"What are you doing here?" Kunot noong tanong ni Vincent sa kanya. Mabilis n'yang nilayo ang sarili rito. Pupungay-pungay pa ang mga mata nito. Marahil dahil antok na antok talaga ito, at naupo sa malaking sofa. Hindi naman n'ya alam ang gagawin at kung ano ang sasabihin. "May problema ba Ella?" Nagtatakang tanong nito sa kanya. "Bakit narito ka sa Library, hindi ba dapat nasa labas ka?" Nagtatakang tanong nito. Napalunok s'ya at humugot ng malalim na paghinga at tumingin ng deretso sa mga mata nito. Pasimple n'yang hinimas-himas ang bracelet na regalo nito sa kanya, na tila ba humihingi s'ya ng lakas ng loob sa bracelet na masabi rito ang damdamin n'ya para rito. "What's wrong Ella? What happened?" Nagtataka pa ring tanong nito. Nang halos hindi pa rin s'ya kumikibo at nanatili lang