"Why didn't you tell him about us?" tanong ni Dale na alam ni Klary na itatanong talaga yun ng anak n'ya.
"Because I don't believe him." matipid na sagot ni Klary habang papasok sila ng bahay nila.
"But he look exactly like us."
"Maybe it's just a coinsidence."
"Mama,"
"Please Dale. Don't argue with me, ayoko kayong ipag damot sa kanya kung s'ya talaga ang Papa n'yo pero anak sana naman hayaan n'yo muna akong makapag decide. Hindi porket sinabi n'ya na s'ya ang tatay n'yo at nag pakita s'ya ng proof hahayaan ko na lang na basta s'ya papasok sa buhay natin. Hindi ganun yun kadali anak, 11 long years kami lang ni Prof. Daisy ang naging kasama n'yo."
"Becasue he said he didn't know that we exist. You never told him about us." napakagat labi si Klary at gustong mapikon sa anak.
"How can I tell him if I honestly didn't know that it was him all along."
"That's enough Dales, your mother is right. Don't argue." ani Daisy napabuga naman ng hangin si Dale na nag excuse na aakyat muna sa taas.
"Kailangan ko po munang lumayo prof. Daisy. Malaking gulo po ito kapag nalaman ng parents ko."
"What are your going to do?" tanong pa ni Daisy.
"Iiwan ko po sa inyo ang dalawang babae Prof kayo na po muna ang bahala sa kanila. Hindi ko maitatago sila Dean at Doel kay Mateo." tumango naman ang prof.
*********
Nagulat si Klary ng mapagbuksan ng pinto ng apartment n'ya si Mateo. Kakalipat pa lang nilang mag iina at nag-aayos pa lang s'ya ng mga gamit nila pero na tunton na agad ni Mateo ang bahay nila. Pinasundan ba s'ya nito. Nagulat pa s'yang ng basta na lang nitong itinulak ang pinto at basta na lang pumasok sa loob ng bahay n'ya na akala mo kung sino. Buti na lang wala ang mga anak n'ya at nasa school pa.
"What the hell Mateo.' inis na bulalas ni Klary.
"Bakit na tatakot ka bang mahuli tayo ng asawa mo." galit na wika nito.
"Oo kaya umalis ka na_____" naumid ang dila ni Klary ng bigla s'yang itulak ni Damon sa pader at ipako roon gamit ang katawan nito. Pigil na pigil n'ya ang hininga n'ya pakiramdam n'ya aatakihin s'ya sa puso sa sobrang lapit ni Damon. Ngayon lang s'ya nakaramdam ng ganun feeling na parang kakapusin s'ya ng hininga. Never naman kasi s'yang nadikitan ng lalaki ni konti ngang alala wala s'yang maalala kung paano nila binuo ang mga kambal.
"Ano pang kasinungalingan ang sinabi mo sa akin. Mag sabi ka na ng totoo dahil titiyakin ko sa'yo na aalamin ko lahat at oras na malaman ko na nag sisinungaling ka pag sisihan mo."
"Saan mo hinuhugot ang kapal ng mukha mo para pag bantaan ako. Sino ka sa akala mo?" pilit na tinutulak ni Klary si Damon pero hinuli lang ni Damon ang mga kamay n'ya at ipinako sa ulunan n'ya. Mabilis naman na iniiwas ni Klary ang mukha ng lumapit ang mukha ni Damon.
"I willing to marry you for sake ng anak natin pero kung ayaw mo kukunin ko ang custody n'ya at iuuwi ko s'ya ng Pilipinas sa ayaw at sa gusto mo."
"Hoy!" mag sasalita sana si Klary na nilingon si Damon pero napigil ang hininga n'ya ng masagi ng labi n'ya ang labi nito.
"Please go on. Feel free to talk." naka ngising usal ni Damon na sa bawat galaw ng labi nito sumasagi na din sa labi n'ya sa sobrang labi nito. Pilit na ikinikilos ni Klary ang katawan n'ya para makawala rito pero dahil sa sobrang lapit nito the more na gumagalaw s'ya dumidikit ang labi nito sa labi n'ya.
"Alam mo ba kung ano ang laman ng utak ko ngayon?" tanong pa ni Damon na bahagyang lumayo sa kanya pero halos daganan na s'ya nito sa pader at dumikit na ang labi nito sa tenga n'ya kaya naman nag hatid iyon sa kanya ng isang libong kilabot mula ulo hanggang paa n'ya.
"I want to make love with you at ipaalala sa'yo kung paano natin nabuo noon si Dale. How you beg me to be inside you desperately." napalunok si Klary, did she really beg for desperate. Hindi s'ya ganun klaseng babae, hindi sila pinakali ng magulang nilang mag mamakaawa para sa isang lalaki. Hindi naman s'ya pangit para gawin yun at mas lalong hindi naman s'ya nag hahanap ng lalaki dahil pangarap talaga n'yang maging abogado pero mukhang hindi s'ya papalarin dahil naka ilang take na s'ya ng bar pero hindi s'ya makapasa-pasa.
"Umalis ka na lang kung babastusin mo ako Mateo."
"Ayaw mo bang maalala kung paano natin na buo si Dale."
"May boyfriend na ako."
"Sino si Herbert Smith, a Britsih-American na hiwalay sa asawa at may maliit na negosyo downtown." ngumisi naman si Damon na bahagyang lumayo para tingnan ang reaction ni Klary.
"Nagulat ka ba? sample pa lang yan, I told you sabihin mo na sa akin ang lahat ng totoo bago ako pa ang makaalam ng totoo."
"Hindi ka ba kinikilabutan o nahihiya sa mga ganyang astahan mo. Akala mo ba porket ikaw ang nakabuntis sa akin noon may karapatan ka na para takutin ako ng ganyan. Na angkin mo lang ako at nakabuo ka sa akin pero hindi ibig sabihin nun pag-aari mo na ako. Dahil kung para sa'yo hindi r**e ang ginawa mo sa akin puwes para sa akin ra*** yun. Ikaw ang sumira ng buhay ko tandaan mo yan. Kaya yang kapal ng mukha mo bawasan mo your still a rap*** sa paningin ko." mariin na wika ni Klary. Ngumiti naman si Damon na lumayo pero imbis na lumabas. Naupo pa ito sa sofa n'ya saka nag palinga-linga sa paligid kaya inis na lumapit si Klary rito.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"I'm waiting for my Son to come home. Anong oras ba s'ya nauwi?"
"Puwede ba Mateo."
"Gusto kong makasama ang anak ko."
"Hindi mo man lang ba naisip na kung gusto ka rin makasama ni Dale?"
"Lahat ng bata gusto kompleto ang pamilya. Wag mo lang akong sisiraan kay Dale, I'm sure gugustuhin rin n'yang makilala ako bilang tatay n'ya."
"Grabe!" iling ni Klary na napamewang pang nakatingin kay Damon.
"Wag mong ipagkait kay Dale ang buong pamilya dahil parehas natin alam kung gaano kasaya na may buong at masayang pamilya. Masyado ng mahaba ang 11 years para naging single parents ka Krung-krung." napangiwi naman si Klary ng tawagin s'ya nito sa palayaw n'ya ang Kuya Gab n'ya ang nag bigay sa kanya noon bata pa s'ya. Mahilig kasi sila nila Ate Blessy, Aira at siya na mag laro ng doll house nila noon at may mga pag kakataon na mag-isa lang s'yang nag lalaro at mag-isa na kinakausap ang sarili kasi nga nag lalaro s'ya. Na nagkataon naman na umuwi ang Kuya Gab n'ya na tatrabaho na bilang intern sa company nila. Kasama nito si Damon noon na feeling close na kung makatawag din sa kanya ng Krung-krung wagas. Kaya naman basta alam n''yang nasa bahay si Damon hindi s'ya nalaman ng kuwarto. Mainit ang dugo n'ya rito kaya hindi n'ya ito gustong kilalanin noon pa man.
"Hindi ba masyado naman late para mag paka tatay ka pa sa anak ko?"
"walang late sa taong determinado."
"So, paninindigan mo talaga ang pagiging tatay."
"Probably kaya wag ka ng umasa na maitatago mo pa sa akin si Dale. Pasalamat ka pa na aawa pa ako sa'yo pero wag mong intayin na ako ang mapikon. Sasabihin ko talaga kila Tita Luz at Tito Ivo lahat ng kolokohan mo tingnan ko lang kung hindi ka mapilitan na umuwi ng Pilipinas." marahas naman na bumuga ng hangin si Klary hindi pa s'ya puwedeng umuwi ng Pilipinas lalo pa't hjindi na n'ya ma contact si Barbie kung ano nang nangyari rito. She felt guilty, mapapahamak ito dahil sa kanya. Nag tatago ito sa mata ng bata pero mukhang s'ya pa ang mag lalagay rito sa kapahamak. Pasimple n'yang tinext si Dale na wag muna umuwi dahil sa nasa bahay nila ang Papa nito. Pero iilang minuto pa lang s'yang nakaka text nagulat pa si Klary ng bumukas ang pinto at pumasok si Doel na ikinagulat ni Klary. Na suot ang cast supporter sa braso ni Dale at may balot pang benda ang braso nito na ito nanama ang may pekeng benta na mukhang balak na lokohin si Damon.
"Hi Mama." bati pa ni Doel, maloloko ng triplets n'ya lahat ng tao pero hindi s'ya.
"Papa." baling naman nito kay Damon na halatang nagulat din lalo na nag mag mano pa si Doel rito. Sobrang kaba ni Klary na tinext ang anak na isa at pinagalitan ito thru text.
"Sorry mama, gusto lang ni Doel makita sa personal ang papa namin.' reply ni Dale kaya nasapo n'ya ang noo. Nang mag sabog talaga ng katigasan ng ulo wala ng uubra pa kila Dale, Dean at Doel.