Nagmistulang tour guide si Amara pagdating nila sa kumpanya. Inilibot niya muna si Dianne sa lugar kung saan siya nagtatrabaho bago ito dinala sa opisina ni Summer. Ayaw niya sana kaso mapilit ang babae na malaman kung sino ang magiging Editor-in-chief ng mga libro niya. “Uhm, Miss Summer, may gusto pong makipagkilala sa inyo.” Magalang na untag niya kay Summer na noo’y nakaharap sa laptop nito at hindi man lang nag-abalang magtaas ng tingin sa kanila. “Can’t you see, Amara? I’m busy.” Maarteng wika nito. “May pangalan ko naman diyan sa labas ng pinto, that’s enough. Nice to meet you.” balewalang wika nito. Nanatiling nakayuko si Summer sa laptop nito habang ngiting-ngiti na animo’y may kung anong nakakatuwa sa ginagawa nito. Nahihiya siyang napasulyap kay Dianne, nakita niyang nakatiti