Natasha's POV Nagising ako na masakit ang aking ulo. Naka tulog pala kaming dalawa ni Glenda, dito sa sofa kagabi. Masakit din ang tiyan ko, dahil siguro sa alak na nainom ko. Parang hinihiwa ang loob ng tiyan ko sa hapdi, samahan pa ang pagkulo nito na parang naglalaban ang lahat ng laman nito sa loob. Agad din akong tumayo at patakbong nagtungo sa banyo ng guestroom. Bigla na lang kasing sumama ang pakiramdam ko at gusto ng lumabas ang lahat ng laman ng aking tiyan. Kamuntik pa akong madulas, dahil sa kamamadali ko. Agad akong pumasok sa banyo at lumapit sa toilet bowl, para ilabas lahat ang mga ikinasasama ng tiyan ko. May Hyperacidity ako at ipinag babawal na sa akin ng Doctor ang alak. Pero hindi ko naman maiwasan ang hindi uminom, lalo ngayon na may problema ako. Matapos kong m