Chapter Four
XYVIELLE’s POV
PAGKATAPOS NAMIN KAUSAPIN si Drea ay kanya kanyang uwi na kaming tatlo. Hindi namin kasama si Ysai dahil panghapon ang klase niya. Nasa loob pa rin kami ng Coffee shop na malapit sa school.
“Mauna na kami, Xy. sigurado kang hindi ka sasabay sa amin?” paalam at tanong ni Drea sa akin na ikinatango ko.
“Oo, mauna na kayo. hihintayin ko pa si Brixxe.” saad ko sa kanila then napangiti silang dalawa na tila nang-aasar. “Umalis na kayo at alam ko naman ang nasa isip niyo.”
“Ayieee.... “ tudyo ng dalawa.” May date ang maganda nating friend.”
“Tumahimik nga kayo! Baka may makarinig at ano pa ang masabi,” saad ko.
“Oh, okay. mag-ingat na lang kayo,”aniyang hindi maalis ang mapang-asar nitong ngiti.
Tuluyan na nga silang lumisan habang nasa loob pa rin ako ng Coffee shop para antayin si Brixxe. Tinawagan ko siya kanina at alam niyo na nagbabakasakali akong baka hindi pa ito nakauwi. Tama nga ako at ayon sa kanya ako ay kanyang susunduin.
Kahit ilang araw pa kaming nagpapanggap ni Brixxe ay sinanay ko na ang sarili ko. Awkward man dahil sa crush ko iyong tao since high school. I am consciously into it kahit iba ang sinisigaw ng isip at puso ko.
“Are you still there? I’m on my way.” text ni Brixxe sa akin.
“Yeah, I’m still here,” tanging reply ko.
Pangatlong order ko na yata ng kape habang naghihintay sa kanya. Makalipas ang ilang sandali natatanaw ko na ang kanyang motorsiklo. Hindi ko mapigilang mapatulala while watching him at far, he’s too perfect na kahit sinumang babae ay mapapahanga sa kanya.
Kumaway ako nang papasok na ito then he notices me right away. Nakangiti siyang lumalapit sa akin.
“Hello, nainip ka ba sa kahihintay ko?” tanong niya sabay beso sa akin.
“No, not really. bago lang naman umalis sina Drea at Herl.” saad ko sa kanya.
“Ah, okay. Uuwi ka na ba niyan? gusto mo watch muna tayo ng movie?” Nakakunot noo akong nakatitig sa kanya. hindi ko tuloy mahagilap ang isasagot ko. “Xyvielle?” untag niya nang bigla akong natahimik.
“Huh?”
“Sabi ko gusto mo bang manood ng movie with me? Maaga pa naman,” aniyang nakangiti.
“Ummm—- hindi kasi ako nakapag-paalam. Pwede sa weekend na lang?” saad ko. ang kaninang nakangiti ay napalitan ng lungkot sa mga mata niya.
“That’s okay. weekend right? aasahan ko iyan,” aniyang pilit tinatago ang pagkadismaya.
“Sure, I’ll text you this weekend. Magpapaalam lang ako ahead of time.” nakangiti kong sabi sa kanya na ikinatuwa nito.
“Tara! Hatid na kita. Ayaw mo bang kumain muna? or mag merienda?” tanong niya.
“Busog pa kasi ako,” tango ko. Napakamot na lang siya ng ulo.
Tuluyan na nga niya akong hinatid sa bahay. Nadatnan namin ang mga kapatid ko. Naging maayos naman ang treatment ng mga kapatid sa bisita ko.
Hindi naman gaano nagtagal si Brixxe sa bahay. Katunayan agad ng nag-palagayan ng loob sila ni Kuya. Magkaparehas kasi sila ng mga hilig. Inimbita nga ni Kuya si Brixxe na pumarito sa weekend.
I am so happy seeing them together. kahit nagpapanggap lang kami ay nandoon ang pag-asa na kung sakali pareho kami ng nararamdaman then eventually turned into a serious relationship not the unofficial relationship na status namin.
“Hoy, Ate! baka matunaw iyan sa kakatitig mo sa boyfriend mong tisoy.” untag ng aking kapatid na animo tuwang tuwa na nakamasid sa akin.
“Tumahimik ka nga! baka marinig tayo.” saway ko rito.
“Bakit? takot ka bang mahuli? or takot kang mabuking na pinagnanasahan mo siya?” aniyang nang-aasar nang biglang napalingon sa gawi ko si Brixxe.
Biglang kumakabog ang dibdib ko. hindi ko man maintindihan pero hindi ko na lamang inintindi sa halip ningitian ko na lamang ito.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Brixxe sa akin. Uuwi na rin ito.
“Oh, Paano Xy. Aalis na ako. I’ll text or call you, if tuloy tayo bukas,” aniya habang nakamasid sa amin ang aking mga kapatid. Saglit siyang kumaway sa mga ito.
Ngumiti lamang ang dalawa then umalis na si Brixxe. Habang ang dalawang sina Kuya at Shane ay nakangiting sumalubong sa akin.
“Nanliligaw na ba iyon sa’yo?” usisa ni Shane habang nakangiti na naghihintay si Kuya sa sagot ko.
“Magkaibigan lang kami ni Brixxe.”
“Talaga? Totoo?” Hindi kumbinsido na tanong ni Shane sa akin. Habang tahimik lamang si Kuya na nakikinig.
Hindi masyadong strict si Kuya when it comes to the guys na magbabalak na manligaw sa akin. Pinag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na iyan nung nag-eighteen ako. Pinaintindi niya sa akin na I need to be responsible and be careful when it comes to the guys na magugustuhan ko. Pinaalalahanan niya rin ako if ever dumating ang pagkakataon na ganito. I’ll make sure that kilala niya ang guy at magkakasundo silang dalawa.
Knowing Kuya Drei, magaling siyang kumilatis ng lalaki. Hindi nga ako makapaniwala na magkakasundo silang dalawa. And, for the record, si Brixxe ang kauna-unahan na lalaki na pumunta ng Bahay. That's why, hindi naniniwala si Shane na magkaibigan lang kami ni Brixxe.
“He looks nice, Ate. I like him!” aniyang pangiti-ngiti.
“Huh?”
“I mean, I like him for you. Selos agad?” natatawa niyang sambit.
“Magkaibigan lang kami ni Brixxe,” saad ko.
“Weee… ‘Di nga? Halata naman na gusto niyo ang isa’t-isa,” pang-aasar na wika ni Shane na nagpangiti sa akin. “Ayieee… si Ate, kinikilig!”
“Tumahimik ka!” saway ko.
“Ayoko nga! In love na si Ate…”
Napailing na lamang kami ni Kuya habang sabay na kaming pumasok sa loob.
“Xy, Are you okay?” tanong n Kuya sa akin.
“Oo naman, Kuya. I’m fine.”
“Don’t pressure yourself, damdamin mo lang. It's a wonderful feeling and bawal ang mapikon!” aniyang niyakap ako ni Kuya.
“Thanks, Kuya. You're the best!”
“You're always welcome, I'm just here if you need me.”
“I love you, Kuya.”
“Love you too,”
Pagkatapos namin na mag-usap ni Kuya. I go to my room nang biglang tumunog ang phone ko.
Hello,” sambit ko.
“Hello, it's me, Marco.”
“Oh, napatawag ka?”
“Yeah, Brixxe told me na may lakad kayo this weekend?” tanong niya.
“Oo, he told me that he would text or call me,” sagot ko. “ Bakit? Gusto mong sumama?” tanong ko.
“Oo, sana! But, gusto ko sana isama rin natin ‘yung
bestfriend mo. Ayoko rin naman na maging third wheel,” aniyang natatawa.
“Anong third wheel ka diyan? Paano ka naman maging third wheel?” tanong ko.
“Naku! Kunwari pa ito oh! Maging third wheel niyo.”
“Loko ka talaga! Para naman totoo ang relasyon namin. ‘Di ba nga kunwari lang naman,” dinig ko ang tawa sa kabilang linya.
“Kunwari lang pala iyon? Akala ko totoo e, Seems you look good together kasi,” pang-aasar niya.
“Ewan ko sa’yo! Malilintikan ka talaga sa akin bukas. O ‘di kaya ayokong isama si Drea bukas, “ natatawa kong saad.
“Huwag please… Isama mo na! Hindi na kita aasarin, promise!” natatawa na lamang ako.
“Okay…. Sige! Bukas ko na siya tatawagan para hindi na ito makatanggi. See you,”
“Salamat, Xy. Maasahan ka talaga! Ililibre kita bukas,” aniyang tuwang-tuwa.
“Talaga? Promise?” tanong ko.
“Oo, promise! Basta siguraduhin mong makakasama natin si Drea bukas,” aniya.
“Oo naman! Ako bahala sa kanya.”
“Sige, salamat. Bye,” paalam niya.
“Bye.”
Natatawa na lamang ako sa inasal ni Marco. He's madly in love with my bestfriend pero itong si Drea, ubod ng pakipot. Ewan ko na lang kung hindi umiiyak kapag nagsawa na sa panunuyo si Marco at makahanap ng iba. Matagal ko na rin kaibigan si Marco, naging close kami dahil bestfriend siya ni Brixxe.
Katunayan nga minsan mas kasama ko si Marco dahil na rin gusto niyang mapalapit sa aking bestfriend. Lagi naman silang nag-aaway. Hindi ko nga lubos maisip na iyong dalawa ay hindi magkasundo. Sana dumating ang araw na maganda ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.
Mabait naman si Marco, may pagka-makulit lang na naging dahilan na naiinis si Andrea sa kanya. Ang kwento sa akin ni Brixxe, maraming nagkakandarapa na babae sa kaibigan niya. Tingin mo sa kanya ay chickboy pero hindi naman talaga. Tulad din siya ng bestfriend niyang si Brixxe na malambing, maalalahanin at maasahan. Napakaswerte nila sa isa’t-isa tulad din sa mga kaibigan ko na napakabuti at maaasahan. Matagal-tagal na rin kaming magkakaibigan apat magmula nung nasa high school kami. Kahit ngayong nasa College kami ay lagi pa rin kaming magkasama. Sa lahat ng panahon at pagkakataon.
Sina Herl at Ysai ay parehong may masayang lovelife. Si Andrea naman iyong pihikan pagdating sa lalaki pwera kay Marco na ultimate crush niya since high school. Kaya lang until now, hindi ko maintindihan kung bakit naiinis siya kay Marco. Totoo nga pala ang kasabihang the more you hate, the more you love.
I'm about to go to bed nang pumasok si Mama sa room ko.
“Going to bed?” tanong niya. Tumango lang ako then nakaupo siya sa kama. “Are you okay, Anak?”
“I’m fine, Ma. Why?”
“May nabanggit kasi sa akin ang kapatid mo,” aniya. Bigla akong kinabahan sa hindi alam ang dahilan.
“Huh? What is it, Ma?” takang tanong ko.
“Ummm--- about this guy na naghatid sayo kanina,” napailing na lamang ako. Dahil alam kong si Shane na naman ang nagsabi kay Mama tungkol kay Brixxe.
“Ahhh--- iyon ba? Si Brixxe po iyon, Ma. Kaklase ko nung high school then schoolmate ko ngayon,” napangiti si Mama na animo nang-aasar.
“Are you sure? Classmate?” tanong niya.
“Of course, Ma! Classmate and schoolmate,” sagot ko.”Bakit pala, Ma? Ano pala sa tingin niyo?” muli kong tanong.
“Ummm-- Akala ko kasi, boyfriend mo. I mean baka manliligaw,” nakangiti niyang sambit.
“Hindi… Magkaibigan lang kami,”
“Kaibigan lang ba talaga?” nang-aasar na wika ni Mama.
“Si Mama talaga! Nagpapaniwala sa sinasabi ni Shane. Hinatid lang nga niya ako then nakipaglaro ng video games kay Kuya,”
“Hmmm--- nakipaglaro sa Kuya mo? Does it mean, magkasundo na sila?” tanong niya na ikinatango ko.”Oh, really?”
“Opo, Ma. Inimbita nga muli ni Kuya e, pero sabi niya may lakad daw kami bukas.”
“Lakad? I mean, Date?” namilog ang mata ni Mama. Hindi yata ito makapaniwala sa narinig niya.
“Are you okay, Ma?” tanong ko.
“Yeah, I'm fine. Binigla mo kasi ako e,” aniya. “Talaga bang magde-date kayo bukas?” muli niyang tanong.
“Hindi naman iyon date, Ma. Kasama naman namin iyong bestfriend niya at si Drea,”
“Pareho lang din iyon, may kasama pa kayo. Parang double date,” aniyang tila kinikilig. “I want to meet your friend, Anong pangalan niya?”
“Brixxe po,”
“Oh, okay. Brixxe?”
“Brent Xymone Byrne.
“Oh, Byrne? May lahing ano?”
“British, Ma. Actually dito po siya lumaki kaya marunong mag tagalog,”
“Ah--- panigurado na tisoy siya, di ba?” tumango lang ako then napangiti si Mama. Parang alam ko ang ibig sabihin ng mga ngiti niya.
.
Hindi naman istrikto si Mama pagdating sa boys. Gusto niya lang na kilalanin sila at maging honest kami. Walang dapat na tinatago dahil ayaw na ayaw niya iyon.
“Ma, pwede ba? I mean, pwede ba kaming lumabas bukas?” tanong ko.
“Oo naman! But, in one condition,”
“Sure! Anong condition, Ma?” tanong ko.
“Ummm--- kailangan ko muna siyang makilala at makausap,” aniyang nakangiti.
“Of course, Ma! Susunduin niya ako tomorrow,” nakangiti kong saad.
“Okay… Weekend naman bukas, nandito lang ako sa bahay.
“Thanks, Ma.”
“You’re welcome, sweetie. I’ll have to go, good night.”
“Good night.”
Umalis na nga is Mama pagkatapos namin mag-usap. It’s good thing na pumayag siya. I know she would tell Dad about it. And, I know Dad is a bit strict but my Mom knows what to do. I'm just happy na willing si Mama na makilala si Brixxe. Malaking bagay na iyon para sa akin. Sa wakas makakatutulog na ako ng mahimbing.
I can’t help myself getting more excited. “Is this for real? My crush or should I say, my love wants to go out with me for a friendly date? Or a real date?” katanungan ng isip ko habang nakatingala ako sa ceiling na amino nag-iimagine ng sweet moments together.
I never expected this na isang araw iyong taong pinapangarap ko at taong lihim kong minamahal ay makakasama ko, kahit nagpapanggap lang pero ramdam ko ang care niya.
To be Continued