Kanina niya pa naririnig na nag-aalarm nang paulit-ulit ang cellphone niya pero hindi niya iyon magawang patayin. Sobrang bigat ng talukap ng mata niya at pakiramdam niya ay wala siyang lakas para bumangon. Inis niyang inabot nang pilit ang cellphone at in-off iyon ng hindi man lang siya nagmumulat. Pagod na pagod siya kahapon kaya naman wala siyang gana pumasok ngayon. Ito na marahil ang magiging unang absent niya simula ng magtrabaho siya. “Amara, huy babaita!” naramdaman niyang hinampas pa siya ng unan ni Ruby pero hindi niya ito pinansin. Gusto niyang matulog maghapon lalo na at rinig niya ang malakas na patak ng ulan sa bubong ng tinutuluyan niyang apartment. Pero tila walang balak ang pinsan niya na lubayan siya. Hinila nito ang kumot na bumabalot sa buo niyang katawan saka siya ki