Chapter Three
HABANG NAKAPILA ang binatang si Brixxe, samantalang nakaupo ang dalagang si Xyvielle nang biglang may kakilalang lumapit sa kinaroroonan nito.
"Xy--vielle!" Aniyang may pagtataka. "Anong ginagawa mo dito? I mean sinong kasama mo?" Tanong nito.
"Ahhh e--- Kasama ko si Brix--" nahihiya niyang tugon dito.
"Oh! Si Brixxe? Iyong guwapong tisoy? Nanliligaw ba siya?" Muling tanong niya.
"Ah e---" hindi niya naituloy nang biglang dumating ang binata.
"Babe! Sino sila? I mean may kausap ka pala" agaw-pansin niya sa mga ito habang nakangangang natahimik si Xyvielle na nakatingin sa kanila.
"Wait! Tama bang dinig namin? Babe? So kayo na pala?" Aniyang hindi makapaniwala na ikinatango na lamang ng dalaga.
"By the way Brixxe sina Reggie at Kyle mga kaklase ko, Girls si Brixxe pala boy--friend ko," pakilala niya sa mga ito.
"Nice meeting you girls!" Nakangiti niyang saad sa mga ito.
"Boyfriend? Tama bang dinig namin? Is he really your boyfriend?" Gulat na tanong ng dalawa sa kanya.
"You heard it right! She's already my girlfriend," sabat naman ni Brixxe. " Come join us,"
"No thanks! Katatapos lang namin e."
"Ahh-- Okay,"
**********************************
"Hey Drea! Saan ka pupunta?" Tanong ni Marco habang hinahabol ito.
"Bakit? Anong pakialam mo kung saan ako pupunta?" Mataray niyang tanong din sa binata.
"May pakialam ako dahil nga mahal kita!" Aniyang kinindatan ang nagtataray pa ring si Andrea.
"Mahal? Ang pagkakaalam ko marami ka ng sinabihan ng Mahal kaya maniniwala pa kaya ako?" Aniyang akmang tatalikod at pahakbang na ito nang hangarin siya ng binata. "Umalis ka sa dinadaanan ko!" sigaw niya.
"Kung sabihin kong ayoko!" Pailing niyang sambit na lalong ikinagalit ng dalaga.
"Kung hindi ka aalis, Sisigaw ako!" Banta niya.
"Sige, sumigaw ka!" Paghahamon niya sa dalaga. Akmang sisigaw na ito nang biglang sakupin ng binata ang labi nito na ikinalaki ng mata niya at hindi man lang ito nakagalaw.
Hanggang sa isang malakas na sampal ang iginawad niya sa binata sabay punas sa labi na animo diring-diri. "Iyan ang nababagay sa'yo bastos ka!"
Napakamot na lamang si Marco habang sinusundan ng tingin ang papalayong dalaga. Naging mapusok siya na hindi man lang nag-isip sa posibleng kahinatnan ng ginawa niya. "Wrong move! Why did you do that?" Sermon niya sa sarili.
Kinuha nito ang telepono at tinawagan ang kaibigan. "Bro! Where are you? Maaari ba kitang makausap?" Tanong niya nang sagutin ni Brixxe ang naturang tawag.
"What happen? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Brixxe sa kaibigan.
"Puntahan mo na lang ako dito," tanging sagot nito.
"Okay! Saan ka ngayon?"
"Nasa DORM,"
"Okay! Antayin mo ako diyan,"
"Brixxe, Sino iyon? Mukhang napakaseryoso niyo kasi," tanong ni Xyvielle sa binata
"Tumawag si Marco, gusto niya akong makausap," tugon niya rito.
"So let's go, I think your bestfriend need you now," aniyang tumayo na ito sa kinauupuan nito.
Magkahawak-kamay nilang nilisan ang lugar.
"Ihahatid na muna kita sa bahay niyo," Ani Brixxe sa kanya.
"No! You don't have to, nag-text si Herl sa'kin. I think Drea needs us," tanggi niya.
"So Saan kayo magkikita?" Tanong nito.
"Sa school campus."
"Okay, Ihahatid na muna kita bago ko puntahan si Marco." Presinta niya.
"Huwag na! Kaya ko nang mag-isang puntahan sila," muling tanggi niya.
"I insist!" Pagpupumilit ng binata at wala na lamang nagawa si Xyvielle sa nais na ihatid siya nito.
"Brixxe? Why you're doing this? I mean even kahit na tayo lamang dalawa you're still acting like we're in a relationship," Biglang tanong niya sa binata. Natahimik at napakamot-ulo si Brixxe dahil hindi niya ito inaasahang itanong iyon ni Xyvielle.
"I don't know--- Ang gaan ng loob ko sa'yo, I can't figure out what's really in you na sa tuwing nakakasama ka, I feel so happy," sambit niya. "Tara na nga! Baka naghihintay na ang mga kaibigan mo, And I have to look on Marco too. I guess about sa babae na naman ang pag-uusapan namin," Aniyang hinawakan muli ang kamay ng dalaga. Tila parehong sanay na ang dalawa sa kung anuman ang kanilang sitwasyon.
"Oo nga! I think Drea has a serious problem na kailangan pa talaga naming magkita't mag-usap. Pwede naman ipabukas sana,"
Nang makarating ang dalawa sa kinaroroonan ng dalawa. Agad ding nagpaalam si Brixxe sa mga ito.
"So I better have to go girls," paalam niya sa mga ito. "Baby girl, Call me if you're done and when you go home." Bulong niya sa dalaga.
"Okay, Ingat ka! I'll see you after this Bye," Aniyang bumeso sa kanya ang binata bago tuluyang umalis.
Napaupo si Xyvielle sa tabi ni Drea na halos hindi maipinta ang mukha.
"Drea? What happen? Bakit ganyan ang hitsura mo?" Nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
"I hate him!" Sigaw ni Drea na ikinabigla nilang dalawa.
"Wait! Sino ba iyan? Bakit parang hanggang langit iyang galit mo?" Muling tanong ni Xyvielle sa kanya.
"Ang Bastos na iyon! Grrrrrrrrrrrrrr......." Sambit nito.
"Andrea! Tell us what's bothering you? What made you mad?" Tanong ni Herl sa kanya.
"That stupid chickboy! The best friend of your boyfriend Xy." Sagot niya habang nakasimangot pa rin.
"Si Marco?" Sambit ni Herl.
"Pwede ba! Don't ever mention his name. Nakakarinding pakinggan," naiinis niyang saad na ikinangiti ng dalawa. "Oh! What's funny? Nang-aasar ba kayo?"Nakakunot- noo niyang tanong sa mga ito.
"No! It's not like that, We don't even know what's the reason behind kung bakit ganyan na lamang ang inis mo sa kanya." Saad naman ni Xyvielle.
"Calm Down! Andrea! please tell us what happen," pakiusap ni Herl sa kanya.
"He kissed me!" Mahina niyang sambit ngunit dinig pa rin ng dalawa.
"What? Hinalikan ka niya? As in Kiss?" Sabay sambit ng dalawa na halatang ang pagkabigla.
"So dahil sa hinalikan ka, Ganyan magiging reaksiyon mo? Diba nga crush mo iyon since high school?" Nakangiting saad ni Herl na may himig pang-aasar.
"Whatever!"
"Drea, piece of advice lang ha! Huwag ka masyadong magtaray, give him the chance na iparamdam sa'yo na mahal ka niya," payo ni Xyvielle sa kanya.
"Huh? Really? After what he did to me. Bigyan ko siya ng chance?" Gulat niyang tanong kay Xyvielle na ikinatango naman ng huli. .
*******************************
Nang matapos ihatid ni Brixxe ang dalaga. Dumeretso agad ito sa tinutuluyang DORM ng kaibigan.
"Marco, I'm here," Brixxe's text message.
"Okay, wait!!"
Marco's reply.
Ilang sandali ay lumabas na ng silid si Marco habang hinihintay siya ng kaibigan sa labas.
"Tara! Let's have a drink," aya ni Marco sa kaibigan.
"Wait! Is this serious man? Makipag-inuman ka?" Nakakunot-noong tanong ni Brixxe sa kanya.
"I think so," tipid niyang tugon.
"Okay! So tell me what happen?" Tanong niya rito.
Napabuntong hininga si Marco bago nagsalita. "You know that I like her diba?" Pauna niyang turan dito. But, I made a wrong move!" Dagdag niya.
"May I guess, Is it Xyvielle's best friend Andrea? Right? Ang babaeng nahirapan ka dahil hindi siya katulad ng iba." Panghuhula ng binata na ikinatango ni Marco. Anong ginawa mo? It seems you're so bothered about what you did."
"I kissed her! I mean I accidentally kissed her."pag-amin niya.
"Ahh you kissed her, What you kissed her?" Aniyang bakas ang pagkabigla.
"Paano kasi sobrang sungit niya, then ang hirap mapaamo daig pa ang mga tigre!" Aniya na ikinangiti ng kaibigan. Bro naman! Nang-aasar ka ba?"
******************************
"Naisip ko lang na Marco is serious sa, panunuyo sa'yo
dinadaan lang niya sa pang-aasar dahil gano'n talaga siya. He's not like Brixxe or Vincent na may pagkaseryoso minsan," Aniyang nangungumbinsi na ikinakunot-noo na naman ni Drea.
"Serious? Saan banda?" Di-makapaniwalang saad niya sa kaibigan.
"Andrea! Listen, minsan ko lang ito sasabihin ha! I'd be prank, Huwag kang masyadong pabebe ha! Baka sa ginagawa mong iyan tuluyang lalayo sa'yo then hahabol-habol ka," Aniyang nilingon ang kaibigang pangiti-ngiti na si Herl. "So better give him a chance" dagdag niya.
"Drea, Huwag mong isipin pinangungunahan namin iyong magiging desisyon mo, we're just want you to know na unpredictable ang isip ng mga lalake, Ngayon gusto bukas ayaw but we are more concern of your feelings." Segunda naman ni Herl.
"So pinapalabas niyo na mali ako?"
"Wala kaming sinasabing Mali ka, kundi magpakatotoo ka! For God's sake Andrea! You're in love pero nag-aalangan ka lang," ani Herl habang natahimik na napaisip ang kaibigan.
"I think tama kayo! I'm over reacted and pinapahirapan ko siya. Ang tagal na niyang nagbabalak manligaw pero sinusungitan ko lang siya," tanging nasambit niya na ikinangiti ng mga kaibigan nito.
***************************
"I'm not! It seems you're affected of what happened between you and Andrea, Calm down Man!" Aniyang nakangiti sa kaibigang panay tungga ng alak. " Hey Easy! Huwag mong lunurin sarili mo sa alak," payo ni Brixxe sa kaibigan.
"What will I do now?" Seryosong tanong niya rito.
"Suyuin mo then apologize, as simple as that!"
"How?"
"Teka nga! Ikaw ba iyong Marco na kaibigan kong malupit sa chicks? Bakit parang hirap ka ng manuyo ngayon?" Pangiti-ngiti niyang turan sa kaibigang tila ang lalim ng iniisip.
"Andrea is different Bro! She's not only beautiful but she's really a girl you could treasure." Pinagmalaking puri ni Marco sa dalaga. "That's why I love her more,"
"Tinamaan ka talaga noh?" Pang-aasar ni Brixxe Kay Marco.
"Just like you Bro! Diba nga patay na patay ka do'n sa best friend ni Andrea." Nakangisi niyang sambit dito. Napakamot na lamang si Brixxe sa tinuran ng kaibigan.
************************
"Oo nga! So inamin mo din na nagkamali ka, kaya please baguhin mo na ang pakikitungo mo sa kanya. Let him be your new friend or should I say pwede mong maging jowa," Nakangiting wika ni Xyvielle sabay tapik ng balikat nito.
"Yeah you're right! Wala namang masamang kaibiganin ko siya.
"Maiba tayo Xy, Umamin ka nga! Mukhang seryoso na kayo ng love of your life ah, Paano na iyan kung tuluyan ng mahulog ang loob niya sa'yo?" Biglang tanong ni Herl kay Xyvielle.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"Ang ibig kong sabihin ay diba nagpanggap lang kayo? Then mukha yatang lumevel up ah, You're not acting already but I think it's real na talaga!" Aniyang ang hands ng ngiting animo hinuhuli ang reaksiyon ng kaibigan.
"I tried to ask him about our situation yet iba ang inexpect kong sagot niya"
"Why? Umasa ka na naman?" Sabat ni Drea.
"Hindi naman---" tanggi niya.
"Sussss--- Denial effect" asar ng dalawa.
*******************************
"So Bro, Anong gagawin ko?" Muling tanong niya sa kaibigan.
"Ahmmmm... Magpamiss ka kaya! Iyong hindi ka muna magpakita sa kanya." Suhestiyon ni Brixxe kay Marco.
"What? Hindi ako makikipagkita? Parang hindi ko naman kaya iyon Bro," Tanong niya na ikinatango ng kaharap.
"Konting sakripisyo at bigyan mo muna siya ng space para makapag-isip,"
"I think tama ka! We need space muna. Hindi maganda iyong huling pagkikita namin," Anito. "Teka maiba ako! Kumusta na kayo ni Xyvielle?" Biglang tanong niya
"Ayos naman! I didn't expect lang kanina when she asked me about our status," Tugon niya rito.
"Bakit? Ano bang totoong status niyo? Bakit kasi hindi na lamang totohanin ang lahat e,"
"Sana nga gano'n kadali iyon pero hindi e,"
"Pinapahirapan niyo mga sarili niyo. I think she likes you,"
"Paano mo nasabi?"
"The way he stares at you. I saw Love!" Nakangiti nitong sagot na ikinangiti na rin ni Brixxe
"Sana totoo iyang sinasabi mo,"
Naging mahaba na usapan ng dalawa nang biglang tumunog ang telepono ni Brixxe.
"Hello," aniya.
"Brixxe, Where are you?" Tanong ni Xyvielle.
"I'm still here with Marco. WHY?" Tanong niya.
"Hindi ka pa pala nakauwi?" Tanong niya. (Hmmm concern? Hahaha)
"Hindi pa e, Ikaw ba?"
"Hindi pa, pero pauwi na rin!"
"Hintayin mo ako diyan at ihahatid kita,"
"Okay!"
To be Continued