Unang pasilip
"Sir, nakita na po namin kung na saan si Ms. Klary Montenegro." napatingin naman si Damon sa mga tauhan na inutusan na hanapin si Klary.
"Good! Dalahin n'yo ako sa kanya." ani Damon na lumabas na ng bahay habang na uuna ang mga tauhan na lumabas. Agad na pumasok ng kotse si Damon at pinaharurot iyon palayo sa resthouse n'ya sa new york. Mabilis ang takbo n'ya dahil gusto n'yang makatiyak kung buhay si Klary at gusto n'yang malaman kung sino ang Klary na bumalik ng Pilipinas. Tama ang kakambal n'ya hindi si Klary ang kinaon nila sa airport at hindi n'ya agad iyon nahalata pero ang Kuya Luzi n'ya ang bilis nitong nadiskubre at hindi n'ya pa alam ang eksaktong dahilan kung bakit gusto nitong pakasalan ang pekeng Klary. Samantalang na ubos na ang oras nito sa kakahanap sa asawang na wawala pero ng makita nito si Klary bilis ng sabi nito na ito ang mag papakasal sa pekeng Klary.
Muntik ng masubsub si Damon sa manibela sa lakas ng pag tapak n'ya sa preno ng bigla isang batang lalaki ang bigla na lang na tumawid. Nakita n'yang tinamaan n'ya ang batang lalaki kaya nag mamadaling inalis n'ya ang seatbelt na suot ng makita ang matandang americana na tumakbo para tingnan ang batang hawak nito kanina. Ang bilis ng t***k ng puso n'ya ng makita walang malay ang batang lalaki na may gasgas sa noo at mukhang na dislocate ang buto sa kaliwang braso.
"Help me bring him to the hospital please mister." wika ng matandang babae mabilis naman tumango si Damon at binuhat ang batang lalaki na isinakay sa likod ng kotse kasama ng matandang lalaki. Agad naman na tinawagan ni Damon ang mga tauhan na nasa likuran n'ya. Mamaya na lang nila pupuntahan si Klary uunahin lang n'ya ang bata.
*******
Nakatitig si Damon sa batang lalaki na nakatingin rin sa kanya na parang nag-iisip ito ganun din s'ya. The kid exactly look like him noon bata pa s'ya. Possible ba yung mangyari na may kamukha s'yang bata kung hindi naman blood related to him. Saglit s'yang nag paalam sa dalawa at sinabi na isesettle na muna n'ya ang bills. Ayun sa doctor wala naman problema sa bata dahil nag karoon lang ito ng dislocation sa left arm nito. At wala naman fracture sa buto sa katawan at sa ulo nag karoon lang daw ito ng shock kaya nawalan ng malay. Pag dating sa nurse information nag tanong s'ya kung paano mag request ng DNA test or blood matching man lang dahil impossible na mag karoon s'yang kamukhang bata kung hindi n'ya anak o kamag anak baka anak pa ito ng mga kapatid n'ya. Na cucurious lang s'ya kaya gusto n'yang malaman.
Agad naman isinagawa ang request n'ya saka n'ya inayos ang billing ng bata. Ngunit natigilan s'ya sa pag hakbang ng mabasa ang pangalan ng bata sa form na hawak n'ya.
"Dale Montenegro." mabilis s'yang humakbang pabalik at kulang na lang duldulin n'ya ang button ng elevator. Walang naka lagay ng pangalan ng ina pero malakas na ang kutob n'ya kung sino ang ina nito pero kailangan muna n'yang ma confirm bago s'ya mag-isip ng kung ano-ano. Naka lagay sa record na 10 years old na ang batang lalaki at mag 11na, 5 months from now at kung mag bibilang s'ya isang babae lang ang pumapasok sa isip n'ya.
Lakad takbo ang ginawa n'yang pag lalakad hanggang sa marating n'ya muli ang kuwarto ng batang lalaki, Kung nagulat s'ya ng makitang muli si Klary mas nagulat si Klary ng makita s'ya sabay tiningin nito sa bata.
-
-
-
-
-
-
-
-
Kanina pa sila mag kaharap ni Damon sa cafeteria ng hospital. Ramdam ni Klary na titig na titig sa kanya si Damon, wala pa man na 1 buwan na nag papanggap si Barbie bilang s'ya sa Pilipinas. Ang higpit pa ng bilin n'ya rito na mag-ingat ito dahil baka mabulilyaso ang pag papanggap nito pero s'ya pala ang ma bubulilyaso dahil sa aksidenteng ito ang nakabundol sa anak n'ya. Of all people pa talaga mukhang digital na talaga ang karma.
