Pagmulat ng mata, nasa tabi ang Lola Luisa n'ya. Nag-iiiyak s'ya nang maalala ang mga nangyari sa Library. Ang gulong nilikha n'ya sa kagustuhang ipaalam kay Vincent ang nararamdaman n'ya para rito. "Si Vincent po?" agad na tanong n'ya sa lola. "Nasa library pa sila. Naguusap-usap sila. Kung ano ba ang dapat gawin sa nangyari," sagot ng Lola n'ya. Napagalaaman n'ya sa lola n'ya na agpapaplano ang mga magulang n'ya at mga magulang ni Vincent na ipakasal sila. Para daw mapagtakpan s'ya sa kahihiyan. Bagay na alam n'yang mas ikagagalit sa kanya no Vincent. "Huwag ka ng umiyak. Lilipas din ang lahat,' sabi pa nito. Dahil patuloy ang pag-iyak n'ya. Niyakap s'ya ng kanyang lola at lalong napahagulgol ng iyak. Pareho pa silang napapitlag ng bigla silang may marinig na sunud-sunod na pag bas