CHAPTER 4

1562 Words
HABANG nagmamaneho ay nililingon ni Lauren si Finn na nakapikit sa passenger’s seat.  This is crazy! Bakit nga ba siya nagpauto muli rito na ihatid ito sa kanila samantalang wala naman siya dapat pakialam. Sana ay hinayaan niya na lang ang lalaki na matulog sa kalsada kung hindi ito makauwi sa kanila. Kapag nalaman ni Brett ang nagawa niyang ito ay katakot-takot na sermon na naman ang maririnig niya sa kaibigan.  Ilang oras bago sila nakarating sa Magallanes. Sa pribadong subdibisyon nakatira ang pamilya ni Finn. Palibhasa ay namumukhaan ng guwardiya ang sasakyan ng lalaki, pinatuloy nito ang kotse na minamaneho ni Lauren.  Nagrarambulan ang kanyang dibdib habang papalapit sila sa tirahan nito kung saan naganap ang huli nilang pagkikita. Magaan niyang ipinarada ang sasakyan nito sa tapat ng malaking villa. Tinapik niya ang lalaki sa pisngi.  “Finn!”  Umungol lang ito.  “Finn, narito ka na sa inyo.” Iritable ang mukha nito dahil sa kanyang pangungulit kahit na nakapikit pa rin ito. Inilayo nito ang mukha. Bahagya na siyang naiinis. Huli na nga niyang naisip na wala siyang masasakyan palabas ng village, dis-oras pa naman ng gabi.  Walang magagawa si Lauren kung hindi ang katukin ang gate ng mga Burnham. Mas lumakas ang kanyang kaba ngunit kailangan niyang sabihin sa mga ito na naroon ang lalaki. Lumabas siya ng sasakyan ni Finn para tunguhin ang doorbell. Ramdam niya ang lamig sa kanyang likuran dahil sinalubong siya ng hamog, kalahati pa naman nito ay walang tabing. Naghintay lang si Lauren na pagbuksan ng pamilya nito. Hindi niya alam kung kilala pa siya ng mga Burnham matapos ang anim na taon. Hindi naman nagtagal nang magbukas ang gate. Namukhaan niya si Elsa, ang mayordoma ng pamilya.  “M-Miss Lauren?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Good—” Sinilip na muna niya ang kanyang relo na pinalilibutan ng diyamante. Ala-una na ng gabi. “Good morning, Elsa! Hinatid ko lang po si Finn.” “Si Sir Finn?” Hindi ito makapaniwala matapos makita ang sasakyan ng lalaki.  “M-may reunion po kasi kami ngayong gabi. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaibigan niya kaya ako na lang ang naghatid sa kanya rito,” paliwanag niya.  “Anong nagaganap d’yan, Elsa?” Sabay silang napalingon ng mayordoma sa bungad ng pintuan sa loob. Nakita niya ang ina ng lalaki. Mas lalo tuloy siyang kinabahan dahil hindi niya alam kung ano ang impresyon ng mga ito sa kanya.  “Senyora, si Lauren!” Hindi makapaniwala ang ginang na lumapit sa kanila kahit nakasuot lang ito ng pantulog na pinatungan ng roba.  “Lauren! Ikaw nga, hija!” saad ng Mommy ni Finn nang makalapit. Hindi niya inaasahan na maayos pa rin ang pakikitungo sa kanya ng mga ito. “Maganda gabi po, Mrs. Burnham. Hinatid ko lang po si Finn. Nalasing po kasi siya sa reunion.”   “Akalain mo nga naman! Kung hindi mo pa ihahatid ang lalaking ‘yan dito ay hindi iyan uuwi rito.” Hindi niya naintindihan ang sinabi ng ginang. Pinagtulungan nila ni Elsa ang lalaki na ilabas sa kotse nito at ipasok sa loob ng tahanan na halos hindi na makalakad sa kalasingan. Panay lang ang ungol nito. Naiakyat nila ito sa ikalawang palapag ng tahanan. Ipinasok sa silid nito at saka inihiga sa kama. Napansin niya na parang walang nabago sa kuwarto nito. Katulad pa rin kung paano siya lumisan anim na taon ang nakaraan.  Parehas ang kulay ng kobre-kama, ng kurtina, ng pintura, kahit ang mga gamit sa silid na para bang walang gumalaw roon.  “Hija, mabuti pa na dito ka na rin magpahinga. Hindi na kita pauuwiin at baka ikapahamak mo pa iyon. Sayang at wala ngayon ang driver namin dahil sinamahan ang asawa ko sa probinsiya,” wika ni Mrs. Burnham.  “Naku! Mrs. Burnham, u-uuwi na lang po ako,” aniya.  “Stay here, hija. Hindi rin ako mapapalagay kung paaalisin kita sa ganyang lagay mo. Ipahahanda ko lang ang kuwarto kung saan ka pwedeng matulog.” Iniwan na siya nito kaya hindi na siya nakatanggi pa. Naiwan siya kasama ng anak nito na nakahiga sa kama. Ngayon na nakapikit si Finn ay mas nagkaroon ng tiyansa si Lauren na pagmasdan ang lalaki. Wala siyang magawa kung hindi ang tingnan ito dahil ibinigay iyon sa kanya ng pagkakataon.  Hindi maikakaila na nagkaroon na sila ng edad. Hindi na tulad noong mga teenagers pa sila. Lauren met Finn ten years ago. He was now twenty-six because he was one year older than her.  Pinasadahan niya ito ng tingin; makapal ang kilay ng lalaki kaya mas kita sa anyo nito kapag may hindi ito nagugustuhan, ang matangos nitong ilong, ang mapanuring mga mata kapag nakadilat iyon. Finn has no facial hair kaya kita ang pagkakalinya ng jaw line nito.  Kumilos ang lalaki at gumilid ng higa. Tila naging daan naman iyon para sundan ito ni Lauren. Hinubad niya ang kanyang suot na sapatos at sinakop ang libreng espasyo para tabihan ang lalaki.  Why did you break my heart, Finn? tanong niya habang nakatingin dito.  Siguro dahil sa pagod, sa kakaunting alak na nainom niya, at sa pagdampi ng malamig na aircon sa kanyang katawan— nakatulog si Lauren sa tabi nito.  Samantala, matapos ang ilang minuto ay bumalik ang ginang sa silid ng kanyang anak kasama si Elsa. Nakita nila na magkayakap ang dalawang nilalang sa ibabaw ng kama at tila walang problema na natutulog. “She was really back, Elsa,” naluluhang wika ni Mrs. Burnham na ang tukoy ay si Lauren. “Gigisingin pa ba natin si Miss Lauren, Senyora?” “No. After six years Finn came back to his room, I’m happy. Pabayaan na muna natin sila.” Isinara muli nito ang pintuan at hinayaan ang dalawa sa loob ng silid. *** LAUREN met Finn at the school library. Both of them are taking their secondary school in De La Salle University Senior High School. She was sixteen, while Finn was seventeen. Naaalala niya pa noon na naroon siya sa malaking library ng eskuwelahan para hanapin ang partikular ng libro para gawin ang kanyang assignment at reports. After getting the hard book, her gaze captured a set of eyes across the shelves. He was on the other side of the aisle. Nakayuko ito at halatang binabasa rin ang libro na hinugot nito sa hilera sa kabilang panig. Ibabalik na sana nito iyon nang magtama ang kanilang mata. Mabilis na nagtambol ang kanyang dibdib sa mapanuri nitong mga tingin.  Sa sobrang kaba, ibinalik niya ang hawak na libro sa puwesto nito. Bumilang siya ng sampung segundo kung saan kumalma na ang nagrigodon niyang damdamin. Muli niyang kinuha ang bagay na iyon ngunit wala na ang lalaki sa kabila. Pakiramdam niya tuloy ay isa itong panaginip na dumaan lang sa hapon na iyon.  Sunod na nakita niya na ang lalaki sa mesa at gumagawa rin ng assignment. She asked him if she could share the table. Pumayag naman ang lalaki. Since then, they have always met at the library. They never talk, but they are sharing the same table almost every day.  Not a single student dared to share their table. Lauren fell in love with Finn since then.  At the age of sixteen, nagkaroon ng espesyal na damdamin si Lauren sa lalaki kahit pa hindi sila nito masyadong nag-uusap. Hanggang sa makagraduate ito ng high school.  Finn was popular. Hindi siya nahirapan na malaman kung saan ito nag-aaral ng kolehiyo. When she found out that Finn was taking a business course at Ateneo De Manila University, she did not hesitate to follow him. Hiniling niya rin sa magulang na doon siya pag-aralin.  They continued sharing the table in a different school. Lauren wants to confess her feelings to Finn. Unfortunately, she saw an envelope in one of his notebooks. Nasa iisang mesa sila kaya alam niyang iba ang sobre na iyon. It was a love letter.  Someone teased Finn, his classmate. Hinablot nito ang sobre sa notebook ng lalaki at binasa nang malakas.  “I become a little weak when it comes to speaking my feelings in front of you, so I have thought to pen down what I feel inside, as I did not want to miss a chance to let you know that you are an angel—that’s what I thought when I first saw you. On this day, I want to reassure you of my lifetime commitment to you. It’s you, or I am nothing, Finn.” “And who is this lucky girl?” his classmate asked. Finn looked at Lauren na nagpapatuloy sa pagsulat sa kanyang notebook na kunwari ay hindi siya interesado rito. “Kori! Happy?” Her pen stopped writing. Tapos ay humigpit ang kanyang hawak sa ballpen. Nagpanggap siya na wala lang ang usapan ng mga ito sa kanya.  Iyon ang unang heartbreak ni Lauren sa lalaki. Mula rin noon ay malinaw sa kanyang isipan na mahal nito ang matalik na kaibigan.  Nang sumapit ang kanyang debut, ipinaalam sa kanya ng magulang na nakatakda siyang ikasal sa lalaki. Hindi siya tumanggi dahil sa oras na iyon ay wala siyang hiling kung hindi ang maging asawa si Finn. Lumipas ang mahigit pang isang taon hanggang sa sumapit ang ika-beinte anyos nito na nagpadurog sa kanyang puso, sa kanyang pagkatao.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD