AN: Good evening guys! Na-miss ko kayo sa notif ko kaya ito nag-update ako. Salamat pala sa inyo sa mga comment niyo. ----------- Sa sobrang sarap ng tulog ko ay hindi ko na alam kung anong oras na ako nagising. Medyo nanlalata ang pakiramdam ko kaya kahit gising na ng diwa ko ay tinatamad pa akong bumangon. Wala na sa tabi ko si Anthony at sana'y naman na ako sa bagay na 'yon. Niyakap ko ang malambot na unan, masaya at tinatamad ang pakiramdam ko. Pero pinilit kong bumangon at naghilamos, napansin ko na maliwanag sa labas ng bintana at mukhang nasa alas diyes na siguro. Pagkatapos ko maghilamos ay lumabas na ako ng pinto. Pagbaba ko ay tahimik sa buong kabahayan at tangin sa kusina lamang ang may kaingayan kaya nagpunta ako agad doon. Pagpasok ko sa loob busy sa pagluluto si Linda ha