bc

Agent Series 10: Toxic Lips ( SPG-R-18)

book_age18+
17.9K
FOLLOW
132.4K
READ
spy/agent
stalker
arrogant
dominant
boss
billionairess
twisted
nerd
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

Unang kita pa lang ni Cristine May Dua, kay Dash Max ay sumumpa na siya sa kanyang sarili na paaamuin niya ito. Hindi niya alintana ang pagsusuplado at panonopla nito sa kanya. Mas lalo siyang nagpursige na makuha ang lalaki nang matikman at nakawan niya ng halik nito.

Ngunit iba si Dash, sapagkat tila sukang-suka ito sa labi niyang may toxic daw.

Naniniwala pa rin naman si Agent Cm sa kasabihan na--- walang matimtimang lalaki sa babaeng matiyagang manuyo. Malakas ang fighting spirit niya na mapapasakanya ang isang Dash, ang lalaking ubod ng ilap.

Pero sadyang umaayon sa kanya ang tadhana. Nang malagay sa panganib ang buhay ng binata ay siya ang naatasang magbantay rito.

Sa pagsasama nila sa iisang bubong, magkaroon na kaya si Agent Cm na tuluyang maangkin ang lalaking sinisinta?

Abangan!

chap-preview
Free preview
Crazy woman 1
Walang pakialam na lumabas ako ng bahay na inuupahan. Kinuha ko rin ang kariton na aking binili at ngayon nga ay may laman itong mga bote at diyaryo. Hindi ko rin alintana ang init ng panahon na masakit sa balat. “Bote! Diyaryo!” malakas na sigaw ko. Habang tulak-tulak ang kariton. Ngunit ang mga mata ko ay malikot. Nakikiramdam din ako sa buong paligid. Mayamaya pa’y natanaw ko na ang kotse ng taong ilang araw ko nang sinusubaybayan. Pumasok ang sinasakyan nito sa isang malaking gate. Kaya naman dali-dali kong itinulak ang kariton papalapit sa gate. Nakita ko rin ang security guard. Hanggang sa bigla ring bumaling sa akin ang guard. “Kuya, baka may bote at diyaryo kayo riyan?” tanong ko sa lalaki, sabay ngiti ko at pinakita ko pa talaga ang ngipin kong maitim na tila ata ng pusit. “Walang bote at diyaryo rito! Puwede ba, umalis ka rito! Ang baho-baho mo!” bulyaw na sabi sa akin ng security guard. Mabilis ko namang inamoy ang dalawang kilikili ko. Ganoon din ang aking damit at baka may putok na nga ako. Ngunit wala naman akong naaamoy na kakaiba. Nag-isang linya tuloy ang kilay ko ng tumingin sa lalaking security guard. “Hindi naman ako mabaho, kuyang guard. Saka, kaliligo ko lang noong nakarang tatlong linggo. Kaya alam kong hindi pa ako nangangamoy putok,” katwiran ko sa lalaking kaharap ko. Ngunit ang mga mata ko ay maliksing tumingin sa loob ng gate. Lalo at hindi pa iyon isinasara ng lalaking guard na kausap ko. “Umalis ka na sa aking harapan at baka matadyakan pa kita. Saka, maligo-ligo ka naman, babae!” pasinghal na sabi ulit nito sa akin. Kulang na lang ay kasalin ako nito. “Aba’y hindi ka rin makulit kuyang guard. Sinabi ko na ngang kaliligo ko lang noong tatlong linggo kaya alam kong mabango pa ako! Teka nga muna, nakikiamoy ka na lang diyan, eh, nagrereklamo ka pa!” pasinghal ko ring turan dito. Nakita ko namang lalong sumama ang tabas ng mukha nito. Ngunit isang mapang-asar na ngisi ang binigay ko rito. Dahil sa labis na inis nito ay agarang kinuha nito ang upuan sa gilid, alam kong balak niyang ihampas iyon sa akin. Nagmamadali ko tuloy naitulak ang kariton para makalayo kay kuyang guard. Mamayang gabi ko papasukin ng bahay ni Mr. Ron. Kailangan kong malaman kung saan nito itinago ang anak nina Mr and Mrs Silas. Hindi ko na puwedeng patagaling pa ang aking misyon. Alam kong nagdudusa ngayon si Mrs. Silas, dahil ilang araw nang nawawala ang anak nito. Kaya nga lumapit na ang mag-asawa sa secret weapon ng bansa. Para mapabilis ang paghahanap sa bata. Ang pinaghihinalaan nilang kumuha sa anak nila ay walang iba kundi si Mr. Ron. Ayon sa mag-asawa ay ito lang daw ang puwedeng gumawa noon. Si Mr. Ron lang daw ang kalaban ng mag-asawang Silas pagdating sa negosyo. Nagsimula ang alitan ng dalawang pamilya nang hindi pinautang ni Mr. Silas, si Mr. Ron. Ayon naman kay Mr. Silas, paano pa raw niya papautangin si Mr. Ron, kung tambak-tambak pa ang utang nito sa kanila. Hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang isang negosyo nito. Subalit, hindi pa lumilipas ang isang linggo simula nang bumagsak ang negosyo ni Mr. Ron. Nang magulantang sila isang hapon na wala sa loob ng bahay nila ang nag-iisang anak. Tatlong taon pa lang ang edad ng bata, kaya labis-labis ang pag-aalala ng ginang. Malakas ang kutob ng mag-asawa na hawak ni Mr. Ron ang anak nila at baka raw naghihiganti nito. Sa ilang araw ko naman na palaging nakasunod ng palihim sa aking upang makakuha ng mga ebidensya ay roon na nga namin nalaman ang baho nito. Ayon sa mga nalakap kong mga ebidensya, si Mr. Ron ay kasapi ng Black Fox Syndicate. Ito lang naman ang grupong matagal na naming sinusubaybayan. Malaking sindikato ito, kaya hindi kami basta kumikilos. Dahil pinag-aaralan pa namin ang lahat. Ngunit ngayon, mukhang mapapabilis ang pagpuksa namin sa Black Fox Syndicate. Dahil si Mr. Ron ang gagamitin namin para malaman namin kung sino-sino ang mga kasapi ng grupong iyon. Sa ngayon, wala pa namang sinasabi si Boss Zach, kung sinong agent ang magpupuksa sa Black Fox Syndicate. Ang kailangan muna naming makuha ay ang kawawang bata, doon muna kami nakatuon sa ngayon. Marahas na lang akong napabuntonghininga. Dapat nasa bakasyon ako ngayon. Pero itong si Boss Zach, ay sadyang mautak. Dahil sa akin pa talaga binigay ang kasong ito, eh, kailan ko lang nalutas ang binigay nitong kaso, naku! Kahit kailan talaga ay walang isang salita ang boss namin na iyon. Ang sarap ibitin sa puno ng kamatis, nakakasura lamang! Sa patuloy kong paglalakad nang mabilis, habang tulak-tulak ang kariton ay may isang tao akong namataan. At basi sa description ko para sa lalaki--- He’s tall and very handsome. His face shows the authority he has and eyes speaks how evil he can be. Pero ang gwapo pa rin nitong tingnan. Kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa lalaking crush na crush ko simula nang makita ko ito kahapon lamang. “Hi, crush!” malakas na sabi ko para mapansin ako nito. Maliksing lumingon naman sa akin ang lalaki. Subalit, salubong ang kilay nito at tila hindi nito nagustuhan ang pagtawag ko rito na---crush. Ngunit hindi pa rin ako nagpaawat. “Puwede bang pahalik?” baliw na tanong ko rito. Hindi naman ako pinansin ng lalaking sinisinta ko. Nagpatuloy na lamang ito sa paglalakad. Siguro iniisip nito na baliw ko. Sa bagay sinong hindi mag-iisip noon, eh, sa itsura pa lang ng mukha ko at ganoon din ang pananalita ko’y mag-iisip talaga ito na may saltik ako sa ulo. Ang ginawa ko’y sinundan ko pa rin ang lalaking crush na crush ko simula pa kahapo. Gusto ko talagang mapansin ako nito, kahit nakakasuka ang pagmumukha ko. “Crush, kahit isang halik lang. Pagbigyan mo ang babaeng tuyot ang labi kasi walang humahalik,” muling anas ko ulit. “Don’t talk to me, crazy woman!” Ngunit hindi ko pa rin ito tinigilan. Sinundan ko pa rin ang lalaki. Kahit saan ito magpunta. Napansin ko rin ang hawak-hawak nitong attache case. “Crush, matanong nga kita. Ahmmm! Alam mo ba ang 69?” abnormal na tanong ko. Pero ang isipan ko’y humahagikhik sa tuwa. Lalo na nang huminto ito sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa akin. “Ops! Huwag naman berde ang utak mo, crush. Dahil ibang 69 naman ang sinasabi ko, ah!” anas ko pa na may kasamang pag-ungol. Lalo namang dumilim ang mukha ng aking crush.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
32.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
16.2K
bc

EASY MONEY

read
178.5K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
33.9K
bc

Dangerous Spy

read
310.6K
bc

YOU'RE MINE

read
901.4K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
199.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook