Kabanata 23

1427 Words
MIRA: NAGING matulin ang pagdaan ng mga araw na magkalayo na naman kami ni Mikael. Kulang na nga lang ay kaladkarin na ako ni Shiela papunta sa training namin. Nababagot ako na hindi kasama si Mikael. Kahit araw-araw naman kaming nagtatawagan ay hindi 'yon sapat sa akin. "Gusto mo?" Napasulyap ako sa alok ni Shiela na napapikit. On diet kasi kami ngayon kaya hindi pwedeng lumamon nang lumamon. "No, I'm good, Shie. Thanks," anito na ikinahagikhik nito. "Nami-maintain mo naman ang weight mo. Mag-exercise na lang ulit tayo mamayang gabi," pangungulit pa nito na sinubuan na ako ng kinakain nitong cheese cake. Hindi na ako umangal na tinatanggap ang mga sinusubo nito. Naka-break kasi kami at nandito sa sarili naming table. Isang linggo na lang bago ang final namin. Kabado ako pero mas nananaig ang excitement ko lalo na't darating ang mga mahal ko, kasama na si Mikael. Hindi ko pa formal na naipapakilala si Mikael sa pamilya ko. Alam ko namang matatanggap siya ng pamilya ko. Pero kahit gano'n ay kabado pa rin ako na ipakilala ito. "Look who's here," anito na ikinalingon ko dito. Napasunod ako ng tingin sa tinitignan nito at napaismid na makita si Allan na may dalang bouquet at matamis ang ngiting nilapitan si Brianna sa mesa nito. "Anong plano mo, pagkatapos nito, Mira?" tanong nito na ikinailing ko. "Wala naman, Shie. Eh kung. . .magpakasal na kaya ako kay Mikael?" Nasamid ito na sunod-sunod napaubo na ikinahagikhik kong inabutan ito ng tubig. Sinamaan naman ako nito ng tingin na ikinalapat ko ng labi. "Nagmamadali?" Napangiwi ako na nag-iwas ng tingin dito. "Baka lang kasi maagaw pa siya ng iba sa akin eh." "Tss. Pareho lang kayong baliw na baliw ni Kuya sa isa't-isa, Mira. Kaya imposibleng may makaagaw pa kay Kuya sa'yo," saad nito na ikinalapad ng ngiti ko. "Pero malay natin. . .nagkalat din naman ang mga higad sa paligid." Napalis ang ngiti ko na pinaningkitan itong napangisi. "Bwisit na 'to." Natawa ito na napabusangot ako. Malaki naman ang tiwala ko kay Mikael. Alam kong hindi siya gano'ng tipo ng lalake. Pero may punto din naman si Shiela. Kahit matino ang boyfriend ko, nagkalat sa paligid ang mga higad. Sa gwapo ba naman ni Mikael, imposibleng walang magtatangkang lingkisan ito. "Wui," pagkalabit nito na mapansing nalungkot ako. "Binibiro lang kita, ano ka ba? Hwag ka ng sumimangot. Sabado naman na bukas. Pupuntahan ka na no'n," pampalubagloob nito. Napanguso akong sinilip ang cellphone ko. Pero lalo lang akong nalungkot na wala pa ring message si Mikael. Nabanggit naman niya kaninang umaga na abala siya ngayon at friday na. "Hindi pa nga nagri-replay eh." Pagmamaktol ko. "Unawain mo na lang. Ikaw talaga. Ang mahalaga. . . mahal na mahal ka no'n at hindi nambababae." Bulong nito. "Akin na muna 'yan." Napasunod ako ng tingin sa kamay nito na kinuha ang cellphone ko. "Anong ginagawa mo?" pabulong saad ko na binuksan nito ang social media ko. "Kalma. May paglalaruan lang tayo," bulong nito na ikinakunot ng noo ko. Napalapat ako ng labi na pumili ito ng picture na kuha namin ni Mikael noong nakaraang dumalaw ito. Pinili nito ang magkahawak kamay naming kuha ni Mikael na sinadyang i-crop para kamay lang namin ang kuha. So grateful to have a supportive boyfriend. Namilog ang mga mata ko sa caption nito na kaagad in-upload ang magkahawak naming kamay ni Mikael! "Ano ka ba? Mamaya, makatunog sila sa akin ha?" pabulong saway ko ditong napahagikhik. "Eh 'di ba, sinasabi niyang siya si Miracle?" bulong nito na nginuso ang gawi nila Brianna at Allan na masayang naghaharutan. Napalapat ako ng labi na nahihimigan na ang laro nito. Napailing na lamang akong binawi na ang cellphone ko at muling itinago sa bulsa. MUKHANG effective nga ang laro ni Shiela. Mas lumakas kasi ang haka-haka ng mga kasamahan kong contestant na si Brianna si Miracle Madrigal. Ang iba ay disappointed na makumpirmang siya si Miracle. Ang iba naman ay natuwa na alam na nila ang mukha nitong buong buhay na nagtatago sa publiko. Mabilis ding nag-trending sa social media ang post nito at maging si Allan ay paniwalang paniwala na si Brianna nga si Miracle. Napapataas kilay pa ito sa akin sa tuwing magtatama ang mga mata namin na nginingisian ko. "Hi, can we take a picture?" Napalingon ako sa gawi nila Brianna na nagsilapitan na ang mga kasamahan namin na nagpapapicture ditong feel na feel naman. "Ano kayang mukha ang ihaharap niya'n sa publiko kapag lumantad ka na ikaw nga ang totoong Miracle," bulong nito na nakamata din sa gawi nila Brianna. "She's just embarrassing herself. Ano bang nakain niya at kini-claimed niyang siya ako?" pabulong sagot ko na ikinakibit balikat nito. "Siguro para maging maingay ang pangalan niya? Look at her. Ngayon pa lang ay hatalang buong-buo ang kumpyansang siya ang kokoronahan." Sagot naman nito na ikinanguso ko. Tama naman si Shiela. Maging ang mga kasama kong contestant ay nayayabangan kay Brianna. Akala mo kung sino itong umasta. Kaya hindi na kami nagtataka na walang lumalapit sa kanyang kapwa namin contestant. Pero ngayon na mas lumakas ang haka-haka sa paligid na siya si Miracle? Nilalapitan na siya at kinakaibigan. Pauwi na kami ni Shiela nang maabutan namin dito sa parking lot si Brianna na may ibang lalakeng kasama. Nangunotnoo ako na naipilig ang ulo. Kung hindi ako nagkakamali, kaaalis lang ni Allan na dumalaw sa kanya kanina. Pero heto at may bago na itong kinakalantari. "Ibang klase ang higad." Bulong ni Shiela na marahang kong siniko. "Ano ka ba? Mamaya marinig ka niya," mahinang saway ko dito. "Ano ngayon? Hindi ako natatakot sa kanya noh?" sagot naman nito na ikinailing ko. Natigil ang paghaharutan ng dalawa na malingunan kami ni Shiela na parating. Hindi namin ito pinansin na tumuloy lang kami sa kotse, katabi ang kotse ni Brianna. "Mukha yatang. . .wala ng oras ang boylet mo sa'yo, Mira?" wika nito na napaka-sarcastic ng pagkakasabi. Napataas ako ng kilay dito na ngumising humalukipkip. Yumapos naman sa baywang nito ang lalakeng kasama na nakamata din sa akin. "Hindi dahil wala siyang oras para sa akin, Brianna. Kundi. . . abala lang siya sa trabaho. Kaysa naman sa iba d'yan." Aniko na napahalukipkip. "May sapat na free time nga para sa girlfriend niya. . . pero pagkatalikod niya ay iba na naman ang nakalingkis sa mahal niya." Makahulugang saad ko na ngumisi ditong napalunok. "Excuse me, ako ba ang tinutukoy mo?" paninita nito na tumapang ang itsura at tono. "Ikaw ang nagsabi niya'n. . . hindi ako." Sagot ko na ikinaigting ng panga nito. "Akala mo naman kung sino ka? As if I didn't know na anak ka lang naman ng katulong. Mabuti nga at nakapasa ka pa sa audition. But if I were you? Nanatili na lang sana ako sa bahay ng amo ko at naglinis ng bahay. Mukha namang. . . bagay sa'yo ang trabaho ng ina mong katulong," pang-iinsulto nito na ikinataas ng kilay ko. Matapang kong sinalubong ang mga mata nitong nang-uuyam at matiim na nakatitig sa akin. "Walang masama sa pagiging katulong, Brianna. Kaysa naman sa iba. Akala mo kung sinong diamante na kumikinang. . . 'Yon pala ay huwad naman." Palabang sagot ko na ikinaningkit ng mga mata nito. "Hindi ka yata aware kung sino itong kaharap mo, Mira." Makahulugang saad nito na ikinangisi ko. "Bakit? Sino ka ba?" Ngumisi din ito na humakbang palapit. Napapalingon na rin sa amin ang iba. Maging ang mga kasama naming contestant ay nakiki-usyoso na. "Do you really wanna know who am I huh?" anito na ikinatango ko. "Yes. Bakit, Brianna. Sino ka ba?" sagot ko. Mahina itong natawa na napailing. Hinugot pa nito ang isang black card na ipinakita sa aming lahat na may ngising naglalaro sa mga labi. "Malinaw na ba sa'yo? Alam mo na ba kung saan mo ilulugar ang sarili mo?" sarkastikong saad nito na ikinalunok kong mabasa ang pangalang nakalakip sa black card nito. "OMG! Confirmed! Kayo nga po si ms Miracle Madrigal!" impit na tili ng mga kasama naming contestant na sinugod itong matamis na ngumiti. "Yes, you're right, ladies. Ako nga. . . si Miracle Madrigal. But please? Wala munang maglalabas nito sa social media. Alam niyo namang nagkukubli ako. At ayokong magulo ang pageant natin kapag nalaman nilang isa ako sa mga contestant," pagmamalaki pa nito na may matamis na ngiti sa mga labi. Natawa at iling akong tumalikod na dito na feel na feel any mga papuri sa kanya ng mga kasama namin. "Let's see. . . kung hanggang saan mo kayang panindigan ang ilusyon mo, Brianna Jones."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD