AN: Pasensya na po dahil hindi ako nakapag-update kahapon, sobrang sakit rin kasi ng ulo ko. Wala akong natapos gawin kahapon. :( ----------- Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa mga nangyari at hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kanila lang. Kamusta kaya si Margaret? Ok lang kaya siya? Napakasama ng mga kaibigan ni Melissa at nagawa 'yon sa kanila. Naawa ako sa sinapit nila pareho. Gusto kong lumabas para malaman kung ano na ang nangyayari kaso sabi ni Anthony dito lang raw ako sa loob ng kuwarto. Tumayo ako at sumilip sa bintana at doon nakita ko na may ambulansya na at nakahiga sa strecher si Margaret. Habang naroon si Anthony at ang iba nitong mga tauhan. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at namumulang mata ni Melissa ang nakita ko dito, natigilan ako at l