✿✿♡ KIM ♡✿✿ MATAPOS ang ikalawang rounds namin ni Julian, pinatigil ko na siya. Ayokong mapagod nang sobra dahil kailangan ko pang gumising nang maaga bukas para asikasuhin ang kambal sa pagpasok. Matapos niyang damputin ang mga saplot niya at noong nakapagbihis na siya, nagpaalam siyang lilipat na sa kwarto niya. Gusto niya raw sana akong katabi magdamag pero baka magising ang dalawa nang dis-oras ng gabi at kumatok sa kaniya. Hindi kami nito p’wedeng makitang magkasama sa iisang kwarto, lalo na sa kama. Kinabukasan. Tulad ng sabi ko, kahit ano pa ang namagitan sa amin ni Julian kagabi, mananatili akong nanny ng dalawa kaya maaga akong bumangon at sila ang una kong pinuntahan para gisingin, paliguan at gayakan. Habang nasa hapagkainan kami at nag-aalmusal, dumating si Julian. Nakagaya