CHAPTER SEVENTEEN XYVIELLE POV WALANG PAGLAGYAN ng nararamdaman ko ngayon. Magkahalong saya at galak. To the point, halos hindi ako makatulog. Parang lutang na nakatitig sa kisame. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Brixxe na “Umm-- I don't think so. Nandiyan ka na e,” hindi man direktang sinabing may nararamdaman din siya para sa akin ngunit ang lakas ng epekto nito sa akin. paulit-ulit na sinisigaw ng isipan ko ang mga katagang iyon. Hindi ko alam if maniniwala ako sa kanya. All this time wala akong ibang hinangad kundi mahalin din ako ng taong pinakamamahal ko. Nung tinanong ko siya tungkol sa stalker or should I say sa secret admirer ko, inamin niyang nagseselos siya. Bakit siya nagseselos na in the first place, pareho naming hindi ito kilala at nakikita. Nagseselos siya kahi