naghinala na siya. Tumayo ang mga ito para pumunta sa dancefloor. Nagsayawan sila doon. Pero hindi nakatakas ang pag-abot ng lalaki ng baso mula sa tray ng waiter papunta sa dalaga. Nilalasing niya ba si Olivia? At bakit tanggap ng tanggap ang babaeng ito? Hindi niya ba alam na bar ito at ang mga tao rito ay isa lamang ang gusto? Sandaling ligaya. Tumayo siya para umakto rito. Naglakad siya papunta sa puwesto nina Olivia pero lumiko siya para pumunta sa likuran ng mga ito. Kumuha siya ng isang alak sa tray ng isang waiter at pasimpleng umarteng nabitawan niya iyon at natapon iyon sa likuran ng lalaking nag-aabot ng alak kay Olivia. Agad itong napalayo sa isa't-isa nito. Maging si Olivia ay napalayo na rin para maiwasang mabasa. Masamang tingin ang ginawad ng lalaki sa kaniya. Kalmado siyang nagtaas ng kamay. "I'm sorry, man." sabi ni Kristoff at nagkunwaring akisdente iyon. "Damn you, man! Can't you be more careful? Nabasa mo na ako." sigaw noong lalaki. Tiningnan naman niya si Olivia na nakatitig lang sa kanila. Nakakagat labi ito. Subukan lamang na saktan siya ng lalaking ito, hindi siya magdadalawang isip na palapatin ang kamao niya sa mukha nito. "I said I'm sorry. I'm a little tipsy." sagot niya at hinugot ang wallet para kumuha ng tatlong libo. "Buy yourself another shirt." "Gago ka pala, pare!" sigaw ng lalaki at pumormang susuntukin siya pero nasalag niya iyon. Hindi siya naka-graduate as top of his class sa PMA para lang hayaang masuntok siya ng lasing na sibilyan. "Don't you dare." bulong niya at tiningnan si Olivia na ngayon ay mapungay ang mga mata. Alam niyang lasing na ito. Nakatakip ang mga kamay niya sa bibig ng babae. Hinanap niya ang mga mata ni Paris na nasa malapit lamang at nakatingin sa kanila. May babae sa tabihan nito at halatang pinopormahan ang kaibigan. Tinanguan niya ito at awtomatikong humakbang ito para iwan ang babaeng kausap. Nilapitan niya si Olivia sa pagitan ng patay sinding mga ilaw sa dancefloor at hinawakan ang palapulsuhan nito. "Let's go, Ma'am Olivia. Don't make him angry." bulong ni Paris ng maramdaman ang tensyon na namamagitan sa mga ito. Naiwan ang tingin ni Olivia sa dalawang lalaki na nasa gitna ng dancefloor. She didn't know why she felt safe when he did that. Why she's thankful that he did something to make her org mate to stop handling her drinks. She felt safe for the first time. This was the first time someone cared for her. And it made her heart hurt when she realized that he only did that because it's his job. They never truly cared.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD