✿✿♡ KIM ♡✿✿ “Baby, maaga ang flight ko kaya hindi na kita ginising. Ayokong maabala tulog mo dahil alam kong pagod ka. ;) By the way, I made you breakfast bago ako umalis. Nasa kusina. Pagkagising mo kumain ka. Iniwan ko rin ang duplicate key ng bahay natin. Nand’yan sa ibabaw ng bedside table, para kung sakaling anytime gusto mong mag-stay d’yan at mag-relax. You can stay there as long as you want, baby. I left my credit card, too, nasa bag mo. Bili ka food at kahit ano’ng gusto mo habang wala ako para hindi ka mainip sa paghihintay sa ‘kin. Hindi naman ako magtatagal, mga two weeks lang siguro. Pero sisikapin ko na hindi abutin ng two weeks dahil hindi ko rin kaya na matagal malayo sa'yo. Mami-miss kita agad, baka mabaliw ako. I love you, baby. So much. Wait for me.” Hindi ko alam kung