Chapter 19

1889 Words
Taleigha’s POV Wala tuloy akong kagana-ganang gumayak ngayong umaga. Parang ayokong pumasok, pero kailangan. Ang agang ngang nag-text message ni Alvar sa akin. Nagsabi siya agad na susunduin niya ako rito sa bahay para isabay nang pumasok. Sabay naman daw ang oras nang pasok namin kaya isasabay na niya ako. “Taleigha, mag-usap tayo saglit,” sabi ni Kuya Richmond nang lapitan ako dito sa kusina habang nagtitimpla ng kape. Nagtaka naman ako kasi parang alam ko na ang sasabihin niya. Sinundan ko siya sa likod ng bahay namin. Doon kasi siya naglakad. Naupo siya sa mahabang bangko habang hawak ang kape na tila bago ring timpla. ”Bakit, kuya?” tanong ko. Pilit kong iniisip na baka iba ang sasabihin niya, hindi tungkol sa nangyari sa akin sa school. Baka kasi alam na rin niya. “May kumakalat na video mo. Napanuod ko ito sa ka-basketball ko kagabi. Taleigha, sino-sino ang mga babaeng ‘yon?” Agad akong kinabahan nang sabihin niya iyon. Kalmado lang siyang tignan at pakinggan pero ramdam kong galit na galit siya. Alam niya kasing pipigilan ko siya kapag nagpakita agad siya ng galit. “Kuya, huwag ka nang mangialam, please. Ang mga student na ‘yon ay mayayaman, makakapangyarihan at nakakatakot. Mahirap sila kalaban, talo tayo pagdating sa pera. Baka mapahamak ka lang, kuya,” sabi ko agad sa kaniya. “Taleigha, hindi tama ‘yon. Ano na lang ‘yon, ganoon na lang? Okay lang na ma-bully ka. Wala tayong gagawin kasi wala tayong pera. Mananahimik na lang tayo kahit nasaktan ka, pinagkatuwan at sinaktan. Papayag ka na lang ba na gawin kang tanga? Hindi maganda ‘yon.” Binaba ko ang hawak kong tasa ng kape. Nangawit na kasi ako sa kakahawak nito. “Sa ngayon, Kuya, ganoon talaga, e. Iniisip ko lang ‘yung ikakabuti natin. Kapag kasi lumaban pa tayo, tayo pa ang malalagay sa alanganin. Kaunting pagkakamali lang, kahit tayo pa ang tama, tayo pa rin ang lalabas na mali.” Umiling-iling siya. Hindi niya siguro matanggap ang sinabi ko. Nakakahiya, kasi first time kong makitang maluha si kuya sa harap ko. Humahagulgol siya kasi sobra siyang nasaktan dahil sa nangyari sa akin. Ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Ngayon niya lang siguro nakitang naganoon ako. Na ang totoo ay ngayon ko lang din naranasan iyon. Dito kasi sa bahay ay mahal na mahal nila ako. Kaya hindi niya siguro matanggap na ganoon ang mararanasan ko sa school na ‘yon. “Sige na, Taleigha. Gumayak ka na at baka ma-late ka pa sa school mo,” sabi na lang niya saka nagpunas ng luha. Tumango na lang at ako saka umalis. Pero ramdam kong hindi siya makikinig sa mga sinabi ko. Natatakot ako kasi baka may gawin siya. Sana talaga ay huwag na siyang makigulo pa. Ayokong makulong siya. ** Saktong pagkatapos kong gumayak ay narinig ko na ang busina ng kotse ni Alvar. Palabas na ako sa bahay nang hawakan ako ni Kuya Richmond sa braso ko. “Bakit, kuya, may sasabihin ka ba?” tanong ko sa kaniya. “Please, Taleigha, siguraduhin mong una’t huli na ‘yon. Kasi sa oras na mahuli ‘yon, pasensya na talaga, hindi ko na palalagpasin ‘yon,” sabi niya sa akin kaya tumango na lang ako para matapos na ang pag-uusap namin. “Kuya, don’t worry, may mga tagapagtanggol na ako sa school. Isa na dito si Alvar. Hindi na talaga mauulit ‘yon,” sagot ko sa kaniya. Tumango na lang siya at saka tinapik ang balikat ko. Dumaan kami ni Alvar sa coffee shop. Hindi pa raw kasi siya nag-aalmusal. Maaga pa naman kaya sumama na rin ako. Imbis sa cafeteria mag-almusal, dito na kami kumain. Hindi ko inaasahang magso-sorry si Alvar sa akin. Sana raw pala hindi niya ako iniwan ka agad sa cafeteria, hindi sana ay hindi nagawa sa akin ‘yon nila Cressida. Sinabi ko naman sa kaniya na wala siyang kasalanan. Hindi ko hinayaang sisihin niya ang sarili niya kasi kasalanan ko rin naman. Kung hindi ako naging lampa na nadapa kahapon, hindi sana ako mabu-bully nung tatlong iyon. After naming mag-almusal, umalis na rin kami sa coffee shop at tumuloy na sa school. Bawal magchikahan ng matagal at baka ma-late kami sa pasok sa school. “Ihahatid kita sa room ninyo bago ako tumuloy sa amin,” sabi niya nang mag-park na siya ng sasakyan niya. “Ha? Naku, hindi na kailangan. Ginagawa mo naman akong kinder,” natatawa kong sagot ko sa kaniya habang tinatanggal ko na ang seatbelt ko. Nauna pa siyang bumaba sa sasakyan para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan niya. “Salamat,” sabi ko naman sa kaniya. “Hayaan mo nang ihatid kita. Alam kong takot ka pa. Alam kong magkakaroon ka ng phobia dahil sa nangyari sa iyo kahapon. Para hindi ka matakot, hayaan mong samahan kitang pumasok sa room ninyo.” Wala na rin naman akong nagawa. Hindi rin ako nanalo sa kaniya kasi kung ano talaga ang gusto niyang gawin ay gagawin niya talaga. Habang naglalakad na kami dito sa loob ng school, patingin-tingin sa amin ang mga student, lalo na sa akin. Halatang sumikat at nakilala agad ako dahil sa nangyari. Nakakahiya lang dahil may mga nakalusot pa rin ng video. Kumalat pa rin pala ‘yung mga video sa akin na pambu-bully nung tatlo. Ginawa ni Alvar ang lahat para hindi ako makaramdam ng hiya. Nililibang niya kasi ako habang naglalakad kami. Panay ang kuwento niya sa akin na kapag nagbakasyon na, isasama niya raw ako sa beach, libre niya kaya galingan ko raw ang pag-aaral. Pagdating namin sa room ko, hinatid pa niya ako hanggang sa loob ng room namin kaya nahihiya tuloy ako sa mga kaklase ko. “Salamat, Alvar,” sabi ko sa kaniya nang makaupo na ako sa room ko. “Basta, tumawag ka lang sa akin kapag may problema. Akong bahala sa mga mambu-bully sa iyo,” parinig pa niya sa mga kaklase ko kaya natawa tuloy ako. Pag-alis ni Alvar, agad naman akong nilapitan ni Calista. “Taleigha, alam mo na ba ang balita?” tanong niya sa akin kaya umiling ako. “Bakit, ano ba ‘yon?” tanong ko na rin sa kaniya. “Sina Cressida, Briella at Kali kasi ay na-suspende dito sa school ng ilang linggo dahil sa ginawa sa iyo. Nag-report na kasi si Harvy, tapos may nag-report pa raw na isang ginang na mayaman. Hinid ko lang sure kung sino ito pero parang magulang ata ng isa sa mga student dito ‘yun,” sabi niya. Sa tingin ko ay si Madam Delia na iyon. Tinotoo niya na hindi niya palalagpasin ang nangyari sa akin. “Alam mo, lalo kang maghanda, Taleigha. Kung sa inaakala mo ay ganoon na lang sila titiklop, nagkakamali ka. Kahit pa ma-suspende sila, kahit pa mag-report sa pulis, hindi titigil ang tatlong iyon. Patuloy ka pa rin nilang bubuwisitin at bu-bully-hin. At sa tingin ko, ikaw na nga talaga ang magiging favorite nilang ma-bully,” sabi ng kaklase naming bakla kaya natakot ako. Iyon din ang naisip ko. Baka lalo lang silang magalit kaya hindi ko na dapat hinayaan pang lumaki ang gulo. Natatakot na naman tuloy ako. Nakita kong pumasok na si Mcaiden dito sa room namin. Mag-isa lang ito. Nagulat ako kasi bigla siyang lumapit sa akin. “Guys, may dapat kayong malaman,” sabi niya paghinto dito sa tabi ko. Nagtingin tuloy agad ang lahat sa kaniya. “A-ano na naman ‘to, Mcaiden?” pabulong kong tanong sa kaniya. “Itong si Taleigha kasi ay nagpi-feeling rich kid. Para sa kaalaman ninyo, itong si Taleigha ay kasambahay namin sa mansiyon. Katulong namin ang babaeng ito. Pinag-aaral lang siya ng mama at papa ko kasi sipsip siya masyado sa mga magulang ko,” sabi niya kaya lalo na akong nanghina. Kitang-kita ko kung paano magulat ang lahat dahil sa sinabi niya. Pati si Calista na nasa tabi ko ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa akin. “Oh my gosh, hindi ako makapaniwalang may kaklase tayong yaya.” “Ew, tama lang pala na ma-bully siya. Feeling RK naman pala si Girl.” “Hindi na pala ako dapat mainggit sa kaniya.” Kung ano-ano na namang masakit na salita ang narinig ko. Gago talaga itong si Mcaiden. Ang lala niya. “At maganda siguro, guys kung pag-trip-an natin siya palagi. Gusto niyo ba ‘yon?” tanong pa ni Mcaiden sa mga kaklase namin. “Maganda ‘yan.” “Gusto ko ‘yan.” “Game ako.” “Go lang ko.” “Tara!” Natakot ako bigla kasi nagtayuan na agad ‘yung mga kaklase namin na sumang-ayon sa kaniya. May mga hawak silang gunting na para bang alam ko na agad ang gagawin nila. Sa tingin ko ay parang sisirain nila ang suot kong damit, o baka naman guto nilang kalbuhin ang buhok ko. “Please, huwag kayong lalapit sa akin,” pagmamakaawa ko. Maiyak-iyak na ako sa kaba. Sobrang lala talaga ng utak nitong si Mcaiden. Nag-aya pa talaga siya ng mga kasama niya. Hindi naman ako tumunganga lang. Agad kong tinawagan si Alvar para humingi ng tulong. Nang makita kong nagri-ring na ang phone niya, sinilid ko agad ito sa bag ko para hindi nila makita na tumatawag na ako ng saklolo. Lumapit na sa akin ang dalawang kaklase kong lalaki para hawakan ang mga braso ko. Tinayo nila ako at saka pilit na dinala sa harap ng mga kaklase namin. Pagdating doon, naghanda na ang mga lalaki at babae na may hawak na gunting. Maiyak-iyak ako habang pinagtatawanan na naman nila ako. Inaasahan kong malalang pangyayari na naman ang mangyayari sa akin. Hinawakan na ng isa sa kanila ang damit kong dress, ‘yung isa naman buhok ko ang hinawakan. Gugupitin na sana nila ang damit at buhok ko nang biglang dumating si Alvar. Nagulat na lang ako nang biglang lumipad ang dalawang lalaking iyon. Sinipa at pinagsusuntok ni Alvar ang mga lalaking nasa malapit sa akin. Pati si Mcaiden na tatawa-tawa ay hindi nakaligtas. Kitang-kita ko kung paano siya binuhat ni Alvar para ihagis sa isang upuan na nasira dahil sa lakas nang pagbagsak niya sa akin. “Hindi ba’t nag-warning na ako. Kahit lalaki o babae, papatulan ko basta ginawan ng mali ang kaibigan ko,” sabi ni Alvar nang lapitan naman niya ang isang babae na may hawak na gunting. Nagulat ako nang gupitin niya ang buhok nito na dapat ay gagawin niya sa akin kanina. Napasigaw at nag-iiyak ang babae nang makita niyang nalaglag sa sahid ang buhok niya. “Tama na, Alvar. Tama na,” saway ko sa kaniya kasi kitang-kita ko na halos nakahandusay na sa sahig ang lahat nang gustong mam-bully sa kaniya. Hinatak ko na lang siya palabas ng room namin para tuluyan ko na siyang maawat. Baka kasi kung ano pang magawa niya Maiyak-iyak ako kasi dumating siya. Kung hindi, baka wala na, butas-butas na siguro ang damit ko. Baka kalbo na rin ang mga buhok ko. Salamat at may Alvar ako sa tabi ko. Naalala ko naman bigla si Mcaiden. Ayos lang kaya siya? May nabali kaya sa buto niya. Kung mayroon man, baka malagot ako sa mga magulang niya. Sana ay galos lang ang natamo niya.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD