Confession

1172 Words

Nabaling na lang ang pisngi ni Klary at napa luha na lang ng manginit ang pisngi sa sampal ng ama. Wala s'yang maapuhap na sasabihin natatakot s'yang mag salita dahil baka kung ano pang mangyari sa Papa n'ya. Kadarating lang nila ng Pilipinas agad na ipinahatid ng parents n'ya ang mga anak n'ya sa magiging kuwarto ng mga ito habang kasama ng Ate Daniella n'ya. Nasa study room lahat ng kapatid n'ya na pawang nag-uwi ng malaman ang balita sa kanya at tungkol sa quintoplets n'ya. Wala makapag salita sa mga kapatid n'ya pawang mga napasinghap na lang. Sadyang mainitin ang ulo ng papa nila pero never naman silang pinag buhatan ng kamay depende na lang talaga kapag sobra na, kahit madalas silang pagalitan ng ama noon sweet and caring ang Papa nila. Mabait ito at super galante kesa sa Mama nila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD