Nakita kong medyo namutla ang babae. Dapat lang na matakot ito. Dahil alam naman nito ang tungkol sa batas lalo sa pananakit sa mga bata.
“Si-Sino ka ba?” nauutal na tanong sa akin ng babae.
“Isang babaeng may alam sa batas. Hindi mo kailangan manakit ng bata. Saka, wala naman sa ‘yong ginagawa ang bata na ‘yan. Tapos kung saktan mo parang pinakakain mo!” mapang-uyam na sabi ko sa babae.
Bigla naman napatungo ang babae. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay ng babae. Pinatigil ko na rin ang jeep dahil bababa ako kasama ang bata. Ang mga pasahero ng jeepney ay hindi na rin nagsalita pa kahit na nang bumaba na kami ng bata.
“Ate, maraming salamat po,” anas ng bata sa akin at tila naluluha.
“Saan ka ba nakatira, bata?” tanong ko rito.
“ Sa lumang kariton lang po kami nakatira ng Inay ko,” malungkot na sabi ng bata sa akin.
Labis-labis na pagkahabag naman ang aking naramdaman para sa bata. Kaya naman niyaya ko ito kung na saan ang kariton nila. At agad naman akong isinama ng batang paslit.
Ilang hakbang lang ay nakarating na kami sa lumanga kariton na sinasabi ng bata. Hindi pa ako nakakalapit ay natatanaw ko na ka agad ang kariton. May takip itong sako na pinagdikit-dikit.
“Inay! Inay!” narinig kong pagtawag ng bata sa kanyang Inay.
“M-Mesie, mabuti naman at nakabalik ka na,” narinig kong sagot ng ginang na sana loob ng kariton.
“Inay, masakit pa ba ang ulo mo? Wala pa po akong nabibiling gamot,” malungkot na anas ng bata sa kanyang Ina.
“Huwag mo akong alalahanin anak ko. Ayos lang ako. Baka mamaya ay magaling na rin ako. Mayroon pa naman tayong isang pirasong tinapay dito. Ikaw na ang kumain nito,” muling anas ng ginang.
Nakakadurong ng puso ang ganitong kalagayan nila. Kaya naman agad kong hinawakan ang sako na nagsisilbing takip ng kariton. Hanggang sa tumambad sa harap ko ang isang babaeng balot na balot ng kunot. Alam kong nanlalamig ito.
Hindi ako nagdalawang isip na hawakan ang noo nito. At doon ko nalaman na inaapoy ito ng lagnat.
“Shit...” bulong ko. Pagkatapos ay dali-dali kong kinuha ang aking cellphone upang tawagan ang isa sa mga tauhan ko.
Agad namang sinagot nito ang pagtawag ko. At sinabi kong puntahan kami kung saan ako ngayon naroroon.
Hanggang sa i-off ko na ang aking cellphone at muling hinarap ang bata.
“Dadalhin ko ang Inay mo sa hospital. Dahil inaapoy siya ng lagnat,” anas ko sa bata.
“Ineng, salamat. Ngunit wala kaming pambayad sa hospital,” biglang singit ng ginang.
“Huwag po kayong mag-alala, Manang. Ako na po ang bahala sa lahat. Basta po magpagaling ka para sa iyong Anak,” anas ko sa ginang.
Nakita ko namang halos maiyak ang babae.
“Ngayon pa lang ay sobra-sobra na akong nagpapasalamat sa ‘yo, ineng. Sana’y palagi kang gabayan ng Diyos, dahil sa kabuhitan ng ‘yung puso,” anas ng ginang at tuluyan na ngang naiyak sa harap ko.
Magsasalita pa sana ako. Nang may humintong itim na kotse sa harap ko. Agad na bumaba ang dalawang tauhan ko.
“Ms. Cm,” panabay na pagtwag nito sa akin.
“Dalhin ninyo sa hospital ang Ina ng bata. Kayo na ang bahal sa kanila. At kapag gumaling na ihanap ninyo ng maayos na matitirhan,” utos ko sa aking mga tauhan.
“Sige po, Ms. Cm,” sagot nila sa akin.
Tumingin naman ako sa bata. Pagkatapos ay ngumiti ng matamis.
“Sila ang mga taong pinagkakatiwalaan ko, baby girl. Hindi nila kayo pababayaan. Gagawin ko ang lahat para matulungan kayo ng Inay mo,” anas ko sa bata.
“Ate, maraming salamat po,” umiiyak na sabi ng bata sa akin.
Hindi naman nagtagal ay tuluyan nang isinakay ang mag-ina sa loob ng kotse.
Napabungtonghininga na lamang ako habang sinusundan ng kotseng papalayo. Hanggang sa magdesisyon na akong umalis dito. Ngunit bigla akong napatingin sa kanan ko. Nang mamataan ko ang kotseng kulay puti.
Nanlalaki tuloy ang mga mata ko. Bukas din ang binata ng kotse nito kaya kitang-kita ko kung sino ang nakasakay roon, walang iba kundi ang aking crush.
Shit! Ang gwapo talaga nito. Hindi naman mabilis ang pagpapatakbo ng kotse nito. Kaya naman naghanap ako ng taxi para sumakay upang sundan ang sasakyan ng aking mahal.
Agad naman akong nakakita at dali-dali akong pumasok sa loob ng taxi.
“Kuyang driver, puwede bang pakisundan ng kotseng kulay puti na ‘yun? Huwag kang masyadong lalapit sa kanya. At baka makita tayo,” utos ko sa driver ng taxi.
Kakamot-kamot naman ito sa kanyang ulo. Nang tumingin sa akin. At para bang nag-aalala sa aking pinag-uutos sa kanya.
“Eh, Ma’am, baka naman makulong tayo niyan, dahil sa pagsunod natin sa kanya,” kabadong anas ng lalaki.
Busangot ang mukha ko nang tumingin sa driver. Ang sarap nitong sakalin. Ngunit nagtimpi pa rin ako. At ngumiti ng matamis dito.
“Huwag kang mag-alala, Kuya. Dahil asawa ko ang nakasakay roon. Gusto kong makatiyak kung mayroon siyang ibang babae. Sige na po kuya, sundan na natin siya. Para malaman ko kung may babae nga siya. Hindi siya puwede makawala sa aking paningin. At hindi ako papayag na may iba siyang babae!” galit-galitan na sabi ko sa driver.
“Ay! Ganoon ba, hija. At dapat talaga nating sundan ang ‘yung asawa,” sang-ayon din ng lalaki sa akin. Napangiti tuloy ako ng palihim.
Hanggang sa tuluyan na ngang patakbuhin ng lalaking driver ang taxi nito. Para sundan ang aking crush.
“Kuya, huwag kang masyadong didikit sa kotse niya at baka mahalata tayo,” bilin ko sa lalaki.
Gusto ko tuloy matawa sa aking sarili. Noong nakaraang araw lang ay nakaplano na sa utak ko ang mga dapat kung gagawin kapag tumanda ako. At ang unang plano ko’y magparami ng pera. At pagsapit ko ng 28 years old, ay roon naman ako mag-aampon ng bata bilang magiging anak ko na rin.
Saka, hindi na rin ako naghahangad na may magkakagusto sa akin. Lalo na sa uri ng aking trabaho. Ang isa pang napapansin ko’y walang naglalakas ng loob na ligawan ako, eh! Hindi naman ako pangit na babae?
Ngunit noong isang araw lang ay isa-isang nahulog ang mga planong binuo ko sa aking utak at tuluyang naglaho ito. Nang masilayan ko ang lalaking magpapakabog sa aking dibdib nang sobrang lakas.
At mula nang makita ko ang mukha ng lalaking crush ko’y hindi na ito nawala sa isipin ko. Kaya nga naglakas loob akong lapit ito. Iyon nga lang, dahil sa tuwing lalapit ako rito ay iba ang istura ng mukha ko dahil na sa misyo ako kapag nagkakagpo kami.
Kung puwede lang na iuwi ko na ang lalaki ay ginawa ko na sana. At sana lang ay may magbigay sa aking ng gayuma pa naman tuluyan ko itong makuha. Naku! Hindi ko talaga ito papalabasin ng aking kwarto. Upang hindi matingnan ng ibang babae. Dapat ako lang ang nakatingin dito.
Diyos ko po! Ano bang nanangyayari sa aking utak! Pakiwari ko’y sabog na ako.
“Ma’am, bigla pong huminto ang kotse ng asawa ninyo,” biglang anas ng driver sa akin.
Agad namang bumalik sa tamang katinuan ang utak kong naglalakbay kanina lang. Sumilip muna ako para tingnan ang kotse ng aking crush.
“Kuya, itigil mo na. Titingnan na natin kung bakit siya huminto. Baka mayroon siyang kakatagpuin na babae rito. Naku! Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan!” palatak ko pa upang maniwala ang lalaking driver sa akin, na asawa ko na ang pinasusundan ko rito.
Mayamaya pa’y bumukas ang pinto ng kotse ng crush ko. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na humakbang papasok ng Mall.
Dali-dali naman akong kumuha ng pera at agad kong ibigay sa driver.
“Ma’am, sukli po ninyo,” anas ng lalaki sa akin.
“Sa ‘yo na po Kuya,” sagot ko. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng taxi. Malalaki rin ang hakbang ko para sundan ang lalaking hinahangaan ko.
Gusto ko na talaga siyang ilagay sa loob ng sako. Pagkatapos ay dalhin sa kwarto ko at iposas doon. Teka! Gaano kaya kalaki ang kargada nito?
“Peste naman, oh! Nakakabaliw! Halikan ko kaya?!” malakas na bulalas ko at tanong ko sa aking sarili. Ngunit agad ko ring pinilig ang aking ulo. Dahil kung ano-anong kabastusan ang pumapasok sa utak. Baka masakal ako ng aking crush oras na halikan ko ito.
“Ay! Sayang maganda pa naman sana, kaso mukhang baliw naman!”
“Oo nga. Dahil kinakausap ang kanyang sarili. Sayang talaga!”
“Parang takas yata sa mental! Tingin mo sinong kausap niya? Ang anino ba niya?”
“Baka ang saliri niya, sa kanyang utak. Di ba, ganiyan ang mga baliw?!”
Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ko mga bulong-bulungan sa paligid ko. Kaya naman agad kong pinagala ang aking mga mata. At doon ko nakitang halos nakatingin sa akin ang ibang tao rito sa loob ng Mall.
“Pasensya na kayo kung na-isturbo namin kayo. . . Ano kasi. . . may meeting kami ng aking sarili. Nagbabalak kaming maghulog ng pera mula sa langit,” tuloy-tuloy na litanya ko. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng Mall.
“Nakakahiya, lintik naman, oh…!” bulong ko, na ako lamang ang nakakarinig.
Agad ko namang kinuha ang salamin sa aking mga mata upang hindi ako makilala ng nga taong nagkakita sa akin sa loob ng Mall na akala nila ay baliw ako. Inilugay ko rin ang aking buhok.
At dito ko na lang hihintayin ang crush ko sa labas ng Mall.
Hindi pa ako nagtatagal sa aking kinatatayuan nang matanaw ko ito. Inayos ko pa nga ang suot kong salamin sa aking mga mata. Para hindi ako makilala ng lalaki.
Ngunit biglang nagsalubong ang kilay ko dahil may kasama itong babae. Nakaramdam naman ako ng selos.
Kaya naman hindi na ako nag-isip pa. Malalaki ang hakbang papalapit sa crush ko. At nang tumapat ako sa harap ng lalaki ay walang sabi-sabi kong hinawakan ang batok nito. At pinaglapat ko ang mga labi namin.
Bahala na nga!