Terror 10

2301 Words
Imumulat ni Zeke ang kanyang mga mata. Mapapabangon siya mula sa pagkakahiga. Tagaktak ang kanyang pawis at parang naligo siya sa sarili niyang pawis kahit na hindi mainit ang loob ng kwarto. “Zeke, mahal ko, binabangungot ka ata,” isasaad ni Xenon sa tabi ni Zeke. Titingin si Zeke sa tabi niya’t makikita si Xenon. Nakaupo na ito at nakatingin kay Zeke. Nakahawak ito sa magkabilang balikat ni Zeke. May pag-aalala sa mga mata nito. Hindi alintana ang magulo nitong buhok na mahahalatang nagising lang din ito, naputol ang tulog dahil kay Zeke. Mananaig ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa nang ilang sandali. Tititigan ni Zeke si Xenon. Mapupuno ng pangamba at takot ang mukha ni Zeke na madaling mapapansin ni Xenon. Maging ang katawan ni Zeke ay nanginginig pa rin kagaya kung paano siya nanginig sa takot nang makaharap ang nilalang na napapalibutan ng itim na usok. Mararamdaman ni Zeke ang paglingkis ng mga braso ni Xenon sa kanyang katawan, yayakapin siya nito nang mahigpit. Ipaparamdam nito sa kanya na wala siyang dapat ikatakot, na ligtas siya dahil nasa tabi niya si Xenon at palaging nandiyan para sa kanya. “Hindi ko man alam kung ano ang napanaginipan mo, pero tandaan mo na nandito lang ako, mahal ko. Panaginip lang iyon. Huwag mo na intindihin,” sasabihin ni Xenon upang pakalmahin si Zeke. Kahit pa narinig na ni Zeke ang sinabi ni Xenon sa kanya, hindi niya pa rin maiwaksi sa kanyang isipan ang napanaginipan niya. Hindi lang basta normal ang naging panaginip niya. Nakakita siya ng Night Terror. Hindi niya lang sigurado kung Night Terror na nga ang nakaharap niya. Ngunit basi sa paglalarawan ni Xenon kung ano ang hitsura ng Night Terror, masasabi niya na mukhang Night Terror nga ang nakaharap niya nang malapitan. Bahagyang aatras si Zeke at direktang titingnan si Xenon sa mga mata nito. “Pero hindi ako sigurado kung bangungot lang ba talaga iyon, mahal ko.” “Bakit mo naman nasabi, mahal ko?” isasagot ni Xenon nang may pagtataka. “Anong napanaginipan mo?” Hihinga muna nang malalim si Zeke, huhugot siya ng lakas ng loob upang masabi ang gumugulo sa kanyang isipan. Hindi siya maaaring magkamali sa kung ano ang nasa panaginip niya. “Anong nasa panaginip mo? Sabihin mo sa akin,” iuudyok ni Xenon. Determinado itong titingnan si Zeke, hihintayin ang pagsasalita ni Zeke. Ibubuka ni Zeke ang kanyang bibig ngunit mapapatigil siya sa pagsasalita nang biglang lumitaw sa kanyang isipan ang senaryo na nasa panaginip niya. Ititikom niya ang kanyang bibig at ibubukang muli. “M-May nagpakitang Night Terror sa panaginip ko, mahal ko. Tinatawag ako nito na sumama sa kanya dahil nabibilang daw ako sa kanila. A-At kakaiba ang naging panaginip ko. . . Hindi na ako hinahabol ng mga chimera pero napunta naman ako sa tingin ko ay sinaunang panahon. Naglalaban ang Night Terror at Dream Walkers. Ang paligid ay nagpapakita na tila katapusan na ng mundo,” ilalahad ni Zeke. Mabilis na magbabago ang ekspresyon ng mukha ni Xenon. Mula sa pag-aalala ay mapapalitan ito ng pagkalito. Maguguluhan siya sa isiniwalat ni Zeke. Paano ito nangyari? Wala pa siyang narinig na sino man ay nanaginip nang may kinalaman sa Night Terror habang nandito sa Genesis. Ligtas na lugar ang Genesis, kahit sa panaginip ay dapat ligtas si Zeke. Hindi