CHAPTER EIGHT

2336 Words
Chapter Eight XYVIELLE’s POV I RECEIVED A TEXT from Brixxe, by two o'clock later they'll be coming with Marco of course. I've been thinking of what I'm going to tell Andrea about this. Kapag tatawagan ko siya ahead of time baka hindi sasama sa amin lalo na with Marco. I am about to get ready nang pumasok si Shane sa room ko. “Hi, Ate! Are you getting ready? May date ka raw sabi ni Mama,” anyang humiga sa kama. “Hindi naman yon date, kasama naman namin si Marco,” nakataas kilay habang nakakunot noo siyang nakatingin sa akin. “Marco? Talagang may kasama kayo para hindi mahalata,” “No! It's not like that… Kasama rin namin si Drea.” “Does it mean, si Marco and Drea ang magka-date?” “Yeah, possible! I don't know…” saad ko. “Huh? I don't understand… Anong meron?” tanong niya. “Huwag ka ng mag-usisa diyan! Tulungan mo kaya ako, Anong maganda kong suotin?” tanong ko sa kanya. “Umm--- Teka! May nakita akong white skirt, Ate. What do you think? Di ba may crop top ka na binigay ko sayo?” “Which one? The red or the black one?” tanong ko. “Umm-- the red one, Ate. I will let you use my red bag then use the white sneakers,” aniyang nakangiti. “Then aayusan kita!” “Thank you, Shane. Maaasahan talaga kita!” nakangiti kong saad then niyakap ko siya. “You're welcome, Ate. I love you,” “I love you, too. Anything you want for a pasalubong?” tanong ko. “Ummm-- Anything! Basta iyong favourite ko,” aniya. “Oh, okay. Ako na bahala!” Sambit ko. Fashionista at may pagka-kikay ang kapatid ko. Simple lang kasi ako kaya kapag ganito na may lakad ako. Alam ko kung sino ang matatakbuhan at maaasahan ko. I am very blessed and grateful to my family. They’re always been there for me, Lalo na si Mama na unang nakakaunawa sa akin. Half an hour din akong inayusan ni Shane before Brixxe and Marco have arrived. “Wow! You are stunning, Ate. Lalong ma-fall in love si Brixxe sayo,” nakangiti niyang saad. “Tumahimik ka diyan! Anong in love? Friends lang kami ni Brixxe,” saway ko rito. Natawa ito. “Anong nakakatawa?” “Ikaw! Napaka-showbiz mo kasi, in denial ka pa!” pang-aasar niya. “Anong showbiz? Totoo naman na wala kaming relasyon ah!” giit ko. “Oh, sinabi mo e. But, you look good together, Ate. Kahit hindi mo aminin, alam kong crush mo si Brixxe,” “Ewan ko sayo! Tara na nga,” saad ko then sabay na kaming lumabas sa room ko. I am patiently waiting for them. Hanggang may narinig kaming busina sa labas. Magkasabay na lumabas ang dalawa habang nakangiti akong nakamasid sa kanila. Ang gwapo at mukhang napakabango ni Brixxe. He's wearing a plain white polo and red shorts and red sneakers. “Ate, Matchy-matchy kayo oh!” natatawa na saad ni Shane sa akin. “Oo, nakita ko.. Tumahimik ka dyan!” pinandilatan ko siya ng mata. “Teka! Umamin ka! Nag-usap ba kayo?” tanong niya. “About what?” “About sa suot niyo,” aniyang natatawa. . “Hindi ah! Nagkataon lang siguro,” saad ko habang papalapit na ang dalawa. “ Hi, girls. Kumusta?” nakangiting bati ni Brixxe. “Hi,” sambit ko. “Tuloy muna kayo,” aya ko sa kanila. “Huwag na! Dito na lang kami,” tanggi ni Brixxe. “Are you sure? Mama wants to meet you,” sabat ni Shane. “Yeah, ayos lang kami dito,” “Okay… Wait! Magpapaalam lang ako,” saglit akong pumasok pero sinalubong kami ni Mama. “Oh, Where are you going?” tanong niya. “Ma! Magpapaalam na sana ako. Aalis na kasi kami, Ma.” “Oh, Where's Brixxe?” tanong niya. “Nasa labas, Ma.” sagot ko. “Huh? Nasa labas? Hindi niyo pinapasok?” gulat na tanong niya sa amin. “They insisted on staying outside, Ma. Pinapasok namin pero tumanggi sila.” “Oh, okay! I'll better have to go with you, for me to meet him,” mukhang excited si Mama na makilala is Brixxe. “Ma, he's with his friend named Marco,” saad ko. Tumango lang si Mama then sabay na kaming lumabas. Nadatnan niya ang dalawa ng matiyagang naghihintay sa akin. Agad nila kaming napansin at nagbigay galang kay Mama. “Good afternoon, Tita.” nakangiting bati ng dalawa. “Good afternoon.” “Ma, si Brixxe and Marco,” pakilala ko kay Mama. “Oh, nice to meet you both,” nakangiting turan ni Mama. “By the way, May I invite you both to have dinner with us tonight?” “Umm-- maybe si Brixxe lang po siguro, Tita. I need to get home before dinner kasi,” singit ni Marco. “Oh, okay… No problem! That would be okay with you, Brixxe?” tanong ni Mama. “Sure! Tita. That would be nice,” nakangiti niyang saad na ikinatuwa ni Mama. “Okay.. See you later, Brixxe. Ingat kayo and have fun, masayang sabi ni Mama. Nagpaalam na kami then agad kong tinawagan si Andrea. For her to get ready. Alam ko na she might wonder sa bigla kong pagtawag at pag-aya sa kanya. She might be surprised if he sees Marco. “Pick up the phone, Drea.” ilang beses din nag-ring bago niya sinagot. “Hello, Xy. Napatawag ka?” tanong niya. “Hello, Drea. we’re heading to your place. Be ready,” saiad ko. I know right there she's wondering pero ito lang ang naisip ko. “Huh? Really?” tanong niya. “Yeah, We're on our way.” Sinong kasama mo?” muli niyang tanong. “Be ready, may pupuntahan tayo,” Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil mahirap na kapag nakatunog ito na kasama namin si Marco. Agad namin natanaw si Drea paglabas nito sa bahay ngunit bigla na lamang siyang nagulat nang bigla niyang napansin ang lalaking ayaw niyang makita. “Hello, Drea.” nakangiting bati ni Marco. Hindi maipinta ang mukha ni Drea ng makita niya ito at akmang tata likod para bumalik sa loob. Pilit na pigilan ni Marco. “Where are you going?” dinig ko ang pag sigaw ni Marco. Ngunit sadyang nagmatigas si Drea kaya napasugod ako. “What’s going on here?” kinalma ko ang aking sarili. “Nothing!” sambit niya. “Nothing? Let me handle this,” bulong ko kay Marco. Napatango siya then bumalik sa kotse. “Thank you,” aniya na tila may pakiusap ito na halata sa mga mata niya. Drea! Ano iyon? Aalis ka na lang bigla when you saw him?” galit na tanong ko sa kanya. “Why didn't you tell me na kasama pala siya? Why do you lie to me?” sumbat niya. Bigla akong natahimik. But, I need to convince here. “I did not lie to you! It's his idea not to tell you, dahil for sure ay tatanggi ka,” aniya na lalong nagpainis sa kanya. I know her so well. “Do you think sa ginawa niyo, hindi ako naiinis? Pinagmukha niyo akong tanga! Ako naman itong si gaga, nagpa-uto sa on the way at sa hindi mo pag sabi kung sinong kasama,” inis niyang saad sabay talikod. “Andrea! Please..,. Listen to me! Okay, I am so sorry that I haven't told you about this. And can you please hear him out… I think he deserves it kahit papaano,” pakiusap ko sa kanya. “So? What do you mean?” tanong niya. “Try to talk to him, I mean, you must give him a chance,” “A chance? For what?” “For at least, as your friend. And please… Huwag ka ng masungit at nagtataray sa kanya, Be nice naman! Malay mo maging close kayo,” napaisip muna siya. “Yeah, you're right! Maybe I must give him a chance,” napangiti ako then lumingon sa kinaroroonan ng dalawa. Sumenyas ako ng thumbs up to them then nakangiting hinarap ako. “That’s my girl! You deserve special treats from him,” kinurot niya ko ang kanyang pisngi at niyakap ko siya, “Let’s go!” Masaya ako kahit papaano. This maybe the first step na maging maayos ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. Kami kasi ang naipit tuwing magkagalit ang dalawa. I also want to help Marco on this, minsan niya rin akong tinulungan before. Pilit na lamang siyang ngumiti dahil napansin niyang nakataas ang aking kilay na nakamasid sa kanila ng kaharap niya na ito. “Halika! Pasok,” aniya. Tuluyan na nga kaming pumasok sa loob ng kotse. Katabi ko siya at nasa harap naman si Marco. “Saan ba tayo pupunta?” Pabulong niyang tanong. Ngunit parang narinig yata ni Marco. Napangiti na lamang ako “Anywhere you want!” aniyang kumindat pa to sa kanya. Hindi ko mapigilang kiligin. “Sino ba ang nakaisip nito?” muling tanong niya habang tahimik lamang si Brixxe. “Siya ang nag-imbita sa amin. May usapan kasi kami ni Brixxe kahapon na lumabas para manood ng sine.” saad ko.”Before that, sinabihan niya si Brixxe kung free siya today kaya ayon nagkasundo sila at isama ka sa pamamasyal.” “Ah—- So, pinagkaisahan niyo talaga ako noh!” nagma maldita na naman. “Hindi noh! Katunayan nga, I really want to take this opportunity na bumawi sa’yo. For everything I've caused you,” ani Marco na nakangiti pa ito sa kanya. Lihim akong natawa sa dalawa. Kilala ko ang bestfriend ko. Her nuances every time na kiligin ito. Ayaw lang magpahalata kaya dinadaan sa pagsusungit na animo may buwanang dalaw. Anong gusto niyo? Kakain muna or manonood ng sine?” tanong ni Brixxe sa amin. “Ummm--- Kakain! Sorry nagugutom na kasi ako,” nakangiting saad ko habang tahimik lamang si Drea. “Okay… Treat ko!” sabat naman ni Marco sabay kindat kay Drea. Huling huli ko yun, Alam ko deep inside kinikilig ang maganda kong friend. “Oh, that sounds great! Iba talaga kapag inspired,” pang-aasar na turan ni Brixxe. “Naku! Huwag ka ng magtaka, Brixxe. Iyan ang pangako ni Marco sa akin kahapon kaya huwag ka ng gumastos dahil sagot lahat na iyan ni Marco,” singit saad ko. Natawa na lamang ako dahil nakakunot-noo akong tiningnan ni Marco. “Wait, si Marco ang manlilibre?” tanong ni Drea. “Oo! ‘Di ba, Marco?” Nakangiti na tanong ko kay Marco. “Ah, Oo! Sa pagkain natin, libre ko.” agarang saad niya na ikinatuwa namin. “Oh, okay… ako na lang bahala sa movie tickets,” saad naman ni Brixxe. Makalipas nga ang ilang sandali ay dumating na kami sa Mall. Dumeretso muna kami sa isang Fast food chain na paborito namin ni Brixxe. “Hahanap lang kami ng bakanteng upuan natin,” saad ko sa pagpasok namin. Tumango lamang ang dalawa then pumila para umorder.”Tara, Drea. Doon tayo,” saad ko at hinila ko tungo sa abot tanaw na bakanteng lamesa na naroon. “Are you okay?” tanong niya. “Yeah, I'm fine. How about you?” “Feeling awkward,” tipid niyang sagot. “Awkward? Why? Is this because of him?” nakakunot noo kong tanong. Tumango lamang ako. “I knew it! Medyo awkward nga. Lalo na may nangyaring halikan kahapon,”saad ko. Napa buntong hininga siya then sumimangot. “Pinaalala mo ba talaga! Ayoko na ngang maalala e,” reklamo niya. Natawa ako sa reaction niya. Affected pero kinikilig. “Weeeh… As if naman! Hindi ka kinilig sa halik niya, Umamin ka! How does it feel? May spark ba?” curious na tanong ko “Ewan! Ikaw talaga! Para naman hindi mo kilala iyon na sobrang chickboy kaya iyon,” natawa ulit ako sa sinabi niya.”Anong nakakatawa?” tanong niya. “Ikaw! Napaka Seryoso mo kasi, Mabuti pa kausapin mo iyong tao, hayaan mong magpaliwanag.” “Why? Do I need to hear his explanations for why he did that to me? Anong ipapaliwanag niya?” napailing na lamang ako sa kanyang mga sinabi. “Pwede ba, Andrea! Huwag kang mag-inarte. Ni minsan ba hindi nag-effort si Marco sayo? I mean, nag-sorry man lang sayo?” seryoso niyang tanong. “Ummm--- nag-effort naman siya, katunayan nga pinadalhan niya ako ng flower at chocolates sa bahay then may note na I am so sorry,” saad niya. Napataas ako ng kilay. “Nag-sorry naman pala e, Anong inaarte mo diyan?” sermon ko sa kanya. I let her realize what she needs to do at iyon ay makipag-ayos kay Marco. Bigla na lamang itong natahimik. “Andrea!” untag ko sa nakatulala na si Andrea. Mukhang may something na biglang naalala. I'm fine, may bigla lang sumagi sa isipan ko, Bakit ang tagal nila?” pag-iiba niya ng usapan habang nakatingin ito sa pila. “Ayan na sila oh! Miss mo na agad?” pang-aasar ko nang biglang tumunog ang phone ko. “Anong miss ka diyan! Phone mo nag-ring,” saad ko. Saglit kung sinagot ang tawag and it's Ysai. “Yes?” sambit ko. “Where are you?” tanong niya. “Umm-- I'm with Drea, Marco and Brixxe, why?” “Oh, really? Ano iyan Date?” gulat na tanong niya. “Yeah, sort of. Umm-- I have to go, call you later. I'm starring na kasi,” agad kong binaba ang phone para hindi na ito mag-usisa. Nakangiti akong nakamasid sa dalawa. They look good together. “Here’s your favourite! Burger and fries,” nakangiti na sabi ni Marco sabay kindat rito. “Thank you,” sambit niya. Masaya at puno ng asaran ang bonding naming apat. Pagkatapos namin kumain ay manonood kami ng sine. To be Continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD