Matapos kaming kumain ni Sir James, ay magkatulong din kaming dalawa na niligpit ang lahat ng mga ginamit namin. Naubos din namin lahat ang mga niluto namin, kaya busog na busog kaming pareho. Masarap palang kumain kapag ang kasama mo ay isang heartthrob. Ang simpleng pagkain na aming pinag saluhan ay naging special, dahil na rin sa kasama kong super duper guwapo at maginoo. Hindi na rin ako nailang pa kay Sir James, dahil alam kong isa siyang mabuting tao. Matapos namin ligpitin ang lahat ng mga kalat namin ay umakyat na rin kami sa kuwarto. Nagpaalam na rin akong maliligo muna. Hinayaan naman ako ni Sir James, dahil gusto daw niyang bumaba ulit at magpahangin. Kaya ako na lang ang naiwan dito sa kuwarto. Binuksan ko ang malaking Cabinet, upang maghanap ng aking maisusuot. Hindi kas