Crossed Paths: Chapter 1

3328 Words
The Manghahabi in Freedom City Arc   Chapter 1 to Chapter 13 “Victory!” sigaw ng lalaki matapos masira ng teammates ko ang tore ng kalaban. Binaba ko ang game phone at sinulyapan ang orasan na nakapatong sa isang rack. Alas dose y medya na ayon dito. Tinanggal ko ang teddy bear designed face mask na nakagawian ko na naming isuot tuwing nag nakabroadcast at live na napapanood ng mga tao sa internet.   “Good job, guys! We nailed it again,” pagbati ko sa mga kakampi ko na akala mo ay actual ko silang kasama. “Anu, isa pa ba?” agad kong tanong sa mga ito sabay tingin sa widescreen monitor, kung saan connected ang camera at gaming phone namin. Mula sa monitor ay nakita ko ang apat kong mga kasama na naka-thumbs up. Senyales na pumapayag ang mga ito na muling maglaro. Kunsabagay, ngayon lang ulit kami nakapaglaro matapos ang tatlong linggong pagsosolo. Solaris: Rise of Champions—ito ang pinakasikat at updated game sa buong Taiwan Metropolis Freedom City, kung hindi man sa buong mundo. Isa itong online game na ginagamitan ng advance phone o mas  kilala sa tawag na game phone. Isang uri ng high-technology phone na sadyang ginawa para sa e-games. Kung titingnan ay malaki na rin ang pag-evolve ng e-games sa bansa sa tulong nang nangungunang e-game company, ang Solaris Technologies. Ang nasabing kumpanya ay isa sa mga company na pag-aari ng LIRA Group. Pero sa kabila ng pagiging tanyag ng kumpanyang ito ay walang nakakaalam kung sino-sino ang nagmamay-ari nito. Ang tanging alam ko lang ay maiilap ang mga ito sa media.    Kung dati ay pwede ka na maglaro basta may “smartphone” ka, ngayon ay hindi na dahil ang mga ito ay gamit na lamang para sa pag-text at pagtawag. Ibang klaseng phone ang ginagamit ayon sa istilo ng lifestyle o paggagamitan. Tulad na lang ng mga brainiacs o 'yong mga mahihilig magbasa at mag-research. Ang kadalasang gamit nila ay Britanica Phones at sa kagaya kong e-gamer, game phone naman ang gamit namin.  Ang game phone ay unang pinakilala ng Solaris Technologies kasabay nang paglabas ng unang tatlong e-games na dinevelop nila limang taon na ang nakakalipas. Isa na rito ang Solaris: Rise of Champions na hanggang ngayon ay pinagkakaguluhan pa rin ng mga tao sa kabila ng paglabasan ng mga bagong e-games. Marahil, ay dahil ito sa maayos na updates at dekalidad na development ng related equipments. Tulad na lamang nga ng ginagamit namin ngayong version, ang “Solaris: Emperor’s Eye” series. Inilabas ito dalawang linggo na ang nakalilipas pero limited lamang sa mga top ten clan na naka contract sa Solaries. Layon nito ay upang mapag-aralan pa ng husto ang quality ng produkto at makakalap ng impormasyon kung paano pa mapapabuti ito bago pa man ilabas sa world market. Ang e-game line equipment na ito ay naglalayong makapag-interact ang mga magkakakampi. Gamit ang Emperor’s Eye wide screen monitor na may built-in na HD camera, nakikita mo nang live ang mga kakampi mo bago pa man magsimula ang laro. Connected din sa monitor ang Emperor’s Eye game phone na sa pagkakaalam ko ay may tatlong klase. Pero kung ako tatanungin ay mas gusto ko 'yong Emperor’s Eye pro version. Maayos din kayong makakapag-usap gamit ang headset nito. Pero kung gusto mo na parang live audience lang ang sound ay pwede namang gamitin yung theatre speaker nito. H’wag na lang ninyo ako tanungin kung magkano, dahil kahit ako ay hindi ko kayang bilhin ito. At kung magtatanong kayo kung bakit ako nakakapaglaro ng ganito? “Arkie! Arkie, baka naman gusto mong kumain muna?” Well, nakikigamit lang talaga ako. 'Yong tumatawag ang tunay na may ari nitong gaming room kung saan ako ngayon. Pati din pala ang condo niya ay ginagamit ko din.  Nakita kong dumungaw sa pinto ang lalaking pinagpala sa mukha, katawan, at higit sa lahat, sa ugali. “Who’s playing with you?” tanong nito sa boses na mai-in love ka. “Sa lapad nang bago mong monitor hindi mo kilala mga 'yan?” balik tanong ko sa kaniya sabay turo sa eighty-six inches screen monitor niya. “Hey, bro! What’s up?” Narinig kong bati ni Rigo AKA IamBloodlust. “Jeremy is in the house guys!” sabat naman ni Alex AKA IamCliffhunger. “One game oh, one game naman tayo r'yan, ” panunukso naman ni Drew AKA IamWolverine sabay tawanan ng iba pang nasa screen. Napailing naman si Jeremy habang pangiti-ngiti ang loko. Agad naman akong tumayo at hinila ito sa bakanteng gaming chair at dinampot ang isa pang Emperor’s Eye Pro gaming phone na ready to use na rin naman, dahil parehong naka-connect ito sa monitor. Isa pang kagandahan sa Solaris: Emperor’s Eye series ay kaya nito ang higit pa sa number of players ang kayang maka-connect dito. Bukod kasi sa seven player ay may tatlong reserba ito na p'wedeng maging player agad-agad, kung biglang umayaw ang isang main player. “Oh, assist ninyo itong best friend ko, ha? Kapag 'yan nagsumbong sa 'kin, lagot kayo sa 'kin, ” pagbibiro ko. “Para mo namang sinabing napaka-weak ko!” sagot ni Jeremy habang nagla-log in. IamPrinceCharming ang game name na gamit niya. “Bakit, pre, hindi ka rin naman strong, eh.” Si Jonas AKA IamPekingDuck sabay halakhal. At muling napuno ang game room ng tawanan. Ilang sandali pa ang nagdaan ay naging seryoso naman ang aura ng buong game room. Nagsimula na kasi silang maglaro. Jeremy is the tactician. May sa pagka-perfectionist lang ang mokong, kaya precise dapat ang mga galaw lalo pa’t may kagalingan din ang mga kalaban.  Sina Rigo, Alex, Drew, at Jonas ay kabilang sa unang Solaris Clan na kinabibilangan namin ni Jeremy noong nag-aaral pa lang kami sa college. Ang totoo n'yan ay si Jeremy ang ka-close ko, dahil siya ang palagi kong nakakasama. Naging classmate naman ni Jeremy 'yong mga nauna sa junior high. Noong tumuntong sila ng senior high ay roon naman kami nagkakila-kilala. Naging close na rin ako sa iba, dahil madalas ay kasama ako sa mga lakad nila. Masasabi kong galing sa may mga kayang pamilya ang lima, kaya madalas ay napapasabak ako sa mga issue na hindi maganda. Lalo na sa mga babaeng umaaligid sa kanila.  Isa akong student assistant noong mga panahong 'yon. Nakakapag-aral ako sa pangmayamang paaralan dahil sa pagtulong sa mga office ng school. Isang teacher sa pinasukan kong junior high school ang nagrekomenda sa akin noon. Hindi na ako humindi dahil gusto ko talagang makapagtapos, kahit kontra pa ang tiyahin kong hindi ko malaman kung bakit galit na galit sa akin. Idol niya 'ata si Miss Minchin. Mukha lang akong si Sarah, pero hindi ako prinsesa. Sa kabila ng pagiging mahirap ko ay hindi naging hadlang 'yon upang maging kaibigan ko si Jeremy at ang mga tropa nito. May instances ngang pinariringgan na ako ng ilan sa mga estudyante, lalo pa at alam ng nakararami ang s****l preference ko. Natatawa na nga lang ako sa mga inaasal nila. Hindi naman ako apektado dahil alam ko sa sarili kong wala akong ginagawang masama.  Pero minsan nakakapuno rin ang mga taong makikitid ang utak. Kaya may time na iniwasan ko sila ng very slight. Pero no effect ang ginawa ko dahil mas lalong naging malapit ako sa kanila lalo pa’t hindi natutuloy ang plano kung hindi ako sasama. Ewan ko ba kung bakit sila ganoon. Sa huli napag-alaman kong sinasadya nila 'yon para makonsensya ako at sumama na lang. Which is effective na plano. Sa huli, hindi ko na pinag-iintindi ang mga taong walang magawa. At the end of the day naman, alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama kahit tempting ang mga hin*yupak.  Sa kabila ng pagiging mayaman ay mahahalata mo sa lima na pinalaki sila nang maayos ng mga magulang nila. Hindi sila nanghahamak or nang-aabuso. Napapaaway sila pero hindi humahantong sa basag-ulo. Well, wala namang naglakas-loob. Marahil ay natatakot dahil hindi lang sa e-games magagaling ang mga 'to. Napag-alaman ko kasi na mga black belter pala ang mga 'to sa taekwondo. Naging bonding naming anim ang paglalaro ng e-game. At dahil wala akong game phone ay madalas game phone ni Jeremy ang gamit ko. Manghang-mangha pa nga sila dati kasi raw parang hindi naman ako baguhan sa laro. Kaya hinikayat ako ni Jeremy na sumali sa clan nila, ang “Clan of Kings”. Noong una ay hindi talaga ako pumayag dahil unang-una ay super mahal ng game phone. Hirap na nga akong mag-ipon pang tuition fee dahil ayaw magbigay ng mahadera kong tiyahin. Kaya kahit mahirap ay pinasukan ko ang p'wedeng pasukan. Naalala ko pa nga noon na pinagtataguan ko pa si Jeremy noon dahil sobra kung mamilit. Nabigla na lang ako isang hapon, sa loob ng locker ko naroroon ang isang 'di kalakihang paper bag, laman ang complete set ng kakalabas lang sa market na Solaris : Prime Series Game phone and accessories. Alam na alam ko 'yon dahil usap-usapan iyon sa school at limited lang ang nasabing series. Offering iyon ng Solaris Technologies sa pagdiriwang ng kanilang unang taon. Hindi ko na kailangan hulaan kung kanino galing 'yon, dahil isa lang naman ang may alam ng combination ng locker ko.  Agad kong hinanap si Jeremy upang ibalik ang game phone set. Kahit naman alam kong mayaman sila ay ayaw kong magmukhang manggagamit at alam ni Jeremy iyon. Agad ko siyang nakitang kasama ang mga tropa niya sa football field. Varsity kasi siya noon ng football. Pinasimplehan ko siyang hinila sa walang gaanong tao para kausapin. Pero bago pa man ako makapagsalita ay agad na niya akong inunahan. “Alam ko na sasabihin mo kaya uunahan na kita. Hindi ko yan binigay sa 'yo ng libre.” Panimula niya, “Our clan was invited to be part of Solaris Academy. Isa sa mga perks na binigay nila ay 'yong set ng bagong labas nilang game phone series kapalit ng paglalaro at pag-interact mo sa mga kasama namin.” Hindi agad ako nakapagsalita. I heard about the Solaris Academy, pero hindi ko naintindihan ang way ng selection nila. Pero alam kong nasa top five ang clan nina Jeremy, kaya kung hindi ako nagkakamali ay base sa rank ng Clan ang way ng pagpili. “Pero how about you?” At nakapagsalita din ako sa wakas. “You know I’m not allowed to participate in any Solaris Contest or Events right?” At doon ako natauhan.  Jeremy Nicolo Salazar is one of the sons of Mr. Horacio Gin Salazar, the Chief Operating Officer of Solaris Technologies. Hindi pinahihintulutan ang mga kamag-anak ng mga empliyado na sumali sa kahit anong pa-contest ng company.  “And you don’t need to find a place to play because you will be using my game room.” I hate him when he likes this. He already planned everything without consulting me. Not that I’m complaining, pero mas okay sanang kinukunsulta ako. Hello, this is my life kaya. But the again, wala naman akong chaice kundi tanggapin ang offer niya.   Hindi naman sa hindi ko kayang mag-decide for myself. It’s just hard for me. With my situation, minsan nga nang makitaan ako ni Jeremy ng pasa sa mukha ko ay kulang na lang ay ipasunog niya ang bahay ng tiyahin ko. Matagal na nga niyang sinasabi na lumipat na ako sa kan'ya, ako lang 'yong choosy. Pero this time ay tinanggap ko nang maluwag sa loob ang offer niya.   That was the start and a year later, Solaris Live App was introduced to the public. Everyone can access the application but only the top thirty gamers nationwide are given the chance to broadcast their game. I was top 5 at that time. Hindi na naging mahirap sa akin 'yon dahil kumpleto na rin naman ng gamit si Jeremy. And yes, I move out on my aunt’s house and live in Jeremy’s condo. Parati naman kasi siyang wala, kaya parang ako na ang nakatira sa condo at siya naman ang bisita. Naging malaking tulong ang pagpapatira niya sa akin sa condo niya kasi libre na ang bahay pati pa ang food. Pero gaya nang sinabi ko, ayokong abusuhin. Kaya pagdating sa paglilinis at pagluluto ay ako naman ang gumagawa. Pati nga sa pag-check ng mga assignment at paper n'ya ay  ako rin ang gumagawa.  Simula nang ini-launched ang Solaris Live ay nagpasya akong tumigil na sa work at mag-focus sa live. Mas malaki kasi ang kita kapag nagseryoso ako sa live. Biruin mo, ang kinikita ko ng isang buwan, isang linggo sa live. Kaya nga tatlong buwan mula ng ini-launch ang Solaris Live ay nasa top one ako ng earner rank. Top one naman ang clan namin at top three naman pagdating sa gaming ranking.  Kaya higit talaga akong nagpapasalamat kay Jeremy sa tulong na binibigay niya sa akin. He really is the best, best friend ever. “By the way, Dad will be here tomorrow.” Natigil ako sa paghuhugas ng pinggan sa narinig ko. Agad akong humarap kay Jeremy.  “Seryoso ka ba?” tanong ko agad sa kanya. Ito kasi ang unang pagkakataon na kakausapin ako ng Daddy niya. Madalas kasi, mga marketing people ang nakakausap ko.  “Mukha ba akong nagbibiro?” seryoso niyang tanong pabalik. “Matagal na daw niya akong hindi nakikita. Mangangamusta lang naman 'ata." “So, okay lang na hindi muna ako umuwi rito bukas?” natanong ko sa kan'ya. “Sira ka ba? You know my father knew that you and I live together. Kasama ka rin sa pupuntahan n'ya kaya umayos ka.” Napahinga na lang ako nang malalalim. Mukhang hindi ako makakaiwas. Makakaharap ko na ang daddy ni Jeremy. Mr. Horacio Gin Salazar is a good man. Katunayan siya rin ay isang Von na nangangalaga sa buong City District.  I can see it kay Jeremy, magkamukha kasi sila pero magkaiba gumalaw. Pero hindi pa talaga kami nagkakausap. Sa tuwing nakikita ko siya, palagi siyang nasa malayo. 'Yong tipong always nagmamadali pero napaka-regal ng kilos. Iyong galaw-hari. Minsan nga napapaisip ako kung sakaling magkaharap kami, paano ako kikilos na hindi naman malagay sa alanganin si Jeremy. Minsan nasabi ko nga iyon kay Jeremy. Natawa lang ito sa sinabi ko. Then, may sinabi nga si Jeremy about sa family nila pero hindi ko na masyado na open up dahil personal kasi. And I think hindi ko na kailangan pang ipa-elaborate ang sinabi nila.  Jeremy mentioned their family being “kahalili”.  It’s not that I’m not familiar with the word but the nature of being the word. Most people, when they heard the word “kahalili” immediately think of immortals. The pale faces, the cold ones, and the blood drinker being. If you're thinking what I am thinking then yes. I’m referring to a Vampire. At sa Taiwan Metropolis Freedom City, ang gaya nila ay normal nang usapin. Although we acknowledge their existance, Hindi ganoon kadali na makakita ng isa. Most of them are rich kaya nasa ibang district ang mga residences nila. Isa pa, kung sakaling magtatabi tabi ang isang vampire at regular na tao ay hindi mo makikilala kung sino ang sino. Masyado nang advance ang buong Fredom City, sa tulong nito ay nagagawang mag-coexist ng mga lahi dito.    And since Mr. Horacio Gin Salazar is the head of the family, meaning to say that his boss is one of the powerful vampires. Only those higher vampires can have “kahalili”, those elite types. I never saw one, ever since but I believe they are somewhere out there. After all, we are living at Taiwan Metropolis Freedom City. And being a vampire is something royal in this land. And royals are really hard to find.  ***** Sa main game room hub ng Solaris Technologies. “I really don’t get it,” reklamo ng isang babaeng nakaupo sa isang sofa habang pinapanood ang mga naglalakihang monitor. Palagay niya ay naduduling na siya sa dami ng mga monitor doon. “Why are we wasting our time watching this nonsense?” Maarte nitong dagdag. “No one is asking you to stay here, Antoinette. You are free to leave,” may diing wika ng lalaking nakatayo sa 'di kalayuan. Gaya nang nauna ay pinapanood din nito ang mga pinalalabas sa monitor. Hindi gaya ng babae, bahagyang naiintindihan nito ang mga nangyayari doon. “Coming from you, Alistair? If I know, kating-kati na ang mga paa’t kamay mo para mambabae,” pambabara ng babae sa lalaking nagsalita. “Can you both shut up?” Boses mula sa lalaking nakaupo sa gitnang bahagi ng hub. Hindi gaanong malakas ang boses ngunit may pwersa ang diksyon na ginamit nito. Nahihimigan doon ang animong malakas na aura. Matiim itong nanonood sa mga kaganapan na pinalalabas sa mga monitor at mukhang naaabala na siya ng dalawang kasama niya. Hindi na nakaimik ang dalawa. Hindi pa man sinasabi ng lalaking nakaupo sa gitna ay alam nilang hindi ito natutuwa sa kanilang dalawa. Tumayo na lamang ang babae at lumabas ng hub. “Question, if you don’t mind, Ruz,” lakas-loob na tanong ni Alistair. “Why are you so dedicated to this? I know that this company gives a lot of profit to LICA Group, but not enough if we compare to others.” “Alistair, this is not about profits. There are things that money can’t buy. If you just open your mind and understand, you will see what I see,” sagot ng lalaki na hindi inaalis ang paningin sa mga monitor.  Inilibot ni Alistair ang mata sa mga monitor. Pilit niyang inuunawa ang mga nangyayari. Kung tutuusin ay simpleng laro lang naman ang ginagawa ng mga manlalaro. Magpapalakas at bumuo ng alyansa upang mas lalo pang lumakas. Kapag sa tingin mo ay malakas ka na ay makikipagtunggali sa ibang manlalaro. Paunahan sa pagkuha ng mahahalagang items, agawan ng teritoryo at masira ang base ng kalaban. 'Yon ang nakikita at naiintindihan niya sa laro.  “Have you seen this?” Rinig ni Alistair. Napadako ang tingin niya sa ilang analyst na nag-uusap.Ramdam sa mga boses nila ang exitement. “Is that Clan of Kings?” sagot ng isa pa. “They nailed it again this week. Looked at the score of each king.”  “Can you show it on the main monitor?” Natigilan ang lahat ng nagsalita ang lalaking nagngangalang Ruz. Nakatayo na pala ito at nakikinig na sa nagkukumpulang analyst.  Agad namang pinakita ng head analyst ang data na pinag-uusapan nila. “What am I seeing?” May halong sabik sa boses ni Ruz. “Senior Ruz, you are seeing the statistical analysis of the ten clans under the academy. A month ago, each clan received five to seven sets of Emperor's Eye Series.  As you can see Clan of Kings set records each day, bringing them to the top spot, not only in Emperor's Eye users but in the overall ranking. And not only that, on their live streams, they hold the record of having the most views, and they able to double it after using Emperor’s Eye Series." “And to add, Senior Ruz, the Clan of Kings Pillars is trending now in social media,” dugtong pa ng isang analyst sabay pakita sa main screen ng video clip ng pitong kalalakihan na nag-uusap at nagsasagot ng mga katanungan ng mga manonood. “Boys and girls are head over heels to these guys. With only two hours of streaming, they earn half-million worth of virtual gifts outranking the Pharaoh's Ville Clan. And in terms of individual ranking, as of this moment, these guys are our top seven players.” Hindi matatanggi na excited ang mga analyst dahil nagpalakpakan ang mga ito habang may napapa-wow pa nang marinig ang balita. “I want to meet these guys. All of them.” Biglang sambit nito. May edeya siyang naiisip ay sigurado niyang kakailanganin ang galing ng mga manlalaro ng Clan of Kings. He can't wait to meet them. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD