KABANATA5

1103 Words
SAM POVS Isang buwan na ako dito sa bahay ni ma'am Grace. Ngunit hanggang ngayon galit pa rin sa akin si sir Carl. Habang naka upo ako sa upuan bakal dito sa labas bigla naman tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito si Edward pala ang tumawag. Kaya sinagot ko ito sabay lagay sa tenga. "Hello, bakit napatawag ka?" bungad ko sa kabilang linya. "Namiss lang kita kaya tumawag ako sa' yo. Nga pala kamusta ka dyan," mahabang salaysay nito sa akin. "Ayos lang naman ikaw?" balik na tanong ko. "Okay lang dahil nakausap na kita. Nga pala pupunta ako mamaya dyan sa bahay ni Carl," untag nito sa akin. "Anong gagawin mo dito? " takang tanong ko. " May usapan kasi kami ni Carl kaya ako na ang pupunta dyan," anya nito sa akin. " Ganun ba, " tipid na sagot ko. "Oh, bakit ang lungkot ng boses mo? Inaway ka na naman ba, ni Carl!" seryosong tanong nito sa akin. "Hindi pagod lang ako, sige magpapahinga na ako," saad ko sa kabilang linya. Mabuti na lang hindi ito nagtaka. Tinago ko ulit ang cellphone ko sa bewang ko. "Sam?" tawag ni Ma'am sa akin. Agad naman ako sumagot sa amo ko. "Ano po', yun Ma'am," sagot ko. "Pakilinisan mo naman ang kwarto ni Carl. Habang wala pa sya sa kwarto nya?" utos ng amo ko. "Sige po," tipid na sagot ko Kumuha ako nang panlinis sabay pasok sa loob. Ang totoo natatakot ako pumasok sa kwarto ng lalaki. Baka kung may mawala pa dito ako ang pambibintangan nya. Kalahating oras rin ako naglinis sa kwarto ni Sir Carl. Maya't-maya natapos ako sa paglilinis kinuha ko na rin ang damit nito upang isalang sa washing machine. Ngunit paglabas ko sya naman papasok sa loob. Kaya nagulat ako at nabitawan ko ang basket na dala ko. "Anong ginawa mo, sa kwarto ko nagnakaw ka no?" untag nito sa akin sabay hawak sa braso ko. "Sir, hindi po," sagot ko. "Eh bakit nasa loob ka. Kung hindi ka nagnakaw!" seryosong saad nito. " Naglinis lang po, ako sa kwarto mo, Sir," mahina kong saad. " Sinungaling ka, habang wala ako sinamantala mo?" galit na sabi nito. " Sir, hindi po, nagsasabi po, ako ng totoo," natatakot na sabi ko. Baka kasi ipakulong nya ako wala pa naman akong pera. " Carl? Bitawan mo, sya?" untag ni Ma'am, Grace. Sabay kami napalingon. " Anong ginagawa mo, kay Sam. At bakit galit na galit ka?" saad nito sa kapatid. " Ate, may kinuha si Sam sa kwarto ko. Nagkunwari sya na naglinis !" sumbong nito sa ate. Habang ako nakayuko. " Carl? Ako ang nag-utos sa kan'ya na linisan ang kwarto mo. Dahil madumi na ito kung ano-ano dinadala mo, sa loob!" anas nito sa kapatid. " Sam, ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin. Medyo masakit lang ang braso ko dahil mahigpit hinawakan ni sir. Ngunit hindi ako nagsabi kay ma'am. Baka malala pa ang gulo kaya tatahimik na lang ako. "Ate, sinabi ko, naman na huwag na huwag syang papasok sa kwarto ko!" malakas na sabi nito. " Bakit? Dahil ba sa' babae mo?. Akala mo ba natutuwa ako sa tuwing nandito ang babaeng iyon Carl," saad nito sa kapatid. " Wooohh, ate hindi ito tungkol kay Jane kaya huwag natin idamay!" seryoso nitong mukha tila hindi nya nagustuhan ang sinabi ng ate. Kaya sya na lang ang kusang tumalikod. "Sam, pagpasensyahan mo na ang kapatid ko. Ganun talaga sya ayaw nya may ibang nakapasok sa kwarto nya Kung hindi kita inutusan hindi sana nangyari to," hingi nito ng paumanhin sa akin. "Ayos lang po, ma'am. Teka bakit po, ba ayaw nya na may ibang nakapasok sa kwarto nya?" tanong ko sa amo ko. "May dati kasi kaming katulong ninakawan kami halos mahalagang gamit ni Carl na tangay. Hindi namin alam kung saan nagpunta kahit ang mga pulis hindi matukoy kung saan ang babaeng nagnakaw sa bahay namin?" mahabang salaysay nito sa akin. Kaya pala naging ganun ang reaction ni sir Carl. Hindi ko naman masisi ang lalaking iyon. Ako na lang mag adjust sa bahay na ito. "Sya maiwan na kita pupunta pa ako sa' bahay ng nanay ng Asawa ko. Mamayang gabi ako uuwi," pahayag nito sa akin. Tumango lang ako sa amo ko. Hanggang ngayon sapo-sapo ko pa rin ang braso ko masakit. Habang naghugas ako ng platong pinagkainan ko. Maya't-maya, may nag doorbell. Agad ko pinunasan ang kamay ko sa dami ko upang tingnan kung sino ang nasa labas. Si Edward at si Jane magkasama pa ang dalawang dumating sa bahay. Ngumiti ako sa dalawa para naman wala silang masabi sa akin. Ngunit itong si Jane inikutan lang ako ng mata. Akala mo, naman sinong maganda. Eh maputi lang naman sya . "Sam?" ngiting saad ni Edward. Ang totoo nyan hindi ako kumportable kapag nandito si Edward. Hindi ko ba, alam parang nahiya ako. Paano ba kasi panay ang panliligaw nya sa' akin. "Maupo, ka dito. Anong gusto mo, inumin?" tanong ko sa lalaki. "Juice lang ayos na," saad nito sa akin. Kaya kumuha na ako ng juice. Isang baso pang ginawa ko dahil wala si Jane nasa kwarto na naman ni Sir. Pagkahatid ko ng juice agad din ako nagpa'alam sa lalaki. Sinabi ko na rin na hintayin nya dito si sir Carl. Habang ako naman nasa kusina nanood ng you tube. "Sam! Ilabas mo, ang alak gumawa ka na rin ng pulutan?" utos ni sir Carl sa' akin. "Opo, " tipid na sagot ko sa lalaki. Habang hinahanda ko ang kailangan ko bigla naman sumulpot sa harap ko si Edward. "Pwede ba kita tulungan?" nag-alangan na sabi nito. "Naku, po' hindi na kaya ko naman kahit hindi mo, ako tulungan. Isa pa trabaho ko ito baka mapagalitan pa ako," saad ko sa lalaki. " Ma tanong lang kita Sam. Iniiwasan mo, ba ako?" tanong nito sa akin. " Iniiwasan, hindi ah?" pagsisinungaling ko. " Kung hindi bakit sa tuwing nakikita mo ako umiiwas ka. May nagawa ba, akong mali," untag nito sa akin. "Naku baka, guni-guni mo lang yun Edward. Sige na bumalik ka na doon tapusin ko lang ito," sagot ko sa lalaki. Mabuti na lang umalis na ang lalaki. Kailangan matapos na ito bago bumalik si Sir dito. Maya't-maya natapos ko na ang inutos nito. Hinatid ko kung saan sila naka upo. Kahit nag-alangan ako wala akong nagawa. Nilakasan ko ang loob ko. "Sir, heto na po," yukong saad ko. Isa-isa ko inilapag ang dala ko sa mesa. Pagkapos umalis na ako sa harap nila. Nakahinga ako ng maluwag nang makalayo na ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD