FIRST KISS
Hating gabi na sila natapos uminom. Kaya lasing na lasing ang tatlo. Mabuti na lang tinulungan ako ni Ma'am, sa pag-akay sa tatlo.
"Sam, ikaw na maghatid kay Carl sa' kwarto nya. Ihatid ko lang ito sa isang kwarto si Jane," saad ni ma'am sa akin.
Medyo may kabigatan itong lalaki.
"Emhhh, ano ba?" mahinang sabi nito sa akin.
"Sir, huwag ka, malikot baka ma tumba tayo dito ang bigat mo, kaya?" reklamo ko sa lalaki.
Hindi nagtagal nakarating na kami sa kwarto nito.
Dahan-dahan ko sya hiniga sa kama nito.
Kinumutan ko ito upang hindi lamigin mamayang madaling araw.
Akmang aalis ako ngunit hinila nya ang kamay ko. Kaya napunta ako sa kinaroonan nito. At mamalala pa naka higa ako sa matipuno nitong katawan.
"Sir, alis na po, ako?" untag ko sa lalaki.
"Dito ka lang," sabi nito.
Lasing ba ito, o naglasing-lasingan lang.
"Sir, kailangan ko, na rin matulog anong oras na.
May trabaho pa ako bukas," pahayag ko sa lalaki.
Nagulat ako nang bigla nya akong hinalikan sa labi.
Lumaki ang mata ko sa ginawa nito. Hindi ako nakagalaw para akong manikin.
Lumalim ang halik na ginawa nito sa akin. At dahan-dahan rin bumaba ang kamay nito sa dibdib ko.
Agad ko naman pinigilan ang lalaki dahil alam ko lasing ito.
Kailangan ko na umalis dito baka may mangyari pa sa' amin dalawa.
Mabilis ako lumabas sa kwarto nito. Abot hanggang langit ang aking kaba. Pagdating sa kwarto ko humiga ako sa kama. Ngunit hawak-hawak ko pa rin ang aking labi. Pakiramdam ko namaga ito sa ginawa ng lalaki.
Kinuha ko ang salamin upang tingnan kung namaga ba ito.
Nginut hindi naman medyo mapula lang dahil kinagat ito ng lalaki.
Lintik unang halik ko iyon bakit kinuha lang nya.
Kung hindi lang sya lasing makatikim na sya sa akin kahit amo ko sya.
Makalipas kalahating oras nakatulog na rin ako.
Nagising ako sa tunog ng aking cellphone.
Tiningnan ko ang oras 6:00 am pa lang ng umaga . Mabuti na lang bago ako matulog kagabi nag set muna ako ng alarm.
Inayos ko muna ang higaan ko staka ako pumasok sa banyo. Hindi naman pwede ganito ako lumabas baka matakot ang alaga ko.
Makalipas 20 minutes natapos na rin ako.
Kaya lumabas na ako upang mag-almusal.
"Good morning, Ate' Sam?" ngiting bati ni John sa akin.
"Magandang umaga rin naman sa' yo," sagot ko sabay kurot ng kanyang pisngi.
Mahina lang naman iyon para hindi umiiyak.
"Sam, mag-almusal ka na tapos na kami. Nga pala,alis kami ng mga bata doon muna kami pasamantala aa bahay ng binan ko. May sakit kasi kaya kailangan nya alagaan," pahayag ni Ma'am sa akin.
"Sige po," sagot ko.
Ngunit kinabahan ako dahil dalawa na naman kami ni sir Carl dito. Lalo na may nangyari sa' amin kagabi. Huwag lang sana nya ma-alala na hinalikan nya ako. Baka magtago na ako sa kanya ag hindi na ako magpapakita pa.
"Nga pala, kamusta ang tulog mo?" muling tanong nito sa akin.
"Ayos lang naman po, Ma'am," tanging sagot ko.
"Mabuti naman kung ganun."
Hindi nagtagal lumabas si Jane buhaghag pa ang kanyang buhok.
"Bakit nasa ibang kwarto ako matulog?" tanong nito sa amin.
"Mabuti naman gising ka na Jane.
Mag-almusal ka na para maka uwi ka na sa bahay nyo!" untag ni Ma'am sa babae.
"Mamaya na lang ako uuwi saan si Carl?" balik na tanong nito.
Ramdam ko na ayaw ni ma'am sa nobya ng kapatid nito.
"Hindi ka naman siguro bingi hindi ba? Napunta ka dito kagabi maglasing lang. Ganyan ba gawain matinong babae!" seryosong saad ni Ma'am kay Jane.
Habang ako nakikinig ang ako sa dalawa.
"Pwede ba, ate ang aga-aga ang ingay mo?" untag nito.
" Hoy? Babae huwag na huwag mo, ako matawag na Ate. Dahil hindi kita kapatid kaya umayos ka. Kahit nobya ka ng kapatid ko hindi kita magustuhan para sa kanya," anas nito kay Jane.
" Sa ayaw at sa gusto mo? Malapit na kami magpakasal. Kaya good luck sa'yo?" pagtataray nito sa amo ko.
" Anong kaguluhan ito?" sabay naman ni sir Carl.
Napatingin ako sa lalaki.
Bigla ko tuloy na ala-ala ang nangyari sa' amin kagabi.
Kaya dahan-dahan ako umatras.
"Honey, itong kapatid mo, kung ano-ano sinabi sa akin. Hindi daw nya ako gusto para sa'yo?" sumbong nito sa lalaki.
"Ate naman ngayon pa ba, eh malapit ma kami magpakasal. Sana naman tanggapin mo, si Jane.
Nagtungo na ako sa kusina baka magkagulo pa dito lalo na itong si Jane nagsumbong pa sa' nobyo.
Kahit ako hindi ko nagusto ang ugali nito.
Nang matapos ako nagtungo muna ako sa labas upang magpahangin.
May punong mangga naman sa likod at may bunga pa ito. Naisipan ko kumuha siguro hindi naman magagalit si ma'am kung kukuha ako kahit isa lang. Bigla kasi ako na takam sa manggang ito lalo na malaki pa ang mga bunga nito.
Pagdating sa asim paborito ko talaga.
Minsan sinabi na ako kung naglilihi ba ako sa' mangga. Aba't advance silang mag-isip eh ni nobya nga wala ako anak pa kaya.
Mabuti na lang may panungkit akong nakita. Kaya nag-umpisa na ako kumuha.
Nakakuha ako ng dalawa kaya binalik ko ulit ang panungkit.
"Sino may sabi sa' yo, na kumuha ka ng mangga!" boses mula sa likod ko.
Dahan-dahan ako lumingon sa likod ko. Ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ko si Sir Carl. Seryoso ito nakatingin sa akin para bang gusto nya ako balibagin sa mga tingin nito.
"Ikaw pala, sir, gusto mo, ng mangga?" anas ko sa kanya.
Sa mga oras na ito gusto ko tumakbo papalayo sa lalaki.
"Hindi ako katulad mo, na patay gutom.
Sa susunod na makita pa kita dito lagot ka sa akin.
"Sir, alam ko nagkamali po, ako at hindi ako nagpaalam sa inyo, na basta na lang ako kumuha ng hindi akin.
Hindi na po, maulit sir," pahayag ko sa lalaki.
Tumalikod lang ito sa akin na parang walang narinig.
Ang sama talaga ng ugali ng lalaking iyon. Masama ang loob ko pumasok sa loob ng bahay dala ang manggang kinuha ko. Ang masakit kasi sa part na sinabihan ako patay gutom.
Ang mahirap sa taong mayaman masyado mapagmalaki sa kapwa.
"Sam, umiiyak ka ba?" tanong ni Ma'am, Grace sa akin.
Namula kasi ang aking mata. Tila galing sa kakaiyak.
"Hindi po', na puwing lang po, ako?" pagsisinungaling ko sa amo ko.
"Sam, inaway ka ba, ni Carl?" muling tanong nya sa akin.
"Hindi po," tipid na sagot ko.
Hindi ko na dapat palakihin ang gulo lalo na ayaw ko silang mag-away dahil lang sa akin.
"Parang hindi iyan ang nakikita ko, sa' yo. Huwag kang matakot sabihin mo, sa akin," untag nito sa akin.
"Ma'am, kasi po, sinabihan ako, ni Sir. Na Patay gutom kumuha po, kasi ako ng mangga sa likod at nakita nya ako. Kasalanan ko naman po, dahil hindi po, ako nagpaalam bago ako kumuha?" mahabang salaysay ko sa amo ko.
" Ano? Sinabi talaga ang iyon ni Carl.
Ako na humingi ng tawad sa nangyari. Hayaan mo, kakausapin ko ang katapid ko."
" Salamat po," saad ko.
Mabuti pa itong si ma'am Grace ang bait nya.
Kaya swerte ako sa amo ko dahil maganda na at mabait pa.
Kabaliktaran naman kay Sir Carl.