"Umalis ka sa harapan ko Mateo Damon sasamain ka sa akin. Ikaw din Lucas! Lumayas kayong mag-ama sa harapan ko na dedemonyo ako promise." pigil ang galit na wika ni Pipay. "Bakit pati ako nadamay?" tanong ni Lucas. "Bakit? Bakit? nag tatanong ka pa sino ba sa atin dalawa ang malibog ha!" anggil ni Pipay sa asawa. "Okay na ako dun sa kamukha mo ang mga anak natin pero naman sa dami-daming mamana ng mga anak mo kalibuga* mo pa." "Hindi naman na mamana yun Hon, hindi mo ba narinig ang sinabi ng anak mo mahal daw n'ya si Klary. Noon pa s'ya may gusto kay Klary." "Mahal? Lumapit ka dito sa akin Damon, at papakita ko sa'yo kung gaano ka mahal ang magiging bill mo sa hospital kapag binalian kita ng spinal cord." ani Pipay na tumayo sa pag kaka-upo sa kama. Hindi pa s'ya nakakarecover sa prob