dapat mapanaginipan ito ni Zeke. “Ha? Hindi ko maintindihan, mahal ko. Paaano nangyari ito? Hindi ka dapat nagkaroon ng ganoong panaginip. Sigurado ka ba talaga na Night Terror ang nagpakita sa panaginip mo?” nagdadalawang-isip man, itatanong pa rin ni Xenon. Kung nanaginip nga ng may kinalaman sa Night Terror si Zeke, ito ang magiging unang beses na may nangyaring ganito sa Genesis. May access si Xenon sa mga ulat ng pag-atake ng Night Terrors dito sa loob at labas ng Genesis kaya alam na alam nito na wala pang naitala na ganitong pangyayari. Kaya hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Zeke. O ‘di kaya’y may nakaligtaan lamang siya at nangyari na rin ito noon? Iyan ang hindi sigurado si Xenon. “Sa palagay ko ay Night Terror nga ang nagpakita sa panaginip ko, mahal ko. Katulad na katulad ang hitsura nito sa kung paano mo ito inilarawan sa akin.” Ipapaliwanag ni Zeke kung ano ang kanyang nakita. “Napapalibutan ito ng kulay itim na usok. At ang mga mata nito ay kulay pula, kasing kulay ng dugo ang pagiging pula nito. Night Terror ang nagpakita sa aking panaginip, hindi ba, mahal ko?” Hindi magsasalita si Xenon. Bababa ang kanyang tingin, tutungo habang nag-iisip ng dahilan sa pangyayaring ito. Susubukan nitong unawain ang nangyari. Ngunit kahit ano ang gawin nito ay wala itong makuhang konkretong sagot kung paano at bakit ito nangyari. Wala itong ideya sa kung ano man ang dahilan nito. Hindi pa sapat ang kaalaman nito sa ganitong mga bagay. Pero bakit sa dinami-rami nang nailikas na malapit at mahal sa buhay ng mga Dream Walker nitong nagdaang araw ay kay Zeke lang ito nangyari? Anong meron kay Zeke na wala sa iba? Hindi siguro ganoon ka desperado ang Night Terrors na bisitahin ang mga ito kahit nandito na ang mga ito sa Genesis, maliban na lamang kung may iba pang rason kung bakit ganito na lang kagusto na magpakita ang Night Terror kay Zeke. Ngunit malaking katanungan talaga kung paano nagawa ng Night Terror na gawin ito, na pumasok sa panaginip ni Zeke. Nasa Genesis sila. At gaya nga ng sabi ni Xenon, hindi makakapasok dito ang Night Terror kaya ligtas ang mga narito. Hindi basta-basta na makakapasok dito. “Mahal ko. . .” ibubulong ni Zeke nang ilang minuto nang nakababa ang tingin ni Xenon at malalim na nag-iisip. Aangat ang paningin ni Xenon. Sasalubungin ito ng mukha ni Zeke na naghihintay ng kumpirmasyon ni Xenon. “Oo, mahal ko. Sa palagay ko ay Night Terror nga ang nasa panaginip mo. Naguguluhan lang ako kung paano ito nangyari. Unang beses ko itong nasaksihan na may nanaginip ng katulad ng sa iyo habang nandito sa Genesis,” itutugon ni Xenon. Mapapanganga si Zeke sa sagot ni Xenon. Maging siya ay hindi alam kung bakit at kung totoo ngang ito ang unang beses. Gulong-gulo rin siya. “Wala bang paraan para malaman kung bakit at paano ito nangyari?” hindi sigurado na itatanong ni Zeke. Bigla na lamang itong lalabas sa kanyang bibig. “Isa lang ang naiisip ko, kung sino ang makakasagot ng katanungan natin. Ang council lamang ang sa palagay ko na makakasagot sa atin, mahal ko. Pero hindi ka maaaring humarap sa kanila sa loob ng council hall dahil hindi ka isang Dream Walker.” May pag-aalala sa tono ng boses ni Xenon nang isasambit niya ang huling mga salita. “Gusto ko sana na nandoon ka rin upang marinig mo rin mismo ang ilalatag nilang paliwanag.” Ilalapat ni Zeke ang kanyang ulo sa may balikat ni Xenon, bandang itaas lamang ng dibdib nito. “Okay lang sa akin, mahal ko, kahit hindi ako makapasok. Maghihintay na lang ako sa iyo sa labas ng sinasabi mong council hall. Pwede naman siguro iyon na maghintay ako sa labas ng council hall, ‘di ba?” Mararamdaman ni Zeke ang paghinga nang malalim ni Xenon dahil gagalaw ang dibdib nito. Kasabay nito ang paghaplos ni Xenon sa likod ng kanyang ulo, hinihimas ang kanyang buhok. Pinapakalma siya nito. “Pwede naman iyon, mahal ko. Pero susubukan ko pa rin na makapasok ka. Kakausapin ko ang council sa bagay na iyan. Mas mabuti kasi na nanggaling mismo sa kanilang mga bibig ang iyong maririnig.” Mananatili si Zeke at Xenon sa ganoong pwesto nang ilang minuto sa loob ng napakatahimik na silid. Kakalas si Zeke muli kay Xenon. Magpapalinga-linga ito na tila may hinahanap ngunit hindi nito makita ang eksaktong bagay na hinahanap nito hanggang sa lumapag sa bintana ang kaniyang paningin. Natatakpan ng makapal na kurtina ang bintana. Ngunit mahahalata na maliwanag na sa labas. Doon niya lang mararamdaman ang pagkalam ng kanyang tiyan. Agad na niyang hahawakan ang kanyang tiyan. Babalik ang kanyang tingin kay Xenon. “Anong oras na?” Babalikwas mula sa kama si Xenon. Uupo ito sa gilid ng kama at kukunin nito ang cell phone na nasa ibabaw ng maliit na lamesa sa gilid ng kama. Bubuksan nito ang cell phone. Bahagya itong pipikit sa biglaang pag-flash ng liwanag direkta sa mukha nito. Dadaan muna ang ilang saglit bago masanay ang paningin ni Xenon. Nang masanay na ang paningin nito sa liwanag ay titingnan nito ang orasan sa itaas na bahagi ng screen ng cell phone. “Magtatanghali na, mahal ko. Alas-onse na ng umaga,” isasambit ni Xenon sa mahinang boses. Halata pa sa boses nito pa inaantok ito’t kulang pa sa tulog. “Nagugutom ka na ba?” Hihikab si Xenon at tatayo ito. Lalapit ito sa may bintana at hahawiin nito ang kurtina. Magugulat si Zeke sa kanyang makikita sa bintana. Malaki ang pagtataka na sasakop sa kanyang mukha. Akala niya ay sobrang liwanag na sa labas ngunit kapareho lang ito kanina na sigurado siyang ilang oras lang makalipas ang hatinggabi at madaling araw na. Maliwanag pero hindi ganoon kaliwanag. Maihahambing ito sa liwanag ng buwan tuwing gabi. Ganoon ang maaaring ihambing dito. “Bakit katulad pa rin ng gabi ang liwanag sa labas? Akala ko ba ay umaga na?” nagtatakang itatanong ni Zeke. Haharap si Xenon sa kanya. Malaya niyang mapagmamasdan ang magandang hulma ng katawan ni Xenon. Lalo pa itong gumaganda at nabibigyan ng diin kung gaano kaperpekto ang katawan ng lalaki dahil sa liwanag na tumatama sa kurba-kurba nito sa tiyan na tinatawag na abs. Sapat lang ang laki ng dibdib ni Xenon ngunit maganda ang hulma nito. Halata na batak ito sa ensayo lalo pa’t malaman din ang mga braso nito. Magulo ang buhok ni Xenon at inaantok pa ang mga matang titingin kay Zeke. “Bakit ganyan ang tingin mo sa akin, mahal ko? Natutuwa ka ba sa nakikita mo?” Sisilay ang malokong ngisi nito sa mga labi. Tatalim ang tingin na ipupukol ni Zeke kay Xenon. Saglit na sisipat ang tingin niya pababa sa katawan ni Xenon at agaran itong babalik sa pagkontra ng tingin na tinatapon ni Xenon sa kanya. “Asa ka naman. Hindi ganoon kaganda ang katawan mo. Mukhang mas maganda pa nga ang katawan ni Ace o ni Ford sa ‘yo, lalo na ni Ford. Ang lakas ng dating niya,” ikokomento ni Zeke. Mawawala ang ngisi ni Xenon. Mapapalitan ito ng pagkaseryoso. “Mahal ko. . .” ibubulong nito sa mababang boses. “Sinabi ko nang-” Hindi matatapos ang sasabihin nito. Puputulin ito ni Zeke sa pagsingit niya. “Pero kahit mas maganda man ang katawan nila, ikaw pa rin ang nag-iisa kong mahal.” Inosente na ngingiti si Zeke nang nakatikom lamang ang bibig, magkalapat ang mga labi. Makikita ni Zeke ang pagbuntonghininga ni Xenon. “Mabuti na ‘yon malinaw tayo, mahal ko,” kalmadong isasagot ni Xenon. Maglalakad ito pabalik ng kama. At uupo sa gilid ng kama. Itutukod nito ang isang kamay sa kama. Haharap ito kay Zeke at ilalapit ang mukha sa mukha ni Zeke. Walang paghingi ng permiso nitong hinalikan si Zeke sa mga labi. Mabilis lang ito’t kumalas agad si Xenon nang may malaking ngiti. “Magandang umaga, mahal ko. Tumayo ka na riyan at magpalit ng damit, alam kong gutom ka na bago pa hindi ako makapagpigil at makain kita rito,” maloko na isasabi ni Xenon. Pasalamapk itong hihiga sa kama. Gagawin nitong unan ang mga kamay, ilalagay sa likod ng ulo na lalong magpapalakas ng s*x appeal nito’t tila inaakit si Zeke. Hindi kikilos si Zeke at nakatitig lamang kay Xenon. Kitang-kita na talaga ni Zeke nang malinaw ang hubad na katawan ni Xenon. Tanging ang boxer shorts lamang ang suot nito. “Hindi ka ba tatayo o mas gusto mo na ako ang kainin mo ngayon? Matagal-tagal na rin nang huli mo akong natikman, mahal ko.” Kakagatin ni Xenon ang ibabang labi. Walang hiya-hiya nitong inaakit ang kasintahan. Ngunit sa loob-loob nito ay hindi talaga ito seryoso, nagbibiro lamang ito. Sinusubukan lamang nito, nagbabakasakali na makapuntos kapag papayag si Zeke. Hindi naman nito pipilitin si Zeke kung ayaw ni Zeke na gawin ang bagay na iyon. “Ewan ko sa ‘yo.” Aaalis si Zeke mula sa kama at didiretso sa cabinet. “Mabuti pang magdamit ka na rin at isa pa, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.” Tatalikod si Zeke kay Xenon at bubuksan ang cabinet. Nakaayos na rito ang kanyang mga damit. Hindi na siya magtataka pa kung bakit maayos na ang mga ito sa loob. Sa kanilang dalawa, si Xenon ang ayaw na ayaw ng makalat, gusto nito maayos ang lahat ng bagay at hindi nakakalat sa kung saan-saan lamang. Mararamdaman ni Zeke ang paglapit ng presensya sa likuran niya. Ilang saglit nga lang ay may pupulupot nang mga bisig sa katawan niya’t may sisinghot sa kanyang leeg, mag-iiwan ng malambot na mga halik sa kaniyang leeg. “Hindi ba sinabi ko nang nasa ibang dimensyon ang Genesis. At walang araw na sisinag sa dimensyong ito. Tanging ang nag-iisang tila buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag dito. Pero ang oras pa rin ng mundo ang sinusunod namin dito upang hindi kami maguluhan sa kung anong oras na sa mundo,” ibubulong ni Xenon nang sobrang lapit sa tenga ni Zeke. Ang boses nito ay nang-aakit. Mapapatigil si Zeke sa paghablot ng damit nang kagatin ni Xenon ang tenga niya. Hahapitin nito ang kanyang katawan upang masara ang maliit na puwang sa pagitan nila. At kalaunan ay mararamdaman na ni Zeke ang matigas na bagay na lalapat eksakto sa may hiwa ng kanyang pang-upo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD