JULIAN WY AYAW magsalita ni Kim kaya napilitan akong akayin siya papunta sa kwarto. Para maiwasan na rin na makita kami nila Jade at Jayden na masyadong magkadikit. Pagsara ko sa pinto, sa kama ko siya dinala at pareho kaming naupo sa paanan. “Nu’ng unang beses kitang tinanong kung bakit mo ‘ko iniwan, sabi mo dahil hindi ka pa ready. Totoo ba ‘yon o may iba pang dahilan?” Hindi siya nakakibo. Tiningnan niya lang ako. Our eyes lock together, at kahit hindi niya ibuka ang labi niya, her eyes telling me that there was something else. Something deeper than that. “Baby.” I sigh in frustration. Gustung-gusto kong malaman kung ano’ng nangyari noon sa kaniya, pero sa pagkakataong ‘to, alam kong hindi ko siya mapipilit na magsalita. “Kung hindi mo sasabihin sa ‘kin, let me read your work at