Kitang-kita ng dalawang mga mata ko na tumama sa likuran ni Mr. Ron ang upuang kahoy, dahilan upang bumagsak ito sa malamig na tiles.
Agad ko ring binuksan ang maliit na tracking device na nakalagay sa aking tainga. Upang makita ni boss Zach ang mga nangyayari rito. At alam kong mayamaya lang ay nandito na sila.
Mabilis din akong lumapit sa likuran ng lalaking may dala-dalang bata at ubod lakas kong himampas ang batok nito na malapit sa may ugat.
Singbilis din ng kidlat na pumunta ako sa harapan ng lalaki na may dala-dalang bata at agad kong inagaw rito ang hawak nitong paslit lalo na’t babagsak na rin ito.
Mahigpit kong hinawakan ang bata. Ngunit mabilis ko ring inikuyo ang aking ulo dahil may tatama sa batok ko. Ngunit umigkas papunta sa hulihan ang aking isang paa at ubod lakas kong sinipa ang taong nasa likuran ko.
Umikot ako papunta sa kanan ko. Pagkatapos ay muling itinaas ang isang paa ko upang salubungin nang sipa ang isa ko pang kalaban na papalapit sa akin. Sapol na sapol ito sa mukha niya.
Tumingin ako sa plastik na upuan na malapit lang sa aking tabi, pagkatapos ay agad kong inangat ang isang paa ko at ubod lakas kong sinipa ang upuan papunta sa lalaking papasugod sa amin. At sapol na sapol ito sa itlog nito.
Tumingin naman akong sa batang hawak ko at nakikita kong natutulog pa ito. Kung hindi ako nagkakamali ay pinaamoy nila ito ng pampatulog para siguro hindi mag-iiyak. Hindi puwedeng sobra sa pampatulog ang mga ganitong edad lalo at mga bata pa sila. Mga baliw na mga tao!
Hanggang sa bigla akong mapatingin kay Mr. Ron at nakita kong balak pa nitong bumangon, kaya naman liksi akong lumapit dito upang yapakan ang likod nito. Sa totoo lang ay asar na asar ako sa lalaking ‘to, dahil sa ginawa sa batang hawak ko.
Hanggang sa mapatingin ako sa pinto ng restaurant at nakita kong nandito na sina boss Zach. Halos wala na ring mga tao rito sa loob, sapagkat nagtatakbo na sila papalabas dahil siguro sa takot.
“Boss, kayo na ang bahala sa bata, kung ‘di ako nagkakamali ay panay ang paamoy nila ng pampatulog sa kawawang paslit na ito kaya hanggang ngayon ay ‘di pa rin nagigising,” anas ko kay boss Zach nang makalapit na ito sa akin.
Mabilis namang kinuha ng nurse na kasama ni boss Zach ang bata upang tingnan ang lagay nito. Ako naman ay agad na nagpaalam dito upang umalis dito sa lugar. Dahil mayamaya lang ay may darating na mga reporter.
“Agent Cm, sandali lang!” Bigla akong napahinto sa paglalakad nang mapatingin kay boss Zach at mukhang may sasabihin pa ito sa akin.
“Hindi pa tapos ang misyon mo, dahil hindi lang si Mr. Ron ang dapat nating hulihin. Ipapatawag na lang kita kapag okay na ang lahat, Agent Cm.”
“Boss, teka lang muna! Akala ko'y bakasyon ko na kapag na hulihin ko si Mr. Ron?!” tanong kong nagrereklamo sa lalaki.
“Sa susunod ka na magbakasyon, tutal naman nasimulan muna ang misyon ng grupong Black Fox Syndicate, eh, ‘di lubos-lubusun muna,” tuloy-tuloy na litanya sa akin ni boss Zach.
Nakangiwing tumingin ako sa aking boss na walang isang salita, ang sarap lang ninyong sipain!
Wala na akong nagawa pa nang sumang-ayon na lamang ako rito. Hanggang sa tuloy-tuloy na akong umalis ng restaurant, ngunit sa totoo lang ay masama ang loob ko, dahil ang bakasyong nais ko ay bigla na namang natunaw na parang bula ng sabon.
Pana’y tuloy ang hila ko sa aking buhok. Hanggang sa bigla akong huminto sa paglalakad dahil mag-aabang ako ng taxi na masasakyan ko.
Hanggang sa biglang kumunot ang aking noo nang may humimpil na mamahaling sasakyan sa harapan ko. Tumingin din ako sa likuran nito at may dalawang kotse rin ang nakasunod dito at tumigil na rin.
Mayamaya pa’y bumukas ang bintana ng kotse, hanggang sa tumambad sa aking harapan ang lalaking hinalikan ko at nakasuot ito ng sunglasses.
“Tiyakin ninyong mahuhuli ninyo ang babaeng magnanakaw ng halik,” narinig kong anas ng lalaki. Hanggang sa bigla akong bumaling sa dalawang kotse sa likuran noon at mga bumaba ang mga armadong lalaki.
Peste! Ano’ng balak nila sa akin? Huhulihin ba nila ako? Dahil ninakawan ko ng halik ang boss nila? Bigla rin akong napaurong dahil lumabas din ng sasakyan ang aking crush.
Anak ng tinapa! Hindi ako puwedeng mahuli nito. Kaya naman maliksi akong tumalikod ay matuling nagtatakbo papalayo sa aking crush.
“Make sure you get that girl and bring her to me!”
Lalo kong binilisan ang pagtakbo nang marinig ko ang sabi ng aking crush. Mukhang malalagot ako rito oras na mahuli ako nila. Bakit ba minsan ay kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko? Heto ang napapala ko.
Saka, ang galing naman ng lalaking ‘yun at nakilala ka agad ako? Nakasuot naman ako ng salamin sa mata pati face mask ay mayroon din. Pero natandanan pa rin ako.
Puwedeng natandaan nito ang aking suot na damit. Ganoon din ang aking buhok na kulay mais. Kailangan ko yatang magpaitim ng buhok ngayon upang ‘di nito makilala.
Muli akong lumingon sa likuran ko at nakitang patuloy pa rin nila akong hinahabol. Nalintikan na po! My Gosh!
Bigla akong huminto sa pagtakbo. Muli akong lumingon at nakikita kong malapit na sila! Pagkatapos ay tumingin ako sa kalsada, kailangan kong makatawid.
Hanggang sa mas matuling gumalaw ang aking katawan at nagtatakbo na para tumawid sa kalsada. Naririnig ko naman ang panay ang busina ng mga sasakyan.
“Magpapakamatay ka ba?!” sigaw ng mga driver ng mga sasakyan. Lumingon lamang ako sa kanila at muling nagpatuloy sa pagtakbo.
Nang may dumaang jeepney ay nagmamadali na akong sumakay sana lang ay hindi nila ako makita. Bigla ko na namang nahilot ang aking noo dahil na rin sa inis sa aking sarili. Minsan talaga ay pasaway pala ako? Bakit ngayon ko lang nalaman ‘yun. Parang bigla yata akong na stress, ah?
Dumaan ang ilang sandali ay tuluyan na akong nakarating sa tapat ng gate ng bahay ko. Ngunit bago pumasok sa loob ng bahay ko ay tumingin muna ako sa kaliwa, kanan at likuran ko, baka kasi may nakasunod sa akin. At nang alam kong wala ay nagmamadali na akong pumasok sa loob.
Nagbilin din ako sa security guard na huwag basta magbubukas ng gate lalo na kung ‘di naman kilalang tao.
Hanggang sa tuluyan na akong pumasok sa kabahayan at pumanhik sa aking kwarto. Sa banyo ako unang nagpunta para maligo. Lalo at amoy pawis na ang buong katawan ko dahil sa pagtakbo ng mabilis.
Pagkatapos maligo at maglagay ng damit ay muli akong lumabas ng kwarto ko. Sa sala ako pumunta at na upo sa couch, tumingala ako at nag-isip ng malamin.
“Ms. Cm, meryenda po muna,” anas ng aking kasambahay, sabay lagay sa harap ko ng maja blanca at juice.
“Thank you, ate,” anas ko at ngumiti ng matamis. Kinuha ko rin ang remote control para buksan ang tv. Ngunit biglang nanlalaki ang mga ko dahil ang bumungad ka agad sa aking harapan ay ang mukha ng crush ko.
Kinurap-kurap ko rin ang mga mata ko at baka namamalik mata lamang ako. Ngunit hindi, eh, siya talaga ang nasa loob ng tv habang ini-interview ng isang reporter.
Bakit ba ang gwapo niya? Ano bang pangalan niya? Kaya naman mas pinanood ko pa ang interview sa lalaking crush ko.
“Mr. Dash Max, hindi ko alakain na ma-i-interview kita, lalo at busy kang tao. Ngayon pa lang ay binabati na kita bilang magiging Presidente ng bansa.”
Nanlalaki ang mga mata ko. Tatakbo siya bilang presidente ng bansa? Bakit hindi ko alam ‘yun? Bigla ko ring natapik ang aking noo. Paano ko nga pala malalaman, eh, busy ako sa aking misyon at bihira lang manood ng mga tv.
Bigla rin akong nanlumo. At ngayon ay natatandaan ko na ito. Si Dash Max ay isang sikat na negosyante, ngunit sa aking pagkakaalam ay naging senator rin ito. Kaya pala ang lakas ng loob na tumakbo bilang presidente.
Sa tv ko lang siya nakikita noon. Ngunit nang makita ko siya sa personal ay mas gwapo pala siya. Hanggang sa muling nanlalaki ang mga mata ko dahil may pinakitang pictures sa tv.
Halos malaglag ako sa aking kina-uupuan dahil ako ang nasa picture. Kahit nakatalikod ako ay kilala ko ang aking katawan. Naku po! Nagkaloko-loko na po!
“Heto po ang trending ngayon, Mr. Max. At itong babaeng ito na basta ka na lang hinalikan, hmmm! Balita ko’y pinahahanap mo siya. Puwede ko bang malaman kung bakit gusto mo pa siyang hanapin?” tanong ng reporter.
“Sabihin na lang natin na gusto ko siyang kasuhan.”
Lalong nanlaki ang mga mata ko at awang din ang aking bibig.
Peste naman, oh!