"Wala ka man lang bang sasabihin."
"Wag kang maki-alam puwede."
"And why would I not?"
"Kung ano man ang nalaman mo sa akin ngayon manahimik ka na lang kung ayaw mo ng gulo." pagak naman na tumawa si Damon.
"Hindi puwede anak ko rin ang batang yun." parang spring naman na bumali ang leeg ni Klary kay Damon kasabay ng pag kunot ng noo at pag sasalubong ng kilay.
"Bakit akala mo ba matatago mo sa akin habang buhay na I got you pregnant? Kaya pa umupa ka pa ng babaeng mag papanggap na ikaw para lang umuwi ng Pilipinas, Your pathetic." iling ni Damon.
"It's long enough na itinago mo sa akin ang anak ko."
"Teka lang muna." mabilis na iniharang ni Klary ang kamay sa mukha ni Damon.
"Anong pinag sasabi mong anak mo at sinong anak ang itinago sa'yo."
"Dale Montengro. Anak natin s'ya diba." saglit na natameme si Klary ng ilang segundo bago natawa.
"Hoy! Mateo adik ka ba?" napangiwi naman si Damon na napalingon sa paligid. Ito lang nag nag iisang tao na natawag sa kanya ng Mateo bukod sa lola n'ya namatay na 5 years ago. Ayaw kasi ng pangalan nila ng Lola n'ya kaya ang tawag nito sa Kuya Luzi n'ya ay John, sa kanya Matthew at kay Saitan ay Savior.
"Nag papagawa na akong ng DNA test between the two of us kaya wala ka ng magagawa kahit itanggi mo pa kung tutuusin hindi ko naman na kailangan ng DNA test dahil kung anong mukha ni Dale yun din ang mukha namin nila kuya Luzi." Saka pa lang na realize ni Klary at napatitig nga kay Damon na kamukha nga nito ang anak n'ya. Kanina ang problema lang n'ya nalaman nito ang sekreto na itinatago n'ya at baka ipaalam nito sa kanila ang tungkol sa anak n'ya at ang pag papanggap ni barbie bilang s'ya peo ngayon na dagdagan pa ang problema n'ya dahil Damon claiming na ito ang ama ng anak n'ya.
She was rap** back then. Right after graduation n'ya sumama s'ya sa mga kaibigan n'ya na mag bar hopping at dahil 1st time n'yang pumasok sa bar talagang nag enjoy s'ya after ng mahabang taon na pag-aaral ng law sa wakas naka graduate na s'ya. Then the last thing she remember nagising na lang s'ya nasa isang hotel suite s'ya na masakit ang gitnang bahagi ng katawan at walang saplot. Kalat sa sahig ang mga damit n'ya. Naririnig pa n'ya ang lagaslas ng tubig sa banyo kaya natakot s'ya kaya bago pa lumabas ang lalaki sa banyo mabilis na s'yang tumakas at hidi na n'ya nakilalala ang lalaking gumahasa sa kanya. Ngayon kung sinasabi ni Damon na ito ang ama ng anak n'ya ibig sabihin lang ito ang lalaking lumapastangan sa kanya.
"Ano paninindigan mo ba yang pag mamatigas mo."
"Kung ikaw ang ama ni Dale, ibig sabihin ikaw ang nangra*e sa akin." kumunot naman ang noo ni Damon.
"It wasn't ra**d."
"Talaga!" high pitch na agad si Klary at wala na s'yang paki-alam kung umagaw sila ng atensyon.
"Kusa kang pumunta sa unit ko."
"Wow ha! Ako pupunta sa unit mo anong akala mo sa akin kaladkarin." inis na tumayo na si Klary at iniwan na ito. Ayaw n'yang maniwala sa sinasabi nito. Unti-unti n'yang na re-realize ang resemblance ni Damon sa anak pero paanong nangyari na ito ang lalaking naka talik n'ya ng gabing iyon. Paano nito nagawang gahasa*n s'ya. He knows her since ng mga bata pa sila kaya imposibleng pag sasamantalahan s'ya nito. Ngunit he's claiming Dale ibig sabihin lang malinaw sa alala nito na may nangyari sa kanila.
Umalis s'ya ng Pilipinas after what happen. Natatakot s'yang mag sumbong sa parents s'ya dahil sunod-sunod na ang problema ng mga ito from kuya Gabriel to Aira. Ayaw na n'yang makidagdag noon kaya naman nanahimik na lang s'ya hanggang sa nalaman na n'yang nag dadalang tao s'ya. Agad-agad s'yang nag paalam na gusto n'yang mag masteral degree sa US na pinayagan naman s'ya ng mga magulang pero ang totoo balak n'yang ipalaglag ang bata sa sinapupunan n'ya dahil para sa kanya sagabal ang bata sa pag rereview sana s'ya sa pag kuha ng law.
Ngunit hindi n'ya nagawang ipatanggal ang bata dahil nakaramdam siya ng konsensya ng nakahiga na s'ya para alisin ang bata sa sinapupunan n'ya ng maalala n'ya ang sinabi sa kanya ng prof n'ya. Na walang kasalanan ang buhay na nasa sinapupunan n'ya kung natatakot daw s'ya sa parents n'ya ibigay na lang daw n'ya rito ang mga bata at ito na lang ang bubuhay. Dahil malaking kasalanan sa Diyos ang iniisip n'ya. Kaya naman kahit puno ng takot ang puso't-isip n'ya binuhay n'ya ang bunga ng pag kakamali n'ya. Sa tulong ng prof Daisy n'ya sa US itinago s'ya nito sa West California sa hometown nito. The rest is history nagawa n'yang buhayin at itaguyod ang mga anak. Yes, mga anak dahil dinaig pa n'ya ang aso sa dami ng inilabas n'ya. Inakala din n'ya na ikamamatay n'ya ang pag bubuntis n'ya buti na lang iba na talaga sa US ang high technology.
After ng ilang years n'yang pag hihirap bigla susulpot si Damon at sasabihin na ito ang ama. Parang gustong mag dilim ng paningin n'ya. Ayaw man n'yang isisi sa mga anak n'ya ang nangyari sa buhay n'ya hindi n'ya napigilan. Hindi s'ya makapasa-pasa sa bar exam dahil hindi s'ya makapag concentrate sa tuwing mag tatake s'ya ng exam dahil sa tuwing na lang darating ang araw ng exam n'ya biglang may mag kakasakit sa mga ito kaya ang utak n'ya nag aalala. At gusto na lang n'ya maka-uwi at alagaan ang mga anak. Kahit bunga ng pag kakamali ang mga anak n'ya mahal na mahal n'ya ang mga ito at salamat nalang talaga guwapo at magaganda ang mga inilabas n'ya. Naisip pa n'ya noon na siguro guwapo ang ama ng mga ito na kahit papano ipinag pasalamat naman n'ya. Yun naman pala si Matthew Damon Brichmore ang nanamantala sa kalasingan n'ya. Ngayon unti-unti luminaw na sa pang unawa n'ya na kamukhang-kamuha ni Damon ang mga anak n'ya at kahit walang DNA sure s'yang ito na nga ang ama.
Buong akala n'ya ang tinutukoy nito kung wala daw ba s'yang sasabihin ay ang tungkol kay Barbie yun pala tungkol sa anak nila. Kailangan pala n'yang balaan si Barbie, kailangan nitong makaalis ng Pilipinas bago pa ito mapahamak sa pamilya n'ya dahil tiyak na ipakukulong ito ng magulang n'ya. Agad na inilabas n'ya ang phone para tawagan si Barbie pero hinablot iyon ni Damon na naka sunod pala sa kanya.
"Sinong tinatawagan mo."
"It's none of your business. Give me back my phone." anggil n'ya rito.
"I'm giving you 2 choice sasama ka sa akin pabalik ng Pilipinas o sasabihin ko sa parents mo ang totoo na may anak tayo at peke ang Klary na kasama nila.
"Sige, sabihin mo ng mag ka bulgaran na dahil titiyakin ko sa'yo na makakaladkad ng husto ang pangalan n'yo."
"Hindi kita ni rap**!"
"At mas lalong hindi ako mag papa ubaya sa'yo kung malinaw ang utak ko."
"lasing ka that time."
"Lasing sure ka. I was at the bar that night with my friends. Sige nga paano ako makakarating sa kama mo ha ni konting alala wala akong maalala kung paano ako nakalabas ng bar." gigil na wika ni Klary hindi naman naka imik si Damon doon pa lang kung nasa korte sila hahatulan na agad itong guilty.
