CHAPTER EIGHTEEN BRIXXE POV AFTER KO NAIHATID SI XYVIELLE sa bahay nila. Agad din akong nakauwi. Nadatnan ko pa si Mama who is patiently waiting for me. I texted her kanina na matatagalan ako sa pag-uwi. “I'm here,” sigaw ko. Agad napalingon si Mama at sinalubong ako. “How's Xyvielle? Where have you been?” tanong niya sa akin. “Sumaglit lang kami sa park, Ma. Saglit na nag-usap then hinatid ko na siya,” saad ko. “You look so tired,” nahalata niya na medyo pagod ako.”Matulog ka na! Bukas na lang tayo mag-usap. Your Dad is waiting for me,” aniya. Tumango ako then kiss her.”Good night, Son.” “Good night, Ma.” Dumeretso na nga ako sa kwarto after namin mag-usap ni Mama. It's almost eleven o'clock. I took a quick shower para makatulog ako but until now hindi pa ako dinadalaw ng antok.