✿✿♡ KIM ♡✿✿ INILABAS ni Julian ang bag ko sa backseat at agad ko naman siyang nilapitan para abutin ‘yon sa kaniya. Pero hindi niya ibinigay. “Ako na,” sabi niya at iniwas niya sa akin ang bag ko para hindi ko maabot. Pero hinigit ko ang braso niya para pigilan siya. “Hindi. Ako na. Akin na ‘yan.” Pilit kong kinuha sa kaniya 'yon. “Sabi mo andito ‘yung pinsan mo? Baka kung ano pang isipin n’ya kapag nakita n’yang ikaw pa may bitbit sa bag ko.” Hindi siya kumibo. Napatitig lamang siya sa akin at hinayaan na lang ako. Bitbit ko ang bag ko sa isa kong kamay habang nasa kabilang kamay ko naman ang stickers na binili namin. Hindi ako humakbang hangga’t hindi siya kumukilos dahil ayoko siyang pangunahan na pumasok sa loob. Nang mapansin niya ‘yon, saka pa lang niya inihakbang ang mga paa ni