"Sige, tatanggapin ko yang alibi mo na I was wasted drunk back then pero ikaw lasing ka ba? Naka droga ka ba para pag samantalahan mo ang isang babaeng lasing. And one more thing you know me since I was a kid bestfriend ka ni Kuya Gab paano mo nagawang paki-alaman ako."
"Hindi kita agad na kilala makapal ang make up____________." malakas na sampal ang ibinigay n'ya kay Damon na inisahan pa n'ya dala ng gigil at galit n'ya dahil napaka sinungalin nito. Hindi s'ya kahit kelan nag makapal na make-up laging light make-ups lang. Gloss, liner at blush iyon lang madalas ang gamit n'ya tapos sasabihin nito na makapal ang make-up n'ya. She was wearing white chiffon cocktail dress that night. Ang huling na tatandaan lang n'ya uminom lang s'ya ng ilang shot ng tequila at cocktails drinks ng bigla na lang s'yang na hilo kaya sumubsob muna s'ya sa mesa para lang sana alisin ang hilo n'ya pero nagisig s'ya nasa kama na s'ya at pinag samantalahan. Hindi na n'ya kinailangan na mag pa check-up para patunayan kung na rap** ba talaga s'ya dahil simpleng proof na ang mga kissamark n'ya sa katawan na talaga naman pinang dirihan n'ya. Ilang araw s'yang hindi maka ihi ng maayos dahil masakit ang p********e n'ya.
She even think na mag suicide pero inaalala n'ya ang mga magulang n'ya nakita n'ya kung paano umiyak ang mga ito ng mag suicide noon si Aira. Kaya nilakasan na lang n'ya ang loob n'ya at pinilit kalimutan ang pangit na karanasan tapos malalaman pa n'ya after all this years na si Damon lang pala ang lalaking bumaboy sa kanya.
"11 long years Mateo, nasaan ka? Wag mong sasabihin sa akin na it was just a one night stand dahil alam ko na alam mo na I was a virgin. Kung hindi rap*** ang tawag sa ginawa mo anong tawag dun ha. Ang tapang ng apog mo na susulpot ka ngayon at tatakutin ako." iyak ni Klary pero nanlilisik ang mga mata n'ya habang umaagos ang mga luha sa pisngi n'ya.
"Sino ka sa akala mo? Sinira mo ang magandang pangarap ko para sa sarili ko. Lumayo ako sa pamilya ko para itago ang katangahan na inabot ko pero yun pala yung taong nag lalabas masok sa bahay namin na itinuring ng pamilya kong kapamilya ay s'yang hayop na sisira sa buhay ko. bakit pa na bubuhay ang isang animal na tulad mo." anas ni Klary saka muli ng tumalikod. Agad naman sumunod si Damon.
"Fine, magalit ka kung gusto mo pero hindi mo na mababago ang nangyari. Ako ang ama ng anak mo take it or leave it. Hindi ko alam na nabuntis kita at kung alam ko lang handa naman akong panagutan kung nag sabi ka lang kung hindi ka lang sana umalis agad ng araw na yun."
"Putang*** mo! Wag mo akong paandaran ng ganyan explanation. Alam mo kung sino ako? Alam mo kung saan ako nakatira. Ang sabihin mo takot ka rin malaman ng pamilya ko na pinake-alaman mo ako."
"Hindi ako natakot ayoko lang makipag sabayan sa problema ng pamilya n'yo noon."
"Alam mo naman pala na may problema na ang pamilya namin pero bakit itinuloy mo pa rin ang pag sasamantala sa akin ha? at Anong sabi mo hindi mo alam na nabuntis mo ako, Bakit ng iputok mo ba yan..." itinuro pa ni Klary ng literal ang harapan ng pantalon ni Damon,
"Hindi mo alam na possible kang makabuo ng bata."
"I___
"shut up! Kung judge ako kulong ka na hayop ka. Wag ka ng sumunod pahingahin mo naman ako kahit sandali lang." gigil na wika ni Klary. Napahinto naman sa pag sunod si Damon at napatingin na lang sa papalayong dalaga bago marahas na napa buga ng hangin kasabay ng pag suntok saka napa sabunot sa buhok. Ano bang nangyari ayaw gumana ng ayos ang utak n'ya na memental block s'ya. Hindi n'ya na alam ang gagawin for the frist time nawalan s'ya sa focus.