MIRA:
HALOS mapatalon ako sa sobrang tuwa na maabutan si Mikael na bagong dating ng parking lot dito sa condominium namin!
"Mayor ko!" tili ko na patakbong sinalubong itong natatawang mahigpit akong niyakap!
Para akong sinapian ng energy na nandidito na ito. Akala ko ay bukas pa siya darating. Pero heto at nandito na siya.
"How's your day, misis ko?" tanong nito na napasapo sa pisngi ko.
Tumingkayad ako na inabot ang mga labi nitong napapisil sa baywang ko na tinugon ang halik ko.
"Ang PDA," ingos ni Shiela na ikinahagikhik kong napabitaw kay Mikael.
Muli ako nitong niyakap na pinaghahalikan sa ulo. Napapikit ako na ninanamnam ang init ng katawan nito at ang manly scents nitong hinahanap-hanap ko.
"Nakakabagot. Mabuti na lang dumating ka na. Lumakas na ulit ako," kindat ko ditong napangiting napisil ang ilong ko.
"Pasensiya ka na, misis ko. Marami akong tinapos sa munisipyo. Hindi na rin ako nakatawag kanina nang bumyahe na ako dahil alam ko namang nagre-rehearsal kayo." Sagot nito na napahalik sa noo ko.
Magkayakap kami ni Mikael na sumunod kay Shiela na pumasok na ng elevator.
"I saw your post. Hindi kaya mapasama ang imahe mo sa publiko na sinabi mong may kasintahan ka na?" tanong nito na bakas ang pag-aalala sa tono.
"Bakit naman mapapasama? Isa pa, wala naman akong pakialam sa negative opinion ng iba. Ikaw at ako lang ang mahalaga sa akin," kindat ko ditong napalapat ng labi na pinamulaan ng pisngi.
Tumingkayad ako na hinahalik-halikan ito sa mukha. Nangingiti naman itong napipisil ang baywang ko.
"Mira naman. Harot-harot? Nasa elevator pa lang tayo." Pagalit ni Shiela sa aking napahagikhik na niyakap si Mikael.
"Pagbigyan mo na ako, Shie. Mis na mis ko ang mayor ko eh." Kinikilig kong sagot na ikinakurot nito sa tagiliran ko.
Tatawa-tawa naman si Mikael na ikinulong ako sa bisig nito. Hindi ko mapigilang singhutin ito na napakabango niya sa pang-amoy ko. Hindi kasi gano'n katapang ang perfume na gamit nito.
"I miss you more, misis ko. Hayaan mo, buong linggo tayong magkasama hanggang sa final niyo," saad nito na ikinamilog ng mga mata kong napatingala dito.
HINDI mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko na nakadikit kay Mikael at nagpapabebe dito. Pinaniningkitan naman kami ni Shiela sa tuwing maghahalikan kami kahit nandito itong kasama namin.
"Siya nga pala, mayor ko. Sa resort tayo bukas. Doon kami magre-rehearsal ng dalawang araw eh. Okay lang ba sa'yo?" saad ko na ikinatango nito.
"Oo naman, misis ko. Nagpunta ako dito para samahan ka. Para saan pa na nagpunta ako dito kung hindi kita sasamahan doon," sagot nito na ikinalapad lalo ng ngiti ko.
"Magiging abala kami kasi final week na namin. Nag-aalala lang ako na baka mainip ka."
"Nandoon naman ako, Mira. Sasamahan ko si Kuya at haharangin na rin ang mga lintang magtatangkang kapitan siya," saad ni Shiela na ikinalingon ko dito.
"Totoo? Babantayan mo ang mayor ko, Shie?"
Napailing naman ito na nagniningning ang mga mata ko na napakalapad ng ngiti sa mga labi.
"Opo. Kaya mag-focus ka sa rehearsal niyo, Mira. Ilampaso mo 'yong pekeng Miracle. Ipakita mo sa kanya kung sinong binabangga niya," sagot nito na impit kong ikinairit.
"Thank you, Shie. No worries, I'll do my best. . .sa final. Hayaan nating mamayagpag na muna si Brianna dahil rehearsal pa lang naman," aniko na ikinatango nito.
"Hanggang ngayon ba naman kini-claimed niyang siya ikaw, misis ko?" tanong ni Mikael na ikinatango ko.
"Yon din ang alam ng lahat kaya giliw na giliw silang asikasuhin ito. Hayaan mo na. Siya rin naman ang magpapahiya sa sarili niya," sagot ko.
MAAGA kaming umalis ng condo nila Mikael at Shiela. May nakalaan na transportation sa aming mga candidates kaya nakahiwalay sa akin si Mikael at Shiela ng upuan sa private plane namin patungong El Nido Palawan.
Tahimik lang ako sa sulok na nakamata sa tanawin sa labas ng bintana. Nasa harapan naman si Brianna at ibang candidates na nakipaglapit sa kanya at parang mga lintang dikit nang dikit dito magmula nang aminin niyang siya si Miracle Madrigal.
Tumayo ako na makadama ng wiwi kaya nagpunta na muna ako ng restroom. Habang nasa loob ng cubicle ay narinig kong bumukas ang pinto. Tinapos ko na muna ang pagwiwi ko bago lumabas ng cubicle at naghugas ng kamay.
Naabutan ko naman dito sa sink si Brianna na nagre-retouch ng make-up nito. Napataas pa ito ng kilay sa akin na inayos ko rin ang sarili katabi ito na nakatayo sa harapan ng salamin.
"Hwag ka ng mag-effort magpaganda, Mira. Wala rin namang magbabago sa itsura mo," pang-uuyam nito na ikinangisi ko.
"Tama ka. Hindi ko na kailangang mag-effort magpaganda kasi nga. . . maganda na ako." Sagot ko na ikinaigting ng panga nito. "Hindi katulad ng iba d'yan na kumakapit sa make-up para gumanda."
"Ang kapal talaga ng mukha mong binabangga ako noh? Akala mo kung sino ka," madiing asik nito na tinaasan ko ng isang kilay.
"Alam ko naman talaga kung sino ako, Brianna." Makahulugang saad ko na ikinalunok nito. "Eh ikaw. Alam mo ba kung sino ka?" dugtong ko.
Namula ito na nag-iwas ng tingin sa mga mata kong ikinailing ko na napahagod ng tingin sa kabuoan nito.
"Pero alam mo kung ano pa ang isang alam ko?" aniko na ikinalingon nito sa aking nakangisi sa kanya. "Alam ko kung sino si Miracle Madrigal. Malapit siya sa akin kaya nakatitiyak akong. . . hindi ikaw si Miracle," pabulong saad ko na iniwan na itong natuod sa kinatatayuan.
PAGDATING namin sa resort ay magiliw kaming pinatuloy ng mga staff.
"Welcome to Hera's exclusive beach resort, ms Madrigal. Nakahanda na po ang residential suite para sa inyo na pina-reserved niyo," magiliw na saad ng tatlong staff ng resort na sumalubong sa amin.
Napataas kilay ako kay Brianna na siyang inaakala nilang si Miracle Madrigal. Matamis itong ngumiti na inabot ang keycard sa mga ito at maarteng iniabot ang luggage sa mga staff na magiliw siyang inaasikaso.
"Thank you, guys. Hwag na lang kayong maingay ha? Please, respect our privacy." Saad nito na napakahinhin magsalita.
"Opo, ma'am. Makakaasa po kayo," panabay na sagot ng tatlo.
Sumabay ako sa mga ito na sumakay ng elevator. Nasa suite ko naman na si Shiela na naghihintay sa akin kasama si Mikael. Nahuli lang akong umakyat dahil kinausap pa kami ng manager namin at pinaliwanag ang mga gagawin namin sa two days stay namin dito sa resort.
"Uhm, excuse me, Ma'am?" ani ng isang staff na sa akin nakamata.
Napataas lang ako ng kilay dito na alanganing ngumiti. Habang si Brianna ay nakangising nakamata sa akin.
"Ma'am, sa ibang elevator na lang po kayo sumakay. VIP po kasi namin si Ma'am Briana," magalang saad nito na ikinangisi ko.
"So? VIP din naman ako. Sa residential suite ang room ko," sagot ko na ikinamilog ng mga mata nilang nagkatinginan sa isa't-isa.
"C'mon, Mira. Kami ba pinagloloko mo? Paano mo naman maa-afford magpa-reserved sa residential? Let me just remind you, mga katulong lang naman kayo. Ano 'to? Magsasayang ka ng malaking halaga para sa isang silid gayong gipit na gipit kayo sa pera?" pang-uuyam ni Brianna sa aking nginisian ko lang.
"Binanggit mo ang salitang panloloko. So, ibabalik ko ang tanong sa'yo, Brianna." Saad ko na ikinalunok nito.
Natahimik din ang tatlong staff na kasabayan namin sa sagutan namin ni Brianna dito sa loob ng elevator.
"Hindi ko ugaling manloko para iangat ang sarili ko, Brianna. Eh ikaw ba. . . hindi ka pa ba nanloloko sa tanang buhay mo?" makahulugang tanong ko.
Namula ito na napasulyap pa sa mga kasama namin. Nagpipigil sigawan ako dahil may iba kaming kasama dito sa elevator.
"How dare you talk to me like that. Akala mo kung sino ka. Eh anak ka lang naman ng katulong," mahina pero may kadiinang asik nito na ikinatawa ko.
"Anak ng katulong. Ako?" aniko na tinuro ang sarili. "Sigurado ka bang. . . anak talaga ako ng katulong?" makahulugang saad ko.
Sakto namang bumukas na ang elevator kaya iniwan ko na ang mga ito.
"Ma'am, hindi po kayo pwede dito. Isa lang po ang pwede dito sa residential suite. Baka sa ibabang floor po kayo," paghabol pa sa akin ng mga staff na hindi ko pinansin.
Huminto ako sa tapat ng pinto na bumaling sa mga itong kitang nag-aalala at panay ang paghingi ng dispensa kay Brianna na napahalukipkip at taas ng kilay sa akin.
"Dito ba ang silid mo?" Sarkastikong tanong ko kay Brianna.
"Yes. Dahil ang silid na ito. . . ay nakalaan kay Miracle Madrigal." Buong pagmamalaki nitong sagot na mahinang ikinatawa ko.
"Then open it." Panghahamon ko.
Napalunok ito na napasulyap sa mga staff na kasama namin. Hindi ito makakilos na buksan ang pinto.
"Ako na. Mukhang hirap na hirap ka," nakangising saad ko na kumatok sa pinto.
Napasinghap ang mga staff na kasama namin na bumukas iyon at niluwal si Shiela at Mikael na napangiting makita ako.
"There you are, original. Bakit ang tagal mo," wika ni Shiela na ikinahagikhik kong nakurot ito.
"Excuse me po, ma'am. Sino po sila? Mga kasama niyo po ba?" tanong ng isang staff kay Brianna na namumutla.
Hindi ito makasagot na biglang pinagpapawisan. Hinapit naman ako ni Mikael sa baywang na ikinasinghap ng mga ito.
"Ang girlfriend ko ang nakapag pareserved ng suite na ito. Kaya pwede ba? Dalhin niyo na sa baba ang made in China na 'yan," ani Mikael na ikinalapat ko ng labi.
Napahagikhik naman si Shiela sa tabi namin na pinamumulaan si Brianna at hindi makatingin sa mga staff ng diretso.
"Pero, Sir. Kay ms Miracle Madrigal po ang residential suite namin," nag-aalalang apila ng isa na sinang-ayunan ng dalawang kasama nito.
Ngumisi si Mikael na bumaling kay Brianna na napapalunok.
"Exactly. Kaya makakaalis na kayo." Sagot ni Mikael na nakamata kay Brianna. "Bakit, ms? Ikaw ba ang girlfriend ko kaya kini-claimed mo ang silid na 'to? Ikaw nga ba. . . si Miracle Madrigal?"
Namutla si Brianna na kitang-kita ang pangamba sa mga mata nitong hindi makaapuhap ng maisasagot.
"Pero Sir--"
Napalingon ang mga ito kay Brianna na patakbong nagtungo sa elevator na kaagad nilang sinundang natataranta.
"Ang galing mo do'n, mayor ko."
"Naman. May premyo ba ako, misis ko?"
"Aha. Ano bang gustong premyo ng mayor kong 'yan, hmm?" aniko na nakayakap sa baywang nito.
"Ikaw."
"Ako?"
"Yup."
"Eh. . ." napangiwi ako na nag-init ang mukha. "G-gawin na ba natin?"
"Ha? Ang alin?" naguguluhang tanong nito na ikinalapat ko ng labi.
"S*x."
"Fvck!"