Napangiti si Damon na pinag masdan ang natutulog na si Klary sa sofa. Na alimpungatan s'ya dahil nawala ito sa tabi n'ya yun pala lumipat pa rin ito ng kuwarto. Napalingon s'ya sa mga anak na mahimbing na natutulog, maingat s'yang tumayo saka dahan dahan na hinila ang center table na kahoy para igilid. Mabilis s'yang tumakbo palabas ng kuwarto pag balik n'ya may dala na s'yang comforter at unan saka nag latag sa ibaba ng sofa katabi ni Klary. May 2 hours pa naman bago mag umaga matutulog na muna s'ya na sagad din ang lakas n'ya kanina. Maingat n'yang ipinatong ang kamay sa ibabaw ng kamay ng dalaga saka pumikit. ************ Nagising si Damon ng dumantay ang kamay n'ya sa isang mainit na bagay kaya napadilat s'ya mata para tingnan kung ano yung nahawakan n'yang mainit. Napabalikwas